Buksan ang pangunahing menu

Reactive oxygen species (ROS) o malayang radikal ay mga reaktibong molekyuls. Ito ay mga produkto ng metabolismo na gumagamit ng oxgygen. Sila ay may kakayahang sumira ng DNA, protina, karbohidrat, at lipids. Kasama sa ROS ang mga singlet oxygen, superoxides, anion radikals, at peroksayd ions.

Ang pagkakaroon ng maraming ROS molekyuls ay madalas na naka-ugnay sa paglala ng sakit sa puso, mga karamdaman sa ulo, at kanser. Nanggagaling ang ROS sa iba’t ibang bagay tulad ng ultrabiyoletang radyasyon, ionizing radyasyon, at ang ugnayan ng mga selula sa isa’t isa.

Ang ideya na ang mga malayang radikal ay sanhi ng lason sa buhay ng mga organismo ay unang iminungkahi ni Gerschman noong 1954. Pagkatapos ng dalawang taon, nagsimula ang teorya ng pagkatanda na nagsasabi na ang pagkatanda ay sanhi ng mga malayang radikal. Habang tumatanda ang organismo, naiipon ang pinsala na dulot ng mga malayang radikal. At dahil sa teorya ng pagkatanda, sinasabi na ang pinsala na dulot ng mga malayang radikal ay ang pinaka sanhi ng pagkatanda.

Ang pinsala na dulot ng mga malayang radikal sa DNA ay may ugnayan sa pagtanda ng mga selula. Tinuturing na ang mitokondriya ay ang pangunahing lugar kung saan makikita ang produksiyon ng mga malayang radikal. Ang mitokondriyon tulad ng ibang organismo ay may sariling DNA, kaya naman itinuturing ng mga mananaliksik na mas mapanganib ang sira na dinudulot ng mga malayang radikal sa genome ng mitokondriya kumpara sa genome na makikita sa loob ng nukleyo ng mga selula. May mga ibang malayang radikal na lumalabas sa mga kompartimento ng mitokondriya at lumilibot sa cytosol upang makapunta sa iba’t ibang lugar sa loob ng selula. Ang mga kumawala na malayang radikal ay kayang bumuo ng covalent bonds sa mga DNA bases (apurinic at apyrimidinic sites), gumawa ng crosslinks sa mga protina, at pumutolin ang mga DNA strands ng isa o dalawang beses.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.