Morpolohiya (lingguwistika)
Ang palabuuan o morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema o multuran[1] (morpheme). Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.
Kayarian ng salita
baguhinSa Tagalog, may apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:
- payak - salitang-ugatin
- maylapi - salitang-ugat at may panlapi
- inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
- tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan.
Salitang Payak
baguhinTumutukoy ang mga salitang payak sa mga salitang hindi nagtataglay ng panlapi (kung mayroon man, mga panlaping patay o kakambal na ibang salita; alalaong baga’y, nagsasarili lamang ang salita. Ilang halimbawa nito ay ganda, samyo, higanti atpb. Sa katiwalasan, hindi lahat ng itinuturing na salitang-ugat ay mga panlapi. Bagkus, kung nagtataglay ng sariling diwa o tungkulin sa pangunugsap ang buong salitang-ugat, tulad ng kaluluwa, kapuwa, katawan, ay itinuturing silang salitang-ugat, kahi’t nagtataglay ng mga panlapi ang mga salitang nabanggit.[2][3]
May-lapi
baguhinTumutukoy sa mga salitang kinakabitan ng panlapi.
Inuulit
baguhinMga salita, kung saan inuulit ang isang bahagi o buo ng payak nitong anyo. Halimbawa, araw-araw, aawit, giginhawa
Tambalan
baguhinTumutukoy sila sa dalawang salitang pinagsama upang makabuo ng isa pang salita.
Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito
baguhin- Taingang-kawali- taong nagbibingi-bingihan
- Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang tao o organisasyon
- Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
- Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
- Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
- Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
- Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
- Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos
- Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
- Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensiyon, takaw-pansin, agaw-eksena
- Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
- Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
- Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
- Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
- Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
- Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
- Balat-sibuyas - maramdamin, madaling masaktan
- Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
- Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan
- Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na bahagi ng tubig
- Hanap-buhay - trabahong kailangan ng mga tao.
Sanggunian
baguhin- ↑ "multuran": Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.). Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham. p. {{{pahina}}}.
- ↑ Santos, Lope K. (2019). Balarilà ng Wikang Pambansá. Komisyon sa Wikang Filipino.
- ↑ Santiago, Alfonso O.; Tiangco, Norma G. (2003). Makabagong Balarilang Filipino. Rex Book Store.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.