Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Aklat ng Pahayag"

==Mga iba't ibang interpretasyon==
{{main|Bilang ng Halimaw}}
[[File:P. Oxy. LXVI 4499.jpg|thumb|right|FragmentPragmento fromng [[Papyrus 115|Papyrus 115 (P115)]] na pinakalumang manuskrito ng Aklat ng Pahayag. Ito ay naglalaman ng '''orihinal''' na [[bilang ng Halimaw]] na '''616''' o '''XIC''' sa Griyego.]]
*[[Preterismo]]: Ang paniniwalang ang mga pangyayari sa Aklat ng Pahayag ay tumutukoy sa mga pangyayaring naganap noong unang siglo CE at naglalaman ng mga pahayag laban sa [[Imperyo Romano]] na binigyan ng sikretong pangalan na [[Patutot ng Babilonia]](Whore of Babylon) sa Pahayag 17-20 at mga [[emperador]] nito dahil sa pag-uusig sa mga [[Kristiyano]] sa panahong ito. Ayon sa mga skolar ng [[Bibliya]], ito ay isinulat upang hikayatin ang mga [[Kristiyano]] na magtiis sa pag-uusig ng [[Imperyo Romano]] sa mga Kristiyano noong ika-1 siglo CE. Sa paggamit ng mga simbolismo at [[gematria]](pagsusuma ng pangalan) ng may akda nito, ang [[Bilang ng Halimaw|Halimaw]] sa Pahayag 13 ay mauunawaan ng mga Kristiyano noong ika-1 siglo CE na tumutukoy kay [[emperador]] [[Nero]] ng [[Imperyo Romano]] na ang pangalan ay may suma total na 666 sa Griyego o 616 ayon sa Latin. Ayon sa mga skolar ng Bibliya, ang 616 ang orihinal na [[bilang ng Halimaw]] dahil ito ang nakasulat sa pinakalumang manuskrito ng Aklat ng Pahayag. Ang pananaw na ito ang tinatanggap ng halos lahat ng mga skolar at eksperto ng [[Bibliya]].
*[[Historisismo]]; Ang paniniwalang ang ilan sa mga pangyayari sa Aklat ng Pahayag ay naganap at ang ilan ay nagaganap sa kasalukuyang panahon. Ayon sa paniniwalang ito, ang halimaw sa Pahayag 13 ang [[papa]] ng [[Romano Katoliko]]. Kanila ding ginagamit ang titulong [[Vicarius Filii Dei]] upang patunayang ang papa ang 666. Ayon din sa paniniwalang ito, ang Dakilang Babilonia sa Pahayag 17 ay tumutukoy sa [[Romano Katolisisimo]]. Ang mga sektang Kristiyanong may ganitong paniniwala ay kinabibilangan ng mga [[adventista]] at mga sektang nagmula dito.
11,766

edits