Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Bahay ng prostitusyon"

dagdag
m (AnakngAraw moved page Brothel to Bahay ng prostitusyon: salin)
(dagdag)
Ang '''bahay ng prostitusyon''', '''bahay-talikan''', '''bahay-putahan''', o '''bahay-kantutan''' (Ingles: ''brothel'', ''bordello'', ''cathouse'', ''knocking shop'', ''whorehouse'', ''strumpet house'', ''sporting house'', ''house of ill repute'', ''house of prostitution'', ''bawdy house'', atbp) ay isang gusaling pangnegosyo kung saan ang mga [[parukyano]] ay maaaring makilahok o gumawa ng mga [[gawaing seksuwal]] sa pamamagitan ng mga [[patutot]].<ref>[http://www.google.co.in/search?hl=en&defl=en&q=define:brothel&sa=X&ei=Oxh1TM2iO5CavAPntbWuBg&ved=0CBUQkAE Mga kahulugan ng ''brothel'' sa Web]</ref> Sa mga lugar na ang [[prostitusyon]] o ang pagpapatakbo o operasyon ng mga bahay ng prostitusyon ay ilegal, ang mga establisamyentong katulad ng [[parlor ng masahe]], [[bar (establisamyento)|bar]], o mga [[bahay-hubaran]], ay maaari ring mag-alok ng mga serbisyong seksuwal sa mga parukyano. Sari-sari at iba-iba ang sukat at estilo ng mga bahay ng prostitusyon, pati na ang nasasaklawan ng mga paglilingkod na pangseks na matatanggap.
 
Ang mga batas na tumataban sa mga bahay ng prostitusyon ay iba't iba sa pagitan ng mga bansa pati na sa loob ng mga bansa, at nagpapabagu-bago sa loob ng mga kapanahunan. Sa ilang mga [[hurisdiksiyon]], ang mga bahay ng prostitusyon ay legal at pinangangasiwaan, habang sa iba ang mga ito ay ilegal. Subalit, kahit na sa mga hurisdiksiyon na namamahala ng mga bahay ng prostitusyon, mayroong mga bahay ng prostitusyon na umaandar sa labas ng opisyal na sistemang pinapayagan.
166,389

edits