Lumang Kaharian ng Ehipto
Ang Lumang Kaharian ng Ehipto ay ang pangalang ibinigay sa panahon noong 3000 BK nang ang Ehipto ay nagkamit ng unang tuloy tuloy na tugatog ng kabihasnan sa kasalimuotan at pagtatamo. Ito ang una sa tinatawag na mga panahong "Kaharian" na nagmamarka sa pinakamatataas ng mga punto ng kabihasnan sa mababang Lambak Nilo (ang dalawa pang iba ang Gitnang Kahariang Ehipto at Bagong Kahariang Ehipto). Ang terminong ito ay inimbento ng mga istoryador noong ika-19 siglo CE at ang pagtatangi sa pagitan ng Lumang Kaharian ang Panahong Simulang Dinastiko ng Ehipto ay hindi makikilala ng mga Sinaunang Ehipsiyo. Hindi lamang na ang huling hari ng Panahong Simulang Dinastiko ay kamag-anak ng unang mga dalawang hari ng Lumang Kaharian kundi ang kabisera na tirahan ng hari ay nanatili sa Ineb-Hedg na pangalan ng Sinaunang Ehipto para sa Memphis. Ang pangangatwiran para sa paghihiwalay sa pagitan ng dalawang panahon ang rebolusyonaryong pagbabago sa arkitektura na sinamahan ng mga epekto sa lipunang Ehipsiyon at ekonomiya sa malalakihang mga proyekto ng pagtatayo.
Lumang Kaharian ng Ehipto | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
c. 2686 BK–c. 2181 BK | |||||||||
Kabisera | Memphis | ||||||||
Karaniwang wika | Sinaunang Ehipsiyo | ||||||||
Relihiyon | Sinaunang Ehipsiyong relihiyon | ||||||||
Pamahalaan | Imperyal na kulto, Ganap na monarkiya | ||||||||
Paraon | |||||||||
• c. 2686–c. 2649 BK | Djoser (una) | ||||||||
• c. 2184–c. 2181 BK | Ang huling hari ay depende sa iskolar, Neitiqerty Siptah (ika-6 na Dinastiya) o Neferirkare (ika-7/ika-8 Dinastiya) | ||||||||
Kasaysayan | |||||||||
• Naitatag | c. 2686 BK | ||||||||
• Binuwag | c. 2181 BK | ||||||||
|
Ang Lumang Kaharian ay pinakakaraniwang tinuturing na panahon mula sa Ikatlong Dinastiya hanggang sa Ikaanim na Dinastiya (2686 BK – 2181 BK). Marami ring mga ehiptologo ang nagsasama ng Ikapitong Memphite na Dinastiya at Ikawalong Dinastiya sa Lumang Kaharian bilang pagpapatuloy ng pamamahala na sentralisado sa Memphis. Bagaman ang Lumang Kaharian ang panahon ng panloob na seguridad at kasaganaan, ito ay sinundan ng panahon ng hindi pagkakaisa at relatibong pagbagsak ng kultura na tinatawag ng mga Ehiptologo na Unang Pagitang Panahon ng Ehipto. Sa panahon ng Lumang Kaharian, ang hari ng Ehitpo(hindi pa tinatawag na paraon hanggang sa Bagong Kaharian) ay naging isang buhay na diyos na absolutong namumuno at maaaring mag-atas ng mga serbisyo at kayamanan ng kanyang mga nasasakupan.
Sa ilalim ni Haring Djoser na unang hari ng Ikatlong Dinastiya ng Lumang Kaharian, ang kabiserang panghari ng Ehipto ay inilipat sa Memphis kung saan itinatag ni Djoser ang kanyang korte. Ang bagong panahon ng pagtatayo ay sinimulan sa Saqqare sa ilalim ng kanyang paghahari. Ang arkitekto ni Haring Djoser na si Imhotep ay itinuturo na nagpaunlad ng pagtatayo gamit ang bato at sa pagiisip ng bagong anyo ng arkitektura na mga pyramid na hakban. Ang katunayan, ang Lumang Kahrian ay pinakakilala para sa maraming bilang ng mga pyramid sa panahong ito bilang mga libingan ng mga paraon. Dahil dito, ang Lumang Kaharian ay itinuturing na "Panahon ng mga Piramide".
Ikatlong Dinastiya
baguhinAng unang hari ng Lumang Kaharian ay si Djoser (panahon sa pagitan ng 2691 at 2625 BK) ng ikatlong dinastiya, na iniutos ang pagtatayo ng isang piramide (ang Piramideng Hakbang) sa nekropolis ng Memphis sa Saqqara. Isang mahalagang tao sa panahon ng paghahari ni Djoser ay ang kanyang vizier na si Imhotep.
Ikaapat na Dinastiya
baguhinAng Lumang Kaharian at ang maharlikang kapangyarihan nakarating sa isang tugatog sa ilalim ng Ikaapat na Dinastiya (2613-2494 BK), na nagsimula kay Sneferu (2613-2589 BK). Gamit ang higit pang mga bato kaysa sa anumang iba pang mga hari, siya ay nagpatayo ng tatlong mga piramide: isang ngayon gumuho nang piramide sa Meidum, ang Baluktot na Piramide sa Dahshur, at ang Pulang Piramide, sa Hilagang Dahshur. Gayunman, ang ganap na pagpapaunlad ng piramideng estilo ng gusali ay naabot hindi sa Saqqara, ngunit sa panahon ng gusali ng "dakilang mga piramide" sa Giza.
Si Sneferu ay sinundan ng kanyang anak na si Khufu (2589-2566 BK) na nagpatayo ng Dakilang Piramide ng Giza. Matapos ang kamatayan ni Khufu, ang kaniyang mga anak na sina Djedefre (2566-2558 BK) at Khafre (2558-2532 BK) ay maaaring nagkaroon ng pagtatalo.
Nagkaroon ng mga militar na mga paglalakbay sa Canaan at Nubia, na may Ehipsiyong impluwensiya na umabot hanggang sa Nilo sa kung ano ngayon ay Sudan. Ang mamayang mga hari ng Dinastiyang Ikaapat ay sina haring Menkaure (2532-2504 BK), na siyang nagpatayo ng pinakamaliit na piramide sa Giza, Shepseskaf (2504-2498 BK) at, marahil, si haring Djed Ptah (2498-2496 BK).
Ikalimang Dinastiya
baguhinAng Ikalimang Dinastiya (2494-2345 BK) ay nagsimula kay Userkaf (2494-2487 BK) at kinakitaan ng lumalaking kahalagahan ng mga kulto ng diyos na araw na si Ra.