Si Maria (Ebreo: מִרְיָם, Miriam; Arameo: Maryām; Arabe: مريم, Maryam) at tinatawag ring Santa Maria, Inang Maria, ang Theotokos, Mapalad na Birheng Maria, Ina ng Diyos, Mariam na ina ni Isa (sa Islam) ayon sa tradisyong Kristiyano at Muslim ang ina ni Hesus. Ayon sa bibliya partikular na sa apat na kanonikal na ebanghelyo ang ina ni Hesus na nagmula sa Nazareth, Galilea. Siya ay itinuturing ng maraming mga Kristiyano na unang akay sa Kristiyanismo. Siya ay isinasaad sa Bagong Tipan sa Mateo 1:16,18-25 at Lucas 1:26-56, 2:1-7 at sa Quran bilang ina ni Hesus sa pamamagitan ng interbensiyon ng diyos. Ang kanyang anak na si Hesus ay pinaniniwalaan ng maraming mga Kristiyano na ang mesiyas at ang diyos na nagkatawang tao. Si Hesus ay itinuturing sa Islam na mesiyas at ang ikalawang pinakamahalagang propeta sa lahat ng mga propeta sa Islam at mas mababa sa huling propetang si Muhammad. Siya ay inilalarawan sa Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas bilang isang birhen (parthenos sa Griyego) na naglihi ng milagroso kay Hesus sa pamamagitan ng ahensiya ng banal na espirito. Ang mga Muslim ay naniniwala na siya ay naglihi sa pamamagitan ng utos ng diyos.

Ang Thetokos ng Vladimir na isa sa pinakapipitaganang ikono ni Maria sa Simbahang Silangang Ortodokso, ca. 1131

Buhay ni Maria

baguhin

Bagong Tipan

baguhin
 
Mapa ng Nazareth sa Galilea at Bethlehem sa Judea.

Ang paglilihing birhen ni Maria kay Hesus ay isinasaad sa bibliya na nangyari nang siya ay ikakasal na kay Jose at naghihintay ng isang rito ng kasal. Kanyang pinakasalan si Jose at ayon sa Lucas sumama kay Jose sa Bethlehem, Hudea mula sa Nazareth, Galilea upang magpatala sa censo ni Quirinius na nagaatas sa mga indibidwal na bumalik sa lugar ng kanilang mga ninuno. Gayunpaman, ayon sa mga arkeolohgo, walang ebidensiyang arkeolohikal na nagpapakita na ang Bethlehem sa Hudea ay tinirhan ng mga tao noong unang siglo BCE o unang siglo CE.[1]

Ang kwento ng kapanganakan ni Hesus ay matatagpuan lamang sa dalawang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Mateo. Gayunpaman, ang parehong Lucas at Mateo ay may salungatan tungkol sa kapanganakan ni Hesus. Sa Mateo, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Bethlehem at si Maria ay nanganak kay Hesus sa kanilang bahay sa Bethlehem kung saan sila ay dinalaw ng mga mago(Mateo 2:1-7) at pagkatapos ay kinailangang nilang tumakas sa Ehipto dahil sa banta ni Dakilang Herodes ni patayin ang sanggol na si Hesus(Mateo 2:13). Pagkatapos mamatay ni Dakilang Herodes noong ca. 4 BCE, ang ama ni Hesus na si Jose ng Nazareth ay naglayong bumalik sa kanilang tirahan sa Bethlehem sa Judea ngunit binalaan sa isang panaginip na huwag ditong pumunta at sa halip ay tumungo sa Galilea sa Nazareth dahil si Herodes Arquelao ay namumuno sa Judea at ito ay upang matupad ang isang hula na si Hesus ay tatawaging isang Nazareno (Mateo 2:21-23). Salungat sa Mateo, sa Lucas 2:4-6, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Nazareth sa Galilea at tumungo sa Bethlehem dahil sa Censo ni Quirinio(ca. 6 CE) dahil siya ay mula sa angkan ni David (Lucas 1:27; 2:4) at sa Bethlehem ay ipinanganak si Hesus sa isang sabsaban dahil wala silang mahanap na kuwarto na mapapanganakan ni Hesus. Pagkatapos dalhin nina Jose at Maria ang sanggol na Hesus sa Ikalawang Templo sa Herusalem para sa ritwal ng puripikasyon, sila ay bumalik sa kanilang tirahan sa Nazareth sa Galilea(Lucas 2:39). Ayon sa Ebanghelyo ni Juan 7:41-42, naniwala ang mga Hudyo na si Hesus ay hindi nagmula sa Bethlehem kundi sa Galilea at "walang propeta na manggagaling sa Galilea"(Juan 7:52)

Ang historyan na si Josephus ay nag-ulat na noong taong 6/7 CE, si Quirinius ay hinirang na legatong gobernador ng Syria samantalang ang ekwestriyanong Romanong katulong na Romano na si Coponius ay itinakdang unang gobernador ng Judea. Ang mga gobernador na ito ay inatasan na magsagawa ng censo ng buwis para sa emperador Romano sa Syria at Judea.[2] [3] Ang salaysay ng censo ni Quirinius sa Ebanghelyo ni Lucas ay itinuturing na problematiko ng mga skolar ng bibliya dahil sa paglalagay nito ng kapanganakan ni Hesus noong panahon ng censo ni Quirinius (6/7 CE) samantalang ang Ebanghelyo ni Mateo ay naglalagay ng kapanganakan Hesus sa panahon ni Herodes na namatay noong 4 BCE na 9 na taong mas maaga sa censo ni Quirinius.[4] Sa karagdagan, walang mga sangguniang historikal na nagbabanggit ng isang censor na pandaigdigan o kahit sa daigdig na kinontrol ng imperyo Romano. Ang mga censo ni emperador Augustus ay sumasaklaw lamang sa mga mamamayang Romano at hindi kasanayan sa mga censong Romano na atasan ang mga tao na bumalik sa mga bayan ng kanilang mga ninuno.[5][6] [7][8][9][10]

Ayon sa Juan 2:1-5, Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng kasalan sa Cana ng Galilea. Naroroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at ang kaniyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Nang magkulang ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya: Wala na silang alak. Sinabi ni Hesus sa kaniya: Babae, ano ang kinalaman ng bagay na ito sa akin at sa iyo? Ang aking oras ay hindi pa dumarating. Sinabi ni Maria sa mga tagapaglingkod na gawin ang anumang iniutos sa kanila ni Hesus. Inutusan ni Hesus ang mga tagapaglingkod na punuin ang mga tapayan at sumalok at dalhin sa namamahala ng handaan. Pagkatapos tikman ito at dahil hindi alam kung saan ito nanggaling ay tinawag ng namamahala ng kapistahan ang lalaking ikinasal. Sinabi nito sa kanya na unang inihahain ng bawat tao ang mabuting alak. Ang mababang uri ay inihahain kapag marami na silang nainom, ngunit inihain nito ang mabuting alak ng huli.

Ayon sa Marcos 3:31-34, dumating ang ina at mga kapatid na lalake ni Jesus. Sila ay nakatayo sa labas ng bahay at nagsugo na tawagin siya. Nakaupo ang napakaraming tao sa palibot niya. Sinabi ng mga sinugo sa kaniya: Narito, nasa labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka. Sinagot sila ni Jesus: Sino ang aking ina o mga kapatid? Pagtingin niya sa mga taong nakaupo sa palibot, sinabi niya: Tingnan ninyo ang aking ina at mga kapatid. Ito ay sapagkat ang sinumang gumaganap ng kalooban ng Diyos, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae at ina.

Ayon sa Mateo 13:53-57, Nangyari na nang matapos na ni Hesus ang mga talinghagang ito, umalis siya roon. Pagdating niya sa kaniyang sariling lupain, nagturo siya sa kanila sa kanilang sinagoga. Labis silang nanggilalas na sinabi: Saan kumuha ang lalaking ito ng karunungan at gayundin ang mga ganitong himala? Hindi ba ito ang anak ng karpentero? Hindi ba ang kaniyang ina ay si Maria? Hindi ba ang mga kapatid niyang lalake ay sina Santiago, Jose, Simon at Judas? Hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama natin? Kung gayon, saan nga kumuha ang lalaking ito ng ganitong mga bagay? At kinatisuran nila siya. Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila: Ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bayan at sambahayan.

Ayon as Juan 19:25-27, Nakatayo sa malapit sa krus ni Hesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang iniibig na nakatayo sa malapit, sinabi niya sa kaniyang ina: Babae, tingnan mo ang iyong anak. Pagkatapos ay sinabi niya sa alagad: Narito ang iyong ina. At mula sa oras na iyon ay dinala siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.

Apokripa

baguhin

Ayon sa Ebanghelyo ni Santiago, si Maria ang anak ni Joachim at Ana. Bago ipaglihi si Maria, si Anna ay baog. Si Maria ibinigay sa serbisyon bilang isang konsagradong birhen sa templo ng Herusalem nang siya ay 3 taon. Ang ilang mga apokripa ay nagsasaad na sa panahon na ipagkasundo siyang ikasal kay Jose, si Maria ay 12 hanggang 14 taong gulang samantalang si Jose ay may edad na 90. Ayon sa tradisyon, si Maria ay namatay na napapalibutan ng mga apostol sa Herusalem o Efeso sa pagitan ng 3 at 24 taon pagkatapos ng pagakyat ni Hesus sa langit. Ayon kay Hyppolitius ng Thebes, si Maria ay nabuhay ng 11 taon pagkatapos ng kamatayan ng kanyang anak at namatay noong 41 CE.

Mga pananaw

baguhin

Ang Hudaismo ay tumatakwil na si Hesus ang mesiyas at tumatakwil sa mga salaysay ng Bagong Tipan ng Kristiyanismo. Hindi sila naniniwala na salita ng diyos ang Bagong Tipan.

Ang mga psilantropista ay nangatwiran laban sa birheng kapanganakan ni Hesus at nagturo na si Hesus ay isang tao lamang. Ang psilantropismo ay umiral sa mga sinaunang pangkat na Hudyo-Kristiyano gaya ng mga Ebionita na tumuring kay Hesus na mesiyas ngunit tumakwil kay Apostol Pablo bilang isang tumalikod.

Noong ikaapat na siglo CE, itinakwil sa kredong Niseno ang katuruan na si Hesus ay isa lamang tao. Ang kredong Niseno ay nilikha ng Konsilyo ng Nicaea noong ikaapat na siglo CE bilang pagsalungat at pagkondena (ng nanaig na bersiyon ng Kristiyanismo) sa paniniwalang Arianismo ng ilang mga Kristiyano.

Ayon kay Epiphanius, si Birheng Maria ay sinasamba bilang diyosang Ina sa sektang Krisityano na Collyridianism na matatagpuan sa buong Arabya noong mga 300 CE. Ang mga ito ay naghahandog ng mga tinapay kay Birheng Maria kasama ng iba pang mga kasanayan. Ang pangkat na ito ay kinondena ng Simbahang Katoliko Romano at binatikos ni Epiphanius sa kanyang kasulatang Panarion.

Iba pa

baguhin

Noong ikalawang siglo CE, si Celsus ay nagmungkahi na si Hesus ang ilehitimong anak ng sundalong Romano na si Panthera. Ang kuwento tungkol kay Panthera ay matatagpuan rin sa Toledot Yeshu.

Mga doktrina tungkol kay Maria

baguhin

May iba't ibang mga doktrina ang iba't ibang mga sekta ng Kristiyanismo o mga indibidwal na Kristiyano tungkol kay Maria. Ang mga doktrinang ito ay kinabibilangan ng:

Doktrina Lumikha ng doktrinang ito
at petsa ng pagkakalikha
Mga sektang tumatanggap nito
Ina ng Diyos (Theotokos) Unang Konsilyo ng Efeso, 431 CE Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, Lutherano, Methodista
Kapanganakang birhen ni Hesus Unang Konsilyo ng Nicaea, 325 CE Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, Lutherano, Methodista
Protestantismo, Mormon
Pag-akyat sa langit ni Maria ensiklikal na Munificentissimus Deus
Papa Pio XII, 1950
Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, ilang Lutherano
Kalinis-linisang paglilihi ensiklikal na Ineffabilis Deus
Papa Pio IX, 1854
Romano Katoliko, ilang Anglikano, ilang Lutherano, simulang Martin Luther
Walang hanggang pagkabirhen Konsilyo ng Constantinople, 533
Mga artikulong Smalcald, 1537
Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, ilang Lutherano
Martin Luther, John Wesley

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-03-10. Nakuha noong 2012-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Josephus, Antiquities 17.355 & 18.1–2; c.f. Matthew 2:22
  3. Emil Schürer, Fergus Millar (editor), Geza Vermes (editor), The history of the Jewish people in the age of Jesus Christ Vol I, (Continuum, 1973), page 424: "It was started ... in the earliest in the summer of C.E. 6." and completed "at the latest in the autumn of C.E. 7"
  4. e.g. R. E. Brown, The Birth of the Messiah (New York: Doubleday), p. 547.
  5. Emil Schürer (revised by Geza Vermes, Fergus Millar and Matthew Black), The History of the Jewish People in the Age of Jesus Christ, Continuum International, 1973, Volume I page 401.
  6. James Douglas Grant Dunn, Jesus Remembered, p. 344; E. P. Sanders, The Historical Figure of Jesus, Penguin, 1993, p86
  7. Spong, John Shelby. Jesus for the non-religious. HarperCollins. 2007. ISBN 0-06-076207-1
  8. Brown, R.E. The Birth of the Messiah: A Commentary on the Infancy Narratives in Matthew and Luke. Doubleday, NY. 1993. Page 549
  9. Bromiley, Geoffrey W, ed. The International Standard Bible Encyclopedia. William B. Eerdmans Publishing. 1995. ISBN 0-8028-3785-9. Page 655
  10. Ehrman, Bart D.. Jesus, Interrupted. HarperCollins. 2009. ISBN 0-06-117393-2