Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Mindanao"

Reverted 1 edit by Kylefrancheska (talk). (TW)
m (Pinapalitan ang pahina ng 'Mindanao')
(Reverted 1 edit by Kylefrancheska (talk). (TW))
<div style="width:300px; float:right; clear:both; margin:0em 0em 1em 1em;">[[Talaksan:Ph luzviminda.png]]<br /><small>Mapa ng [[Pilipinas]] na nagpapakita sa mga grupo ng islang [[Luzon]], [[Visayas]], at Mindanao.</small></div>
Mindanao
 
Ang '''Mindanao''' ay ang ikalawang pinakamalaking [[pulo]] sa [[Pilipinas]] at isa sa tatlong grupo ng mga isla sa bansa, kasama ang [[Luzon]] at [[Visayas]]. Ito ay tirahan para sa karamihan ng mga [[Moro]] o [[Muslim]] sa bansa, kinabibilangan ng maraming grupong etniko tulad ng mga [[Maranao]] at [[Tausug]]. Isang mapait na pakikibaka para sa kalayaan ang pinag daranasan ng limang siglo ng ilang mga paksyong muslim laban sa mga nagpasa-pasang mananakop. Ang mga Kastila, Amerikano, Hapones at pati ang mga pwersa ng pamahalaang Pilipino ay hindi nagtagumpay sa pagsugpo sa kagustuhan nilang humiwalay sa nangingibabaw na Kristyanong bansa. Ang mayoriya ng populasyon ng Mindanao ngayon ay [[Kristyanismo|Kristyano]] sanhi na rin ng ilang dekada ng pagaagaw-lupa at malawakang pagpasok ng mga migrante sa rehiyon. Ito ang kinagagalit ng mga mahihirap at nawalang-tahanang mga Muslim Mindanaon at dinadahilang isyu ng mga kilusang separatista na ilang daang taon nang nakikipagdigmaan.
 
Sa mga nakalipas na taon, ang seguridad sa rehiyon ay lalong pinaigting dulot ng paglaganap ng mga teroristang organisasyong may kaugnayan sa gulong nangyayari sa Gitnang Silangan. Sinasabing ang Mindanao ay may mga kampong pinagsasanayan ng mga grupong terorista tulad ng [[Abu Sayyaf]] at [[Jemaah Islamiyah]] na humahamon at nag-uudyok sa [[Moro Islamic Liberation Front]] (MILF) na isang mas moderate at nasyonalistang grupo.
 
Bilang isang [[pulo]] sa timogang bahagi ng bansa, ang Mindanao ang ikalawang pinakamalak sa sukat na 94,630 kilometro kwadrado, mas maliit sa [[Luzon]] ng mga 10,000&nbsp;km² lamang. Ang isla ay mabundok, at dito matatagpuan ang [[Bundok Apo]], ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang [[Dagat Sulu]] ay nasa kanluran ng isla ng Mindanao, sa silangan ay ang [[Dagat ng Pilipinas]], at sa timog naman ay ang [[Dagat Celebes]].
 
Ang grupo ng isla ng Mindanao ay binubuo ng mismong isla ng Mindanao, kasama ang [[Kapuluang Sulu]] sa timog-kanluran. Ang grupong ito ay nahahati sa anim na [[Mga Rehiyon ng Pilipinas|rehiyon]], na nahahati naman sa 25 mga [[Mga Lalawigan ng Pilipinas|probinsya]].
 
==Isla ng Mindanao==
''Silipin din [[Heograpiya ng Pilipinas]].''
 
==Grupo ng Isla ng Mindanao==
Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong lupon ng mga pulo sa timogang bahagi ng Pilipinas na kinabibilangan ng anim na [[Mga Rehiyon ng Pilipinas|rehiyong administratibo]]. Ang mga rehiyong ito ay nahahati sa 25 mga [[Mga Lalawigan ng Pilipinas|lalawigan]], kung saan apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng Mindanao. Kasama sa grupo ang [[Kapuluang Sulu]] sa timog-kanluran, kinabibilangan ng mga pangunahing isla ng [[Basilan]], [[Isla ng Jolo|Jolo]], at [[Tawi-Tawi]], pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit nito tulad ng [[Camiguin]], [[Isla ng Dagat|Dinagat]], [[Isla ng Siargao|Siargao]], [[Island Garden City ng Samal|Samal]], at [[Mga Isla ng Sarangani]].
 
Ang anim na rehiyon ay ang mga sumusunod:
 
* [[Peninsula ng Zamboanga]] (Rehiyon IX)
* [[Hilagang Mindanao]] (Rehiyon X)
* [[Davao]] (Rehiyon XI)
* [[SOCCSKSARGEN]] (Rehiyon XII)
* [[Caraga]] (Rehiyon XIII)
* [[Autonomous Region in Muslim Mindanao]] (ARMM)
 
'''[[Peninsula ng Zamboanga]] (Rehiyon IX)''', dating ''Kanlurang Mindanao'', ay matatagpuan sa tangway ng mismong pangalan. Ito ay binubuo ng mga probinsya ng [[Zamboanga del Norte]], [[Zamboanga del Sur]], [[Zamboanga Sibugay]], at ng dalawang lungsod&mdash;[[Syudad ng Zamboanga]] at [[Syudad ng Isabela]]&mdash;na hindi sakop ng alinmang lalawigan. Ang Syudad Isabela ang tanging teritoryong wala sa mismong isla ng Mindanao, ito ay nasa [[Basilan]]. Ang administratibong kabisera ng rehiyon ay ang Syudad Zamboanga. Ang buong rehiyon ay iisang probinsya dati na tinawag na [[Zamboanga]].
 
'''[[Hilagang Mindanao]] (Rehiyon X)''' ay binubuo ng mga probinsya ng [[Bukidnon]], [[Camiguin]], [[Lanao del Norte]], [[Misamis Occidental]], at [[Misamis Oriental]]. Ang lalawigan ng Camiguin ay isa ring pulo sa may hilagang baybayin. Ang sentrong administratibo ng rehiyon ay [[Cagayan de Oro]].
 
'''[[Davao]] (Rehiyon XI)''', dating ''Timog Mindanao'', ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Mindanao. Ang rehiyon ay nahahati sa mga lalawigan ng [[Davao Oriental]], [[Lalawigan ng Davao|Davao]], [[Davao del Sur]], at [[Lambak Compostela]]; kasama pati ang [[Lungsod ng Davao]]. Ang [[Golpo ng Davao]] ay nasa timog at ang isla ng [[Island Garden City ng Samal|Samal]] sa golpo ay kabilang din sa rehiyon, pati ang [[Mga Isla ng Sarangani]]. Ang Lungsod ng Davao ang sentrong administratibo.
 
'''[[SOCCSKSARGEN]] (Rehiyon XII)''', dating ''Gitnang Mindanao'', ay matatagpuan sa timog-gitnang bahagi ng isla. Binubuo ito ng mga probinsya ng [[Lalawigan ng Cotabato|Cotabato]], [[Sarangani]], [[Timog Cotabato]], at [[Sultan Kudarat]], kasama ang [[Lungsod ng Cotabato]]. Ang pangalan ng rehiyon ay isang acronym ng mga pangalan ng mga probinsya nito kasama ang [[Lungsod General Santos]]. Ang Lungsod ng Cotabato, na matatagpuan sa loob ng lalawigan ng [[Maguindanao]] ngunit hindi kabilang sa nasabing probinsya, ay ang sentro administratibo ng rehiyon.
 
'''[[Caraga]] (Rehiyon XII)''' ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang parte ng Mindanao. Ang kanyang mga probinsya ay [[Agusan del Norte]], [[Agusan del Sur]], [[Surigao del Norte]], at [[Surigao del Sur]]. Ang sentro administratibo ay ang [[Lungsod ng Butuan]] sa Agusan del Norte. Kabilang sa rehiyong ito ang mga nakaratag na isla ng Surigao del Norte tulad ng [[Isla ng Dinagat]], [[Isla ng Siargao]], at [[Bucas Grande]].
 
Ang '''[[Autonomous Region in Muslim Mindanao]] (ARMM)''' ay isang espesyal na rehiyon na kinabibilangan ng mga teritoryo kung saan ang mayoriya ng populasyon ay [[moro]]. Kasama dito ang halos buong [[Kapuluang Sulu]] (ang [[Syudad ng Isabela]] ng [[Basilan]] ay bahagi ng rehiyong Peninsula ng Zamboanga) at dalawang probinsya sa isla ng Mindanao. Ang mga lalawigang bumubuo sa Kapuluang Sulu ay [[Basilan]], [[Sulu]], at [[Tawi-Tawi]]. Ang Basilan at Tawi-Tawi ang mga pangunahing isla ng kanilang mga lalawigan, [[Isla ng Jolo]] naman ang sa [[Sulu]]. Ang mga probinsya sa mismong isla ng Mindanao ay ang [[Lanao del Sur]] at [[Maguindanao]]. Ang sentro administratibo ng rehiyon ay ang [[Lungsod ng Cotabato]], na hindi parte ng ARMM.
 
''Silipin din [[Mga Rehiyon ng Pilipinas]], [[Mga Lalawigan ng Pilipinas]], [[Luzon]], at [[Visayas]].''
 
 
[[Kaurian:Heograpiya ng Pilipinas]]
{{Link FA|ceb}}
 
[[af:Mindanao]]
[[ar:مندناو]]
[[bcl:Mindanao]]
[[be-x-old:Мінданао (востраў)]]
[[bg:Минданао]]
[[bs:Mindanao]]
[[ca:Mindanao]]
[[cbk-zam:Mindanao]]
[[ceb:Mindanao]]
[[cs:Mindanao]]
[[cv:Минданао (утрав)]]
[[cy:Mindanao]]
[[da:Mindanao]]
[[de:Mindanao]]
[[el:Μιντανάο]]
[[en:Mindanao]]
[[eo:Mindanao]]
[[es:Mindanao]]
[[et:Mindanao]]
[[eu:Mindanao]]
[[fa:میندانائو]]
[[fi:Mindanao]]
[[fr:Mindanao]]
[[gl:Mindanao]]
[[he:מינדנאו]]
[[hr:Mindanao]]
[[id:Mindanao]]
[[ilo:Mindanao]]
[[is:Mindanao]]
[[it:Mindanao]]
[[ja:ミンダナオ島]]
[[ka:მინდანაო]]
[[kk:Минданао]]
[[ko:민다나오 섬]]
[[la:Mindanao]]
[[lt:Mindanao]]
[[mk:Минданао]]
[[ms:Mindanao]]
[[nl:Mindanao]]
[[nn:Mindanao]]
[[no:Mindanao]]
[[pam:Mindanao]]
[[pl:Mindanao]]
[[pt:Mindanau]]
[[ro:Mindanao]]
[[ru:Минданао (остров)]]
[[simple:Mindanao]]
[[sr:Минданао]]
[[sv:Mindanao]]
[[th:มินดาเนา]]
[[tr:Mindanao]]
[[uk:Мінданао (острів)]]
[[vi:Mindanao]]
[[war:Mindanao]]
[[zh:棉兰老岛]]
[[zh-min-nan:Mindanao]]
135

edit