Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Simbahang Ortodokso ng Silangan"

(Bagong pahina: Ang '''Simbahang Silangang Ortodokso''' o '''Eastern Orthodox Church''' na opisyal na tinatawag na '''Orthodox Catholic Church'''{{#tag:ref|The Orthodox Church considers itself to...)
 
Ang mga konsehong ecumenical sumunod sa isang anyong demokratiko na ang bawat obispo ay may isang boto. Bagaman presente at pinayagan na magsalita sa harapan ng konseho, ang mga kasapi ng korte ng Imperyo Romano/Byzanting, mga abbot, mga pari, mga monghe at mga laymen ay hindi pinayagang bumoto. Ang pangunahing layunin ng mga Dakilang Synod na ito ay patunayan at pagtibayin ang mga pundamental na paniniwala ng Simbahang Ortodokso bilang katotohanan at alisin bilang heresiya ang anumang maling mga katuruan na nagbabanta sa Simbahang Ortodokso. Ang papa ng Roma sa panahong ito ay humawak ng posisyong [[Primus inter pares|“una sa mga katumbas"”]]. At bagaman ito ay hindi presente sa anumang konseho, patuloy nitong hinawakan ang pamagat na ito hanggang sa [[Schism ng Silangan-Kanluran]] noong 1054 CE.
[[File:Enthronement ceremony for Patriarch Kirill.jpg|thumb|Pagtotrono sa [[Patriarka ng MoscoMoscow]] at ng Lahat ng Russia]]
 
Ayon sa katuruang Ortodokso, ang posisyong "Una sa mga Katumbas" ay hindi nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan o autoridad sa obispo na humahawak nito kundi bagkus ang taong ito ay umuupo bilang organisasyonal na ulo ng konseho ng mga katumbas(tulad ng isang pangulo). Ang mga salita at opinyon nito ay hindi nagdadala ng higit na kabatiran o karunungan kesa sa anumang obispo. Pinaniniwalaan ng Ortodokso na ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa Simbahang Ortodokso sa pamamagitan ng mga desisyon ng buong konseho at hindi ng isang indibidwal. Sa karagdagan, nauunawaang kahit ang ang mga desisyon ng konseho ay dapat tinatatanggap ng buong simbahang Ortodokso upang maging balido.
11,766

edits