Miguel Malvar
Si Miguel Malvar y Carpio (27 Setyembre 1865 – 13 Oktubre 1911) ay isang Pilipinong heneral na naglingkod noong Himagsikang ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas noong huling bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko si Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1901. Ayon sa ilang mga mananalaysay, maaari siyang itala bilang isa sa mga pangulo ng Pilipinas subalit kasalukuyang hindi kinikilala ng pamahalaan ng Pilipinas.
Miguel Malvar | |
---|---|
Heneral ng Pilipinas (Hindi Opisyal) Unang Republika ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 1 Abril 1901 – 16 Abril 1902 | |
Nakaraang sinundan | Emilio Aguinaldo |
Sinundan ni | Macario Sakay |
Personal na detalye | |
Isinilang | 27 Setyembre 1865 Santo Tomas, Batangas, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas |
Yumao | 13 Oktobre 1911 Maynila, Kapuluan ng Pilipinas | (edad 46)
Himlayan | Santo Tomas, Batangas |
Partidong pampolitika | Katipunan |
Propesyon | Revolutionary |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Unang Republika ng Pilipinas |
Sangay/Serbisyo | Philippine Revolutionary Army |
Taon sa lingkod | 1896–1902 |
Ranggo | General |
Atasan | Batangas Brigade (also known as the Malvar Brigade) |
Labanan/Digmaan | Philippine Revolution Philippine–American War |
Pagkabata at kanyang pamilya
baguhinIpinanganak si Malvar noong 27 Setyembre 1865, sa San Miguel, isang baryo sa Santo Tomas, Batangas, nina Máximo Malvar (higit na kilala bilang Kapitan Imoy) at Tiburcia Carpio (higit na kilala bilang Capitana Tibo). Hindi lamang tanyag ang mag-anak na Malvar sa kanilang bayan dahil sa kanilang yaman subalit pati sa kanilang pagkamapagkaloob at kasipagan.[1] Unang nag-aral si Malvar sa paaralang bayan ng Santo Tomas. Kinalaunan, pumasok siya sa isang pribadong paaralan na pinatatakbo ni Padre Valerio Malabanan sa Tanauan, Batangas, isang tanyag na institusyon pang-edukasyon sa Batangas noong mga panahong iyon, at kung saan naging kamag-aral niya ang kapwa rebolusyonaryo na si Apolinario Mabini. Lumaon lumipat siya sa isa pang paaralan sa Bauan, Batangas, at pagkatapos noon ay napagpasiyahan niya na huwag nang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa Maynila, na pinili na lamang na maging isang magsasaka. BIlang kapalit, tinulungan niya ang kanyang higit na masipag mag-aral na kapatid na lalaki, si Potenciano, na makapag-aral ng medisina sa Espanya. Kinalaunan, nahalal siya bilang capitan municipal ng kanyang bayan.[1]
Noong 1891, napangasawa ni Malvar si Paula Maloles, ang magandang anak ng capitan municipal ng Santo Tomas, na si Don Ambrocio Maloles. Si Don Ambrocio ang naging kapalit niya bilang capitan municipal. Higit na kilala sa kanila bilang "Ulay", isinilang niya ang kanilang labintatlong anak, subalit labing-isa lang ang nabuhay:Sina Bernabe, Aurelia, Marciano, Maximo, Crispina, Mariquita, Luz Constancia, Miguel (Junior), Pablo, Paula, at Isabel. May ugali si Malvar na dalhin ang kanyang mag-anak kasama niya kapag siya ay nagpupunta sa mga labanan noong kasagsagan ng Himagsikang Pilipino at noong Digmaang Pilipino-Amerikano.[1]
Koneksiyon kay Rizal
baguhinMagkaibigan sina Malvar at José Rizal pati ang kanilang mga pamilya. Inayos ni Doktor Rizal ang bingot ng asawa ni Malvar, at pinahiram ni Saturnina Malvar ng 1,000 piso si Malvar bilang paunang puhunan upang makapagsimula ng ikabubuhay.[1] Ang asawa ni Saturnina, na si Manuel, ay kamag-anak ni Malvar, at ang anak na babae ni Soledad Rizal Quintero ay naging asawa ng panganay na anak na lalaki ni Malvar, na si Bernabe. Kasamahan din ni Paciano Rizal si Malvar sa himagsikan.[1]
Si Malvar bilang ikalawang Pangulo ng Pilipinas
baguhinNoong 18 Setyembre 2007, inihain ni Rodolfo Valencia, Kinatawan ng Oriental Mindoro, ang Panukalang Batas 2594, na naghahayag na si Malvar ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas, na nagsasabi na maling kilalanin na si Manuel L. Quezon ang Ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas na naglingkod pagtapos ni Emilio Aguinaldo: "Pinalitan ni Heneral Malvar ang pamahalaang rebolusyonaryo pagkatapos mahuli si Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng Republika, noong 23 Marso 1901, at ipinatapon sa Hong Kong ng Pamahalaang Kolonyal ng Amerika — dahil siya ang sunod sa kapangyarihan."[2] Noong Oktubre 2011, naghangad ng tulong si Pangalawang Pangulo Jejomar Binay sa mga mananalaysay na iproklama bilang karapat-dapat na ikalawang pangulo ng Pilipinas, ang rebolusyonaryong Heneral Miguel Malvar.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abaya, Doroteo (1998). Miguel Malvar and the Philippine Revolution.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lawmaker: History wrong on Gen. Malvar sa Wayback Machine (naka-arkibo 2008-04-06). manilatimes.net (archived from the original on 2008-04-06).
- ↑ "Binay seeks help from historians for overlooking Malvar as 2nd RP president". taga-ilog-news. Oktubre 24, 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin