Imperyong Kastila: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m r2.7.1) (robot dinagdag: io:Hispaniana Imperio
Xqbot (usapan | ambag)
m r2.7.3) (robot binago: io:Hispaniana imperio; Kosmetiko pagbabago
Linya 6:
 
 
== Imperyong Kastila ==
 
Ang imperyong Espanyol ay isa sa pinakamalawak na imperyo sa kasaysayan at isa sa mga unang imperyong pandaidigan. Noong siglo 15 at 16, ang Espanya ang taga-pagtaguyod ng pagdaigdigan ekplorasyon at pananakop ng Europa. Binuksan ng Espanya ang kalakalan sa mga karagatan - sa Dagat Atlantico sa pagitan ng Espanya at Amerika, at sa Dagat Pacifico sa pagitan ng Asya-Pacifico at Mexico sa pamamagitan ng Filipinas. Ibinagsak ng mga conquistador ang sibilisasyong Azteca, Inca at Maya at malaya nitong inangkin ang malawak na lupalop ng Timog at Hilagang Amerika. May isang panahong nasa tugatog ito sa pangingibabaw ng lakas nito sa mga karagatan dahil sa kanyang hukbong pandagat at pangingibabaw ng hukbong sandatahang tercios nito sa larangan ng mga sagupaan sa Europa. Nagtamasa ng ginintuang edad sa kultura ang Espanya noong siglo 16 at 17.
Linya 18:
Gayunpaman, napanatili at napalawak nito ang kanyang imperyo sa labas ng Europa hanggang siglo 19 nang magulantang ito sa Digmaang Peninsular na nagbunsod sa deklarasyon ng kalayaan sa Quito (1809), Colombia (1810), Venezuela at Paraguay (1811) at sunod-sunod na rebolusyon na naghiwalay sa mga teritoryo nito sa Amerika. Napanatili nito ang ilang mahahalagang bahagi ng imperyo sa Caribe (Cuba at Puerto Rico); Asya (Filipinas), at Oceania (Guam, Micronesia, Palau, at Hilagang Marianas) hanggang sa pagdating ng Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898. Ang pagsali ng Espanya sa Agawan sa Africa ay maliit lamang: hawak na nito ang Hispanong Morocco hanggang 1956 at ang Hispanong Guinea at Hispanong Sahara ay hawak hanggang 1968 at 1975 sa magkasunod na nabanggit. Ang Isla Canaria, Ceuta, Melilla ay mga dibisyong administratibo na magpahanggang ngayon ay bahagi ng Espanya, at ang Isla de Alborán, Isla Perejil, Islas Chafarinas, Peñón de Alhucemas, at Peñón de Vélez de la Gomera ay mga teritoryong bahagi pa rin ng Espanya. Gayundin, ayon sa UN, ang “Hispanong Sahara/Kanlurang Sahara” na inangkin ng Morocco noong 1976 ay teknikong nasa ilalim ng Administrasyong Espanyol hanggan ngayon.
 
== Ang Ugat ng Imperyo (1402–1521) ==
[[Talaksan:Aragonese Empire.PNG|thumb|250px|Walang panahong saklaw ng Korona ng Aragon.]]
Linya 51:
 
== Ginintuang Panahon ng Espanya (1521–1643) ==
 
{{merge|Ginintuang Panahon ng mga Kastila}}
Linya 64:
Nilustay ng angkang Habsburgo ang mga yaman mula Amerika at Kastila sa pakikidigma nito sa Europa para sa kapakanan ng angkang Habsburgo. Pumalya ng maraming beses ito sa pagbabayad ng utang-bayan, at binayaang mabangkarota ang Espanya kung saan sumambulat ang hidwaan sa pagitan ng Imperyo at pamayanang Kastila sa isang rebelyong popular ng Digmaan ng mga Bayan ng Kastila (1520-22). Maraming mithiing politikal ang angkang Habsburgo:
 
• Bigyan daan sa mga produktong Amerikano (ginto, pilak, asukal) at Asyano (porselana, pampalasa, seda) <br />
• Sirain ang lakas ng [[Pransya]] at siilin ang hangganan nito sa silangan.<br />
• Panatiliin ang katolikong pananakop nito sa [[Alemanya]], ipagtanggol ang katolisismo laban sa [[Repormasyon]]. Sinubukang pigilin ni Carlos ("Charles V") ang Repormasyong Protestante sa Diet of Worms. Hindi siya nagtagumpay na baliktarin ang paninindigan ni Luther. Ang pananalig ni Carlos ay hindi nakapigil sa mga tropang nagrebelyon na looban ang Santa Sede ("Holy See) sa [[Estado Pontipikal|Sacco di Roma]] (Panloloob ng Roma). <br />
• Ipagtanggol ang Europa laban sa Islam lalo na sa [[Imperyong Ottoman]].
 
== Mga Bagong Batas hanggang sa Kapayapaan sa Augsburgo (1542–1555) ==
 
Nagpatupad ang Espanya ng ilang batas upang protektahan ang mga katutubong tao sa mga nasasakupan nito sa Amerika. Una rito ay noong 1542. Ang kaisipang batas na ito ang naging saligan ng makabagong batas pandaigdig. Dahil sa kalayuan nito, nag-aklas ang mga mananakop Europeo nang makitang nagbabawas ito sa kanilang kapangyarihan. Nagdulot ito ang parsyal na pagbawi ng Bagong Batas. Nang lumaon, mahihinang batas ang ipinalabas upang protektahan ang mga katutubo ngunit walang talâ na naging mabisa ito. Pinagsamantalahan ng mga natirang encomenderos ang mga Indios sa halip na alagaan sila.
Linya 84:
 
== Mula San Quentin Hanggang sa Lepanto (1556–1571) ==
 
Hinatian ni Felipe II ng Espanya, kaisa-isang anak ni Carlos V, ang kanyang amaing si Fernando sa mga nasasakupan nito sa Austria. Inangkin ni Felipe ang Kastila bilang haligi ng kanyang imperyo subalit hindi lubag ang loob ng pamayanan nito upang bigyan ng kinakailangang sandatahang lakas ang imperyo. Naging kakampi ng Espanya ang Inglaterra nang siya ay makasal kay Mary Tudor.
Linya 100:
Tumayog ang pangarap ni Felipe II matapos magtagumpay ang Espanya laban sa Francia at sa pagsisimula ng mga giyerang pangrelihiyon sa Francia. Noong 1565, nilupig ng mga Espanyol ang mga umahong Otomano sa Malta, isang mahalagang pulo nito, na ipinagtatanggol ng mga Kabalyero ni San Juan. Lalong tumapang din si Felipe nang mamatay si Suleiman ang Magnipiko, nang sumunod na taon at sa pag-akyat sa trono ng kanyang anak na si Selim ang Sot at nagpatibay sa kanyang desisyong digmain ang sultan. Noong 1571, kasama ang mga boluntaryo sa buong Europa, nilusob ng mga boke de giyera ng Espanya at Venezia, na pinamumunuan ng anak sa labas ni Carlos na si Don Juan ng Austria, ang mga bokeng [[Imperyog Ottoman|Otomano]] sa Labanan sa Lepanto na isang pinamaliwanag ng labanan sa kasaysayang nabal. Sa labanang ito natapos ang pananaklaw ng hukbong pandagat ng imperyong Otomano sa buong Medetereneo. Ang misyong ito nagluklok ng dangal sa Espanya at sa nasasakupan nito sa ibang lupain habang nasa balikat naman ni Felipe ang pamumuno upang lupigin ang Repormasyon.
 
== Mga Sigalot sa Europa (1571–1598) ==
 
Naging maikli ang pagsasaya sa Madrid. Noong 1566, sumiklab ang kaguluhang pinamumunuan ng mga Calvinista na nagpapunta sa Duke ng Alva upang ibalik ang katahimikan sa bansa. Noong 1568, nabigong patalsikin ni Guillermo, ang Tahimik, si Alva sa Nederlands. Ang mga labanang ito ang sinasabing mitsa sa simula ng Walumpung Taong Digmaan na nagbunga sa kalayaan ng mga Nagkakaisang Lalawigan. Sa dahilang nagtatamasa ang mga Espanyol sa kayamanan mula sa Nederlands at lalo na sa mahalaga nitong daungan ng Antwerp. Desidido silang ibalik ang katahimikan at hawakan ang mga probinsya doon. Noong 1572, isang kulupon ng mga rebeldeng Holandes na tinatawag na watergeuzen ("Pulubing Dagat") ang sumalakay sa mga pasiging bayan ng Holandya at nagproklamang sumusuporta kay Guillermo at nagtatuwa sa lideratong Espanyol.
Linya 120:
Gumugol ang Espanya sa digmaang pangrelihiyon sa Francia matapos mamatay si Enrique II. Noong 1589, si Enrique III, ang huli sa liping Valois, ay namatay sa loob ng kuta ng Paris. Ang tagapagmana ng trono, si Enrique IV ng Navarra, ang unang haring de Borbon ng Francia, ay itinanghal na dakila sa pagwawagi nito laban sa Liga Katolika sa Arques (1589) at Ivry (1590). Sa pangakong pipigilin si Enrique ng Navarra na maging hari ng Francia, hinati ng Espanya ang sandatahang lakas nito sa Nederlands at nilusob ang Francia noong 1590.
 
== “Kastila raw ang Diyos" (1596–1626) ==
Linya 143:
{{Commonscat|Spanish Empire|Imperyong Kastila}}
 
[[KaurianKategorya:Kasaysayan ng Espanya]]
 
{{Link FA|es}}
Linya 176:
[[ia:Imperio Hispanic]]
[[id:Imperium Spanyol]]
[[io:Hispaniana Imperioimperio]]
[[is:Spænska heimsveldið]]
[[it:Impero spagnolo]]