Kasalanan

Pagsuway o paglabag sa mga utos o batas ng isang relihiyon
(Idinirekta mula sa Ligaw (katayuan))

Ang kasalanan, mula sa salitang-ugat na sala, ay ang pagsuway sa utos o batas ng Diyos,[1][2] bagaman maaari ring pagsuway sa atas ng ibang tao o sa lipunan. Katumbas ito ng pagkakamali o kamalian, pagkukulang, paglabag, transgresyon, pagkaligaw mula sa tamang landas o daan, paggawa ng masama o sumama (naging masama).[1] Kaugnay ng pananampalataya, tulad ng sa Kristiyanismo at Hudaismo, ito ang nagsasanhi ng pagkahiwalay o pagbali sa relasyon o pakikipag-ugnayan sa Diyos. Dating hindi kabahagi ng orihinal na kalikasan ng tao ang kasalanan (ang kasalanang orihinal) sapagkat ang unang mga tao, katulad nina Adan at Eba, ay may kakayahang pumili kung magtitiwala at susunod ba sila o hindi sa kautusan ng Diyos. Dahil sa kasalanan, nagkaroon ang mga tao ng katangiang pagkakaroon ng likas na kasalanan kapag ipinanganak sa mundo, isang bagay na nakaaalipin sa kanila, at nagbibigay ng daan patungo sa iba pang mga uri ng paglabag sa batas. Sa pananampalataya pa rin, ipinadala ng Diyos si Hesus upang magapi ang kapangyarihan ng kasalanan at tanggalin din ang parusa para rito. Sa pamamagitan ng pagkukumpisal ng mga kasalanan, napapatawad ng Diyos ang mga tao.[2]

Paglalarawan ng pagpapalayas nina Adan at Eba mula sa halamanan ng Eden dahil sa kanilang kasalanang orihinal.

Sa Katolisismo

baguhin

Sa Katolisismo, mayroong tatlong mga uri ng kasalanan: ang mga kasalanang benyal, ang pitong mga kasalananang nakamamatay at ang pitong mga kasalanan sa lipunan:

Mga kasalanang benyal

baguhin

Ang mga kasalanang benyal ay mga pagkakasalang maliit o madaling mapatawad[1] sa pamamagitan ng mga sakramental o ng mga sakramento.

Ito ay mapapatawad kung mag babalik loob sa Panginoon at ikumpisal ang mga kasalanan sa Diyos at hindi na muling ulitin ang mga nagawang mali upang maging totoo ang salitang pagbabago(Born Again).

" Forgiveness is the divine miracle of grace. The cost to God was the Cross of Christ. To forgive sin, while remaining a holy God, this price had to be paid. Never accept a view of the fatherhood of God if it blots out the atonement. The revealed truth of God is that without the atonement He cannot forgive— He would contradict His nature if He did. The only way we can be forgiven is by being brought back to God through the atonement of the Cross. God’s forgiveness is possible only in the supernatural realm. "

Pitong mga kasalanang nakamamatay.

baguhin

Ang pitong mga kasalanang nakamamatay o nakapipinsala ay mga orihinal, ganap, o lubos na mga kasalanan o bisyo ng tao:

 
Ang Ang Pitong mga Kasalanang Nakamamatay at ang Apat na Huling mga Bagay na iginuhit ni Hieronymus Bosch.

Pitong mga kasalanan sa lipunan

baguhin

Noong 10 Marso 2008, naglabas ang Batikano ng pitong bagong mga kasalanan na panglipunan:

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Sin, venial, pride, envy, gluttony, lust, anger, greed, sloth - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Kasalanan". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B11.
  3. Salin mula sa Ingles na: 1. Pride, 2. Envy, 3. Gluttony, 4. Lust, 5. Anger, 6. Greed, 7. Sloth
  4. 4.0 4.1 Krause-Jackson, Flavia. Vatican Lists Seven Social Sins, Including Drug Abuse (Update2), Bloomberg.com, 10 Marso 2008
  5. Owen, Richard. Seven new deadly sins: are you guilty? Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine., TimesOnLine.co.uk, 10 Marso 2008
  6. Salin mula sa Ingles na: 1. "Bioethical" violations such as birth control, 2. "Morally dubious" experiments such as stem cell research; 3. Drug abuse, 4. Polluting the environment, 5. Contributing to widening divide between rich and poor, 6. Excessive wealth, 7. Creating poverty