Bahagi ng pananalita: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Kampfgruppe (usapan | ambag)
nagdagdag ng impormasyon
Kampfgruppe (usapan | ambag)
maliit na pagbabago
Linya 1:
Sa [[balarila]], ang '''bahagi ng pananalita'''/'''panalita''' ([[Wikang Ingles|Ingles]]: ''Part of speech''), o '''kauriang panleksiko''', ay isang lingguwistikong kaurian ng mga [[salita]] (o mas tumpak sabihing ''bahaging panleksiko'') na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
 
Sa aklat na '''''[[Balarila ng Wikang Pambansa]]''''' (1939;1944) ni [[Lope K. Santos]] (kilala rin sa tawag na '''Balarilang Tagalog''' at '''Matandang Balarila''') ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay ''pangngalan'', ''panghalip'', ''pandiwa'', ''pang-uri'', ''pang-abay'', ''pantukoy'', ''pangatnig'', ''pang-ukol'', ''pang-angkop'' at ''pandamdam''. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa [[Pilipinas]] noong 1940 matapos maipahayag ng dating [[Manuel L. Quezon|Pang. Manuel Quezon]] ang [[Wikang Tagalog|Tagalog]] bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
 
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon bilang [[Wikang Filipino|Filipino]]) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito ang '''''Makabagong Balarilang Filipino''''' (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan: