Lumad

mga pangkat etniko sa Mindanao
(Idinirekta mula sa Mga Lumad)

Ang Lumad ay isang katawagan para sa pangkat ng mga katutubo mula sa Pilipinas na pangunahing matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Isang katawagang Bisaya ang "lumad" na nangangahulgang "katutubo".[1] Nangangahulugan din ito sa Bisaya bilang "isinilang mula sa lupa".[2][3] Ang katawagan ay pinaikli mula sa Katawhang Lumad na nanganghulugang "Mga Katutubo".[4]

Ang mga Bagobo, isa sa mga Lumad, sa kanilang tradisyonal na kasuotan (c. 1913)

Naging isa itong pampolitikang katawagan na unang naging tanyag nang ginagamit noong panahon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos upang tukuyin ang mga katutubong hindi Moro o hindi Kristiyano na nabiktima ng mga agresyon ng pag-unlad na naapekto sa kanilang lupaing ninuno.[5][6]

Noong Hunyo 26, 1986, pinagtibay ang katawagang Lumad ng karamihan sa mga pangkat-etniko na delegado sa pagpulong ng Lumad Mindanao People's Federation (LMPF, o lit. na 'Pederasyong Pambayan ng Lumad sa Mindanao')[a] sa Guadalupe Formation Center, Balindog, Kidapawan, Hilagang Cotabato (Cotabato na lamang ngayon).[5][7] Pumasok din ang katawagan sa Batas Republika Blg. 6734 na pinirmahan nang noo'y Pangulong Corazon Aquino. Nasaad sa Artikulo XII Seksyon 8(2) na ang mga Lumad ay grupong iba sa mga pamayanang etniko mula sa Bangsamoro.[8] Bagaman, noong Marso 2, 2021, naglabas ang Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan ng resolusyon na tinututulan ang paggamit ng katawagang "lumad" at inatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na iwasan ang paggamit ng "lumad" sa mga opisyal na dokumento at komunikasyon.[9] Mariing namang binatikos ng ilang sektor ang resolusyon ng komisyon.

Kinabibilangan ng 17 pangkat-etniko ang mga Lumad, at mayaman at malawak ang kalinangan ng mga Lumad na kinabibilangan ng mga wika, ritwal, sayaw at iba pang mga tradisyon.[10] Tahanan ang Mindanao ng malaking bahagi ng katutubong populasyon ng bansa, na binubuo ng humigit-kumulang 15% ng populasyon ng Pilipinas noong 2008.[5] Bagaman, kinukwestyon ang lubhang kalakihan ng bahagdang ito partikular ang ekonomistang si Winnie Monsod.[11]

Maraming suliranin at madaling manganib ang mga Lumad tulad ng pag-atake at pagsuspetya sa kanila bilang komunista,[12] mataas na insidente ng kahirapan dulot ng pag-agaw sa kanilang lupain,[13] at diskriminasyon.[6] Wala din silang pantay na kaparaanan na makuha ang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at kabuhayan.

Katawagan

baguhin

Umusbong ang katawagang Lumad mula sa pagnanais ng mga katutubong taga-Mindanao na palayain ang sarili sa mga panlalait at hindi kanais-nais na pagtawag sa kanila.[14] Isa sa ayaw nilang pantawag sa kanila ang katawagang "minorya".[15] Nagmula ang situwasyong mayorya-minorya sa kolonyalismong Kanluranin na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang iba pang panlalait na salita na tumutukoy sa kanila ay "pagano" at "nitibo".[6]

Etimolohiya

baguhin

Ang mismong salitang "lumad" ay mula sa wikang Bisaya na nangangahulugang "katutubo",[16] "isinilang mula sa lupa",[17][18] o "katutubong inianak na mamamayan".[19] Naging popular ang paggamit ng katawagang "Lumad" nang gamitin ito ng mga aktibista noong panahong diktadurya ni Pangulong Ferdinand Marcos para tukuyin ang mga katutubong di-Moro na nabiktima ng agresyon sa pag-unlad na kinakasangkutan na mga gawain tulad ng pagtotroso, pagmimina at agrikultura na naapektuhan ang kanilang lupaing ninuno.[5] Subalit, bago pa man naging tanyag ang katawagang Lumad sa pampolitikang aspeto, may salungatan nang naganap sa pagitan ng mga katutubo at sa pag-unlad ng Pilipinas nang magkaroon ng kalayaan ang bansa mula sa Estados Unidos noong pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[20] At maari ibakas pa ang salungatan ito noong panahon ng kolonyalismo ng Estados Unidos.[20]

Nagamit naman ng Social Action Center (Sentro ng Gawang Panlipunan) ng Simbahang Katoliko ang katawagang Lumad upang tukuyin ang mga liping hindi Kristiyano o hindi Muslim na nakaranas ng pang-aagaw ng karapatan ng pagkamay-ari at karahasan.[20] Nang maglaon, naitatag ang Lumad Mindanao People's Federation (LMPF, o lit. na 'Pederasyong Pambayan ng Lumad sa Mindanao')[a] noong 1986 na binagyan-diin ang karapatan sa lupa at pagsasarili.[20] At noong Hunyo 26 ng taon din na iyon, nagtitipon ang organisasyon sa Guadalupe Formation Center, Balindog, Kidapawan, Hilagang Cotabato (Cotabato na lamang ngayon), na kinabibilangan ng iba't ibang pangkat etniko sa Mindanao, at kanilang pinagtibay ang katawagang Lumad ng karamihan sa delegado ng pagpupulong para tukuyin sila.[5][7] Tila balintuna ang paggamit ng terminong "lumad" dahil Bisaya ito, subalit nakita ng mga katutubong taga-Mindanao na karapat-dapat ito dahil wala silang ibang karaniwang wika maliban sa Bisaya.[6]

Pagtututol sa katawagan

baguhin

Sa paglipas ng panahon, may mga pagtutol sa paggamit ng katawagang "lumad" o "kalumaran" para tukuyin ang mga katutubo at mga pangkalinangang pamayanang katutubo. Isa sa mga kapansin-pansing pagtutol ay noong Marso 2, 2021 nang naglabas ang Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan ng Resolusyong En Banc ng Komisyon Blg. 08-009-2021 na tinututulan ang paggamit ng katawagang "lumad" para tukuyin ang mga katutubo at mga pangkalinangang pamayanang katutubo partikular sa Mindanao, at tinatagubilin ang publiko na tukuyin ang mga katutubo at mga pangkalinangang pamayanang katutubo sa kani-kanilang pangkat na kinaaniban o pangkat etnolingguwistika.[9][21][22][23] Ayon din sa resolusyon, pinatotoo ni Datu Lito Omos, na nahalal bilang unang pangkalahatang kalihim ng LMPF, na napili ang katawagang "lumad" para kontrolin ang pagkakakilanlan ng mga katatubo sa ilalim ng mga pagsuporta ng CPP-NPA-NDF, at malawak na ginagamit ang mga katawagang "lumad" at "kalumaran" upang manghingi ng pagpopondong lokal at dayuhan para sa mga aktibidad na panlikha ng pananalapi ng CPP-NPA-NDF.[4][9] Dagdag pa sa resolusyon, na may mga sigaw o masidhing paghihimok mula sa mga matatanda, pinuno at kasapi ng iba't ibang mga pangkat katutubo at mga pangkat pangkalinangang pamayanang katutubo sa Mindanao na hindi dapat gamitin ang "lumad" upang tukuyin sila, at binanggit ang iba't ibang kadahilanan kabilang ang pagiging mapanghamak at mapanlait ang katawagan bukod sa iba pa.[9][24][25]

Gayunpaman, binatikos ng ilang nasa akademya, pamunuan ng simbahang Katolika at antropologo ang pagtutol na ito sa paggamit ng katawagang "Lumad", at sinabing isa itong inimbentong krisis na kahit may mga taong ayaw sa katawagan, hindi naman ito katumbas ng isang masidhing paghihimok.[26][27][28] Ipinahayag ng mga iskolar at pinuno ng Lumad na nagmumula ang resolusyon ay kawalan ng kamalayan sa kasaysayan ng katawagan at kamangmangan ng komisyon sa mga pakikibaka ng Lumad sa Mindanao.[26][28] Sinabi naman ng isang kolumnista ng Sun Star na walang basehan at malisyosong akusasyon ang pagkakabit ng katawagang "Lumad" sa CPP-NPA-NDF, at dinagdag pa ang Simbahang Katoliko, partikular ang mga obispo ng Mindanao, ang may mahalagang gampanin sa pagpasikat ng katawagang "Lumad" sa pagtukoy sa mga katutubo ng rehiyon.[29] Sinabi pa sa isang lathalain na ginamit ang katawagan ng Simbahan Katoliko ng walang adyendang ideolohikal.[26]

Noong Pebrero 19, higit sa isang linggo bago nailabas ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubo ang resolusyon, si Lorraine Badoy, ang tagapasalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC, o lit. na 'Pambansang Panggawaing Puwersa upang Tapusin ang Lokal na Komunista na Labanang Armado'), ay sinabi sa isang paskil sa Facebook na inimbento lamang ng CPP-NPA-NDF ang katawagang "Lumad" tulad ng katawagang red-tagging.[30][31][32] Nang tiningnan ng Rappler ang pagiging totoo ng mga pahayag ni Badoy, nayamot si Badoy at sinabing kailangang humingi ng tawad ang Rappler sa mga katutubo sa pagsuporta nito sa CPP-NPA-NDF.[33] Mariing tinanggi ng Rappler na dinidepensa nila ang CPP-NPA-NDF, samantalang nasuspinde naman ang akawnt ni Badoy sa Facebook ng 30 araw simula ng Marso 4 sa hindi pagsunod sa pamantayan ng pamayanan.[34]

Mga pangkat etniko at kanilang kalinangan

baguhin
 
Mapa ng Lumad sa Kapuluang Mindanao

Pinagkakaiba ang mga Lumad sa mga pangkat na hindi Kristiyano at hindi Muslim[7] at kabilang sa mga pagpapangkat ng mga Lumad sa Mindanao ang mga Ata, Bagobo, Guiangga, Mamanwa, Magguangan, Mandaya, Banwa-on, Bukidnon, Dulangan, Kalagan, Kulaman, Manobo, Subanon, Tagabili, Takakaolo, Talandig, at Tiruray o Teduray.[10] Mayaman at malawak ang kalinangan ng mga Lumad na kinabibilangan ng mga wika, ritwal, sayaw at iba pang mga tradisyon.[35] Nakasentro din ang kanilang kalinangan sa mga pamanang nakabatay sa ekolohiya na napapanatili.[7]

Tinatayang nasa 15% ng populasyon ng Pilipinas noong 2008 ang mga katutubong nasa Mindanao.[5] Bagaman, pinuna ito ng ekonomistang si Winnie Monsod dahil sa labis na kalakihan ng pagtaya.[11]

Pinapahalagaan ng mga Lumad ang kanilang lupain at pagkakonekta nito sa kanilang kalinangan, relihiyon at buhay.[5] Tinuturing nila ang lupain na pagmamay-ari ng pamayanan.[5][36] Mahalaga din sa kanila ang "kefiyo fedew" na nangangahulugang "mabuting pakiramdam" o "kapayapaan ng isip". Isa itong konsepto ng Lumad na nakasentro sa katarungan, kapayapaan at pag-unlad.[37]

 
Iba't ibang instrumento musika sa Mindanao ng mga Lumad at Bangsamoro

Musika

baguhin

Ang musika ay bahagi na ng kultura ng mga Lumad at maraming silang katutubong instrumentong pang-musika tulad ng kulintang, agung, gandingan, babandil at dabakan.[38] Karaniwan din ang intrumentong kudyapi na isang instrumentong de-kuwerdas.[39] Sinasamahan ng mga Lumad ang kanilang musika ng sayaw.sa mga ritwal, pagdiriwang, at pasasalamat sa magandang ani.[40] Pinapahayag sa musika at sayaw ang kanilang buhay at elemento ng kalikasan.

Mga isyung panlipunan

baguhin
 
Isang pinuno ng Bagobo (matanum)

Iba't ibang isyung panlipunan ang kinakaharap ng mga Lumad. Kapareho ng iba pang mga katutubo (o madalas na tinutukoy na IP o indigenous people sa Ingles) sa buong mundo, kinakatawan ng mga katutubo sa Pilipinas ang pinakamahihirap na sektor ng bansa na nagtitiis ng walang patas na pagkuha sa pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, at karapatang pantao. Sinasabing nagmumula ang mga isyung panlipunan ng Lumad sa mga etnikong hinaing na nagiging isyu ng kasakiman sa ekonomiya. Nahaharap sila sa pagkawala ng mga lupaing ninuno dahil sa pangangamkam ng lupa o militarisasyon,[5] ekonomiko at panlipunang pagbubukod,[41] at mga banta sa kanilang tradisyonal na kultura at pagkakakilanlan. Ang mga grupong Lumad ay nakikipaglaban sa pagpapaalis, mga pagpatay na ekstrahudisyal,[6] panliligalig[42] sa mga pagtatanggol ng mga karapatang Lumad,[20] at sapilitang pagsasara ng mga paaralan ng Lumad.[43]

Ang mga Lumad mismo ang nagtatanggol sa kanilang sarili. May mga kababaihang Lumad ang nagtatanggol sa kanilang karapatang katutubo na magkaroon ng lupaing katutubo at yaman.[44] Nanawagan din ang mga lumad na ibalik muli ang mga paaralang sinara.[45] Gayon din, hindi lamang sa mga lipi sila nanawagan ng karapatang pantao, pati na rin buong Pilipinas.[46]

Mga pananda

baguhin
  1. 1.0 1.1 Ayon sa isang artikulo ng Minda News, walang organisasyong nagngangalang Lumad Mindanao Peoples Federation bagaman mayroon LUMAD-Mindanao, Lumad Mindanaw, at Lumad Mindanaw Peoples Federation na ang huli ay naitatag noong 1994.[4] Para sa layunin ng artikulong Wikipediang ito, gagamitin ang Lumad Mindanao People's Federation dahil ito ang karamihan na ginagamit na organisasyon sa mga lathalain na tinutukoy na nagpulong noong 1986 para pagtibayin ang katawagang Lumad.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "LUMAD in Mindanao". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  2. "NMA: Lumad – National Museum" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  3. Tupaz, Voltaire (2017-08-09). "INFOGRAPHIC: Who are the Lumad?". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  4. 4.0 4.1 4.2 "The IP struggle continues as NCIP red-tags and bans use of "Lumad," the collective word for Mindanao IPs since the late 1970s" (sa wikang Ingles). 2021-03-20. Nakuha noong 2025-02-20.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 5.8 Manager, Site (2017-02-28). "Wars of Extinction: The Lumad Killings in Mindanao, Philippines". Kyoto Review of Southeast Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 "Arnold Alamon Highlights Lumad Identity, Resistance at the 3rd Consuelo J. Paz Lecture". 22 Marso 2023.
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Rodil, Rudy B. "The Tri-People Relationship and the Peace Process in Mindanao". Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Agosto 2004. Nakuha noong 21 Oktubre 2017.
  8. Ulindang, Faina. "Lumad in Mindanao". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Mayo 2021. Nakuha noong 2021-04-18.
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 "Facebook". Pahinang Facebook ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan. Nakuha noong 2025-02-21.
  10. 10.0 10.1 Minority Rights Group International, World Directory of Minorities and Indigenous Peoples - Philippines : Indigenous peoples, 2008, https://www.refworld.org/reference/countryrep/mrgi/2008/en/111477 [hinango noong 19 Pebrero 2025]
  11. 11.0 11.1 Collas-Monsod, Solita (2015-09-19). "Who is exploiting the 'lumad'?". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-21.
  12. Philippines, Eric Marcelo Genilo |. "Protecting the Lumads of the Philippines | Catholic Theological Ethics in the World Church". catholicethics.com. Nakuha noong 2025-02-18.
  13. "Collectively creating change: Sabokahan Unity of Lumad Women". Mama Cash (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  14. "Lumad Mindanao: Photo Series | Photographer Jacob Maentz" (sa wikang Ingles). 2020-04-16. Nakuha noong 2025-02-21.
  15. "THE LUMAD AND MORO OF MINDANAO" (PDF).
  16. "LUMAD in Mindanao". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  17. "NMA: Lumad – National Museum" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  18. Tupaz, Voltaire (2017-08-09). "INFOGRAPHIC: Who are the Lumad?". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  19. "What's in a Name? Views from Anthropologists on 'Lumad' – Philippine Social Science Council". web.archive.org. 2024-06-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-06-19. Nakuha noong 2025-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 20.3 20.4 "Arnold Alamon Highlights Lumad Identity, Resistance at the 3rd Consuelo J. Paz Lecture". 22 Marso 2023.
  21. NCIP (2021-05-27). "NCIP Resolution denouncing the use of the term "Lumad" to refer to ICCs/IPs". NTF-ELCAC (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-27.
  22. "Drop 'lumad', use ethnic group names instead: NCIP". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  23. "NCIP Annual Report - 2021" (PDF).
  24. Admin, ESSC (2021-04-12). "An invented crisis". Institute of Environmental Science for Social Change (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-21.
  25. admin (2021-03-26). "Notes on the NCIP resolution on 'Lumad'". UGAT Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-21.
  26. 26.0 26.1 26.2 Gatmaytan, Gus (2021-03-25). "Analysis: Notes on the NCIP resolution on 'Lumad'". MindaNews (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-02-26.
  27. "Bishop hits 'red-tagging' of word lumad in recent NCIP resolution". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2021-03-24. Nakuha noong 2022-02-26.
  28. 28.0 28.1 Arguillas, Carolyn O. (2021-03-19). "The IP struggle continues as NCIP red-tags and bans use of "Lumad," the collective word for Mindanao IPs since the late 1970s". MindaNews (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-02-26.
  29. Soto, Abel D. (2025-02-06). "THE LUMAD COMMUNITIES AND THE NCIP". SunStar Publishing Inc. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-27.
  30. "FALSE: Lumad is a word made up by the CPP-NPA-NDF". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-02-25. Nakuha noong 2025-02-18.
  31. "Statement of Protest Against the NCIP's Resolution Denouncing the Use of Term Lumad".
  32. "VERA FILES FACT CHECK: Badoy denies existence of Lumad, falsely claims 'Reds' coined the term".
  33. "Rappler needs to apologize to IPs: PCOO exec". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-27.
  34. "Badoy red-tags Rappler over fact check articles". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-03-04. Nakuha noong 2025-02-27.
  35. "The Lumad Cultures of Mindanao". Pagdiriwang 2024 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-20.
  36. "Threats and Challenges of Globalization to the Lumad People of Mindanao" (PDF).
  37. "LUMAD VOICES: Ancestral Land/Ancestral Domain as defined by the Indigenous People" (sa wikang Ingles). 2020-03-07. Nakuha noong 2025-02-20.
  38. "Asiatic Musical Traditions in the Philippines". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-21.
  39. "Traditional Music and Instruments of the Philippines". www.ethnicgroupsphilippines.com. Nakuha noong 2025-02-21.
  40. "Lumad (Indigenous) - Kababayang Pilipino". kababayangpilipino.org (sa wikang Ingles). 2020-03-13. Nakuha noong 2025-02-21.
  41. Alave, Dionesio (Jr.) (2021-01-17). "Upper Right Hand: Vulnerabilities of Lumad Communities in Mindanao". MindaNews (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-02-16.
  42. Yambao, Clod Marlan Krister; Wright, Sarah; Theriault, Noah; Castillo, Rosa Cordillera A. (2022-04-03). ""I am the land and I am their witness": placemaking amid displacement among Lumads in the Philippines". Critical Asian Studies. 54 (2): 259–281. doi:10.1080/14672715.2022.2059771. ISSN 1467-2715.
  43. Madarang, Catalina Ricci S. (2019-09-03). "Why Lumad schools are valuable to the education of Lumad children". Interaksyon (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-02-16.
  44. "Sabokahan Lumad women defending their indigenous right to ancestral land and resources in Mindanao" (PDF).
  45. Beltran, Michael (2024-12-18). "In the Philippines, persecuted Lumads push for Indigenous schools to be reopened". Mongabay Environmental News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  46. "Indigenous people, the Lumad, appeal for human rights in the Philippines | World Council of Churches". www.oikoumene.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.