Buksan ang pangunahing menu

Si Moon Geun-young (Hangul: 문근영; Hanja: 文瑾瑩; ipinanganak Mayo 6, 1987) ay isang artista mula sa Timog Korea. Sa gulang na 21, siya ang naging pinakabatang tumanggap ng Malaking Premyo ("Daesang") na napanalunan niya sa SBS Drama Awards para sa Koreanovelang Painter of the Wind (2008).[1]

KareraBaguhin

Bago siya nagsimula sa Koreanovela, lumabas si Moon sa ilang mga patalastas at nagmodelo para sa iba't ibang mga magasin. Nagsimula siyang magmodelo sa gulang na 12, at unang lumabas sa dokumentaryong drama na On the Road na dinirehe ni Choi Jae-eun.[2] Naging sikat si Moon nang lumabas siya noong 2000 bilang ang nakakabatang bersyon ng karakter ni Song Hye-kyo para sa dramang Autumn in My Heart.[3]

Mga sanggunianBaguhin

  1. Kang Myoung-seok (Abril 30, 2010). "10LINE: Actress Moon Geun-young". 10Asia (sa Ingles). Hinango noong Hulyo 3, 2013.
  2. "<화제>영화 `길 위에서'주연 문근영양". Yonhap News (sa Koreano). Hunyo 9, 1999.
  3. ""가을동화 은서가 왕비 됐어요"". Hankook Ilbo (sa Koreano). Mayo 7, 2001.

Mga panlabas na mga linkBaguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.