Mariano Jesús Cuenco
Si Mariano Jesús Diosomito Cuenco (Enero 16, 1888 – Pebrero 25, 1964) ay ipinanganak sa Carmen, Cebu noong 16 Enero 1888 anak nina Mariano Albao Cuenco at Remedios Lopez Diosomito. Nag-aral siya sa Colegio de San Carlos ng Cebu kung saan siya nagtapos noong 1904 na may degree na Bachelor of Arts. Nagtapos siya ng law noong 1911 sa Escuela de Derecho (na di nagtagal ay naging Manila Law School) at pumasa sa bar exam noong 1913.
Mariano Jesús Cuenco | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Enero 1888
|
Kamatayan | 25 Pebrero 1964
|
Libingan | Sementeryo Norte ng Maynila |
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Unibersidad ng San Carlos |
Trabaho | politiko, abogado |
Opisina | Pangulo ng Senado ng Pilipinas (21 Pebrero 1949–30 Disyembre 1951) miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas () |
Cuenco Ang Manunulat
baguhinSi Cuenco ay kilala rin bilang isang magaling na manunulat. Siya ang publisher ng Spanish – language newspaper El Precursor of Cebu, isang dyaryo na nasa sirkulasyon simula 1907 hanggang noong bago magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Taong 1947, Binuo niya ang The Republic. Taong 1926, Naging kasapi siya ng Academia Filipina Correspondiente de la Real Española de la Lengua. Pinarangalan siya ng pamahalaan ng Espanya ng decoration Gran Cruz de Isabela la Catolica at ng Lungsod ng Vatican ng Pro Ecclesia et Pontifice.
Sumulat din si Cuenco sa Visayan. Ang Republikang Pilipinhon, Codigo at Roma ay ilan sa kanyang mga gawa. Ang kanyang bantog ay "Lauro Katindog."
Dalawang beses siyang ikinasal, una kay Filomena Alesna, at makalipas ang ilang taon ng pagkamatay ng kanyang asawa, kay Rosa Cayetano.
Namatay siya noong 25 Pebrero 1964.
Tingnan din
baguhin- A Website Dedicated for Mariano Jesus Cuenco Naka-arkibo 2009-03-21 sa Wayback Machine. (And most of the Cuenco family clan during the 1900 era)
- Concepcion Cuenco Manguerra Memorial Site Naka-arkibo 2006-12-11 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.