Ang Mocha Uson Blog ay isang pahina sa Facebook at blog na nagsisilbi para sa adhikaing pampolitika. Pangunahin nitong pinaglilingkuran ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas. Pinatatakbo ito ng mananayaw at tagasuporta ni Duterte na si Mocha Uson.

Mocha Uson Blog
Uri ng sayt
Pahina sa Facebook / Blog
Mga wikang mayroonIngles, Filipino
May-ariMocha Productions
LumikhaMocha Uson
URL

facebook.com/Mochablogger (Facebook)

mocha.com.ph (Blog)
Pang-komersiyo?Hindi
Mga gumagamit4 milyong tagasunod
NilunsadBlog: 2006; 18 taon ang nakalipas (2006)
Kasalukuyang kalagayanFacebook: Aktibo
Blog: Hindi Aktibo

Kasaysayan

baguhin

Dating nakatuon ang Mocha Uson Blog sa pagbibigay ni Uson ng mga payo na may kinalaman sa pagtatalik. Nagkaroon din ito ng 'sessions in the bedroom' kasama ang kaniyang all-female group, ang Mocha Girls.[1] Ayon sa kaniya, naging plataporma ito upang ipahayag ng mga Filipino ang kanilang mga hinaing na kung saan inihahatid ni Mocha sa pambansang pamahalaan.[2] Naging instrumento ito ng mga adhikaing pampolitika upang itaguyod ang pagkampanya sa pagkapangulo ni Rodrigo Duterte noong 2016, at nang dumating ang Oktubre 2016, halos lahat ng mga video na may kinalaman sa pagtatalik ay tinggal na bagaman may mga kopya pa rin sa mga Youtube account na hindi kaugnay.[1]

Umabot sa apat na milyon ang tagasunod ng Facebook page matapos maging bukas na tagasuporta si Uson ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa kaniya, marami nang tagasunod ang pahina bago pa man naging pampublik ang kaniyang pagsuporta kay Duterte.[3]

Nang sinabi ng bagong halal na Pangulong Duterte na i-boycott ang popular na media, sinuportahan ni Uson si Duterte at nakakuha pa ng isang eksklusibong interview sa Pangulo noong Hunyo 2016. Nakapaskil sa pahina ng Mocha Uson Blog ang mga video ng interview. [4]

Bukod sa isang Facebook page, mayroon pang blog site ang Mocha Uson Blog na mahahanp sa https://mocha.com.ph/.[5] Ngunit noong Oktubre 2016, nagtatanghal na lamang ang blog site ng mga panlabas na link sa mga account na pinamamahalaan ni Mocha Uson, kasama ang Facebook page ng Mocha Uson Blog.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Ressa, Maria (Oktubre 8, 2016). "How Facebook algorithms impact democracy". Rappler. Nakuha noong Oktubre 16, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sallan, Edwin (Oktubre 15, 2016). "Mocha Uson insists she's just being 'patriotic, not a fanatic'". InterAksyon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 18, 2016. Nakuha noong Oktubre 16, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Mocha Uson: 'I have changed'". Manila Bulletin. Oktubre 16, 2016. Nakuha noong Agosto 5, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sallan, Edwin (Hunyo 27, 2016). "Mocha Uson interviews Duterte, declares support for president-elect's media boycott". InterAksyon. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 18, 2016. Nakuha noong Oktubre 16, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Dizon, Irish Christianne. "A night with Mocha Uson". The Philippine Star. Nakuha noong 16 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Mocha Uson Blog". Mocha Uson Blog. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 18, 2016. Nakuha noong Oktubre 16, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)