Listahan ng parangal at nominasyon ni Ariana Grande
Ang Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta, at artista na si Ariana Grande ay nakatanggap ng maraming pagkilala at gantimpala sa kanyang buong karera. Ang kanyang unang album na Yours Truly ay inilabas noong taóng 2013, na pumasok bilang Numero Uno sa Billboard 200 sa Estados Unidos.[1] Ang album ay nagbunga ng tatlong mga single: "The Way", "Baby I", at "Right There", na lahat ay pumasok sa Hot 100.[2] Noong parehong taon, siya ay nanalo bilang Bagong Artista ng Taon sa American Music Awards. Ginampanan niya ang pangunahing bahagi bilang Cat sa palabas na Sam & Cat (2013–14), kung saan siya'y nagwagi ng parangal bilang Paboritong Aktres sa Telebisyon sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards.
| ||||||||||||||
Kabuuan[a] | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Wins | 254 | |||||||||||||
Nominations | 663 | |||||||||||||
Talababa
|
Noong 2014, inilabas ni Grande ang kanyang pangalawang studio album, ang My Everything, na sinundan ng unang single nito na "Problem". Sa ika-31 na taunang MTV Video Music Awards, ang awiting "Problem" ay nanalo ng gantimpala para sa Best Pop Video, at nakakuha ng tatlong nominasyon, kasama na ang Best Female Video. Ang single ay nagwagi rin bilang Mahusay na Kanta sa MTV Europe Music Awards no'ng 2014. Siya'y nagwagi ng gantimpalang Paboritong Breakout Artist sa ika-40 na seremonya ng People's Choice Awards. May apat na nominasyon si Grande mula sa Young Hollywood Awards no'ng 2014, kabilang ang Hottest Music Artist. Sa ika-57 na taunang Grammy Awards, nominado si Grande para sa dalawang gantimpala. Noong 2015, siya'y nagwagi ng isa pang Gantimpalang American Music para sa Paboritong Pop/Rock Female Artist at isang Gantimpalang iHeartRadio para sa Pinakamagandang Kolaborasyon para sa awiting "Bang Bang". Siya'y may kabuuang sampung Gantimpalang Teen Choice at anim na Gantimpalang Radio Disney Music
Noong 2016, inilabas ni Grande ang kanyang ikatlong studio album na Dangerous Woman. Siya ay nominado para sa limang gantimpala sa MTV Video Music Awards no'ng 2016, kabilang ang Best Pop Video at Best Female Video para sa kanyang ikalawang single na "Into You". Nanalo siya ng American Music Award para sa Artist of the Year. Sa ika-59 na taunang Grammy Awards, si Grande ay nominado para sa dalawa pang gantimpala: Best Pop Solo Performance para sa kanyang single na "Dangerous Woman" pati na rin Best Pop Vocal Album, ang kanyang pangalawang nominasyon sa kategoryang iyon. Noong 2017, siya'y nominado para sa Artist of the Year sa MTV Video Music Awards.
Gantimpala at nominasyon
baguhinNarito ang isang simpleng talaan ng mga gantimpala at nominasyon na natanggap ni Grande, batay sa Wikipedia sa wikang Ingles:
American Music Awards
- Kabuuang Panalo: 3
- Total Nominations: 18
Billboard Music Awards
- Kabuuang Panalo: 2
- Total Nominations: 39
Grammy Awards
- Kabuuang Panalo: 2
- Kabuuang Nominasyon: 15
MTV Video Music Awards
- Kabuuang Panalo: 9
- Kabuuang Nominasyon: 43
iHeartRadio Music Awards
- Kabuuang Panalo: 6
- Kabuuang Nominasyon: 35
People's Choice Awards
- Kabuuang Panalo: 3
- Kabuuang Nominasyon: 22
Teen Choice Awards
- Kabuuang Panalo: 12
- Kabuuang Nominasyon: 37
Brit Awards
- Kabuuang Panalo: 1
- Kabuuang Nominasyon: 4
Isinasalaysay ng talaang ito ang mga pangunahing gantimpala at ang bilang ng mga pagkapanalo at nominasyon na natanggap ni Grande sa bawat kategorya. Para sa karagdagang detalye, maaari mong bisitahin ang Wikipedia sa wikang Ingles.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Ariana Grande Album & Song Chart History". Billboard 200. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 29, 2015. Nakuha noong Disyembre 17, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ariana Grande Album & Song Chart History". Billboard Hot 100. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 29, 2016. Nakuha noong Disyembre 17, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)