Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Aklat ng Pahayag"

==Mga iba't ibang interpretasyon==
{{main|Bilang ng Halimaw}}
[[File:P. Oxy. LXVI 4499.jpg|thumb|right|Pragmento ng [[Papyrus 115|Papyrus 115 (P115)]] na pinakalumang manuskrito ng Aklat ng Pahayag. Ito ay naglalaman ng '''orihinal''' na [[bilang ng Halimaw]] na '''616''' o '''XIC'''(chi, saiota, Griyegostigma).]]
*[[Preterismo]]: Ang paniniwalang ang mga pangyayari sa Aklat ng Pahayag ay tumutukoy sa mga pangyayaring naganap noong unang siglo CE at naglalaman ng mga pahayag laban sa [[Imperyo Romano]] na binigyan ng sikretong pangalan na [[Patutot ng Babilonia]](Whore of Babylon) sa Pahayag 17-20 at mga [[emperador]] nito dahil sa pag-uusig sa mga [[Kristiyano]] sa panahong ito. Ayon sa Pahayag 17:10, sa mga pitong sungay ng [[bilang ng Halimaw|halimaw]], ''bumagsak na ang lima sa kanila, '''naghahari pa ang isa''', at ang huli ay hindi pa dumarating'' na nagpapahiwatig na ang isa sa mga sungay ng halimaw ay umiiral noong panahong isinulat ang aklat na ito noong ika-1 siglo CE. Ayon sa mga skolar ng [[Bibliya]], ito ay isinulat upang hikayatin ang mga [[Kristiyano]] na magtiis sa pag-uusig ng [[Imperyo Romano]] sa mga Kristiyano noong ika-1 siglo CE. Sa paggamit ng mga simbolismo at [[gematria]](pagsusuma ng pangalan) ng may akda nito, ang [[Bilang ng Halimaw|Halimaw]] sa Pahayag 13 ay mauunawaan ng mga Kristiyano noong ika-1 siglo CE na tumutukoy kay [[emperador]] [[Nero]] ng [[Imperyo Romano]] na ang pangalan ay may suma total na 666 sa GriyegoGriyegong baybay na isinalin sa Hebreong נרונ קסר o 616 ayon sa Latin na baybay na isinalin sa Hebreong נרו קסר. Ayon sa mga skolar ng Bibliya, ang 616 ang orihinal na [[bilang ng Halimaw]] dahil ito ang nakasulat sa pinakalumang manuskrito ng Aklat ng Pahayag. Ang pananaw na ito ang tinatanggap ng halos lahat ng mga skolar at eksperto ng [[Bibliya]].
*[[Historisismo]]; Ang paniniwalang ang ilan sa mga pangyayari sa Aklat ng Pahayag ay naganap at ang ilan ay nagaganap sa kasalukuyang panahon. Ayon sa paniniwalang ito, ang halimaw sa Pahayag 13 ang [[papa]] ng [[Romano Katoliko]]. Kanila ding ginagamit ang titulong [[Vicarius Filii Dei]] upang patunayang ang papa ang 666. Ayon din sa paniniwalang ito, ang Dakilang Babilonia sa Pahayag 17 ay tumutukoy sa [[Romano Katolisisimo]]. Ang mga sektang Kristiyanong may ganitong paniniwala ay kinabibilangan ng mga [[adventista]] at mga sektang nagmula dito.
*[[Futurismo]]: Ang paniniwalang ang mga pangyayari sa Aklat ng Pahayag ay mangyayari sa hinaharap. Ayon sa paniniwalang ito, ang anti-kristo ay lilitaw pagkatapos itayo ang [[Ikatlong Templo]] sa Jerusalem at makikipagkasundo sa bansang Israel sa 7 taon ngunit kanyang lalabagin ang kasunduan sa loob ng 3 1/2 taon at papasok sa itinayong templo sa Jerusalem at idedeklara ang kanyang sarili na diyos. Ang mga sektang naniniwala di
11,766

edits