Pilipinas: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Frigotoni (usapan | ambag)
m Inalis ang binago ni 122.2.65.149, ibinalik sa huling bersyon ni Frigotoni
Linya 85:
 
Katiwalian sa pamahalaan, polusyon, basura, kawalan ng trabaho, sobrang populasyon at ''extra-judicial killings'' o pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing problema ng Pilipinas. Nagdudulot din ng problema sa bansa ang mga pangkat na [[Moro Islamic Liberation Front]] (MILF) sa katimugang [[Mindanao]] at [[Bagong Hukbong Bayan]].
== IyutanKasaysayan ==
{{main|Kasaysayan ng Pilipinas}}
Ayon sa mga naitalang fossils ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas, ilang libong taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga [[Negrito]] o Ita, ang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga isla. Sa kasalukuyan nang sumapit ang ikalawang milenyo, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga migrante mula sa [[Peninsula ng Malay]], kapuluan ng [[Indonesia]], mga taga [[Indotsina]] at [[Taiwan]].
 
Nanirahan sa bansa noong ika-walong siglo ang mga mangangalakal na [[Intsik|Tsino]]. Ang paglaganap ng mga bansang(kaharian) Budismo sa rehiyon ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na kompetisyon at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng [[Islam]] sa pamamaraan ng komersyo at proselitismo, tulad ng [[Kristiyanismo]], ang nagdala sa mga mangangalakal at misyonero sa rehiyon; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na siglo. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni [[Fernando Magallanes]] (Ferdinand Magellan) noong [[1521]], mayroon nang mga [[rajah]] hanggang sa hilaga ng [[Maynila]], na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga isla ng Pilipinas noon.
 
Sinakop at inangkin ng mga Kastila ang mga pulo noong ika-16 na siglo at pinangalanan itong "Islas Filipinas" na isinunod kay Haring [[Felipe II ng Espanya|Felipe II]]. Kaagad na ipinakilala at pinalaganap ang [[Simbahang Katoliko|Katolisismo]] sa pamamagitan ng mga misyonero, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (''Laws of the Indies'') at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga grupong katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Moro na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong siglong pananakop, bunga na rin ng pag-aabuso at kakulangan ng reporma. Pinamahalaan mula sa [[Nueva España]] (Bagong Espanya sa ngayon ay [[Mehiko]]) ang bagong teritoryo at nagsimula ang kalakalan sa [[Galeon ng Maynila]] sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 siglo o dantaon.
 
Itinatag ni Gobernador [[José Basco y Vargas]] noong [[1781]] ang Sociedad Económica de los Amigos del País (''Economic Society of Friends of the Country'', "Samahang Pang-ekonomiya ng mga Kaibigan ng Bayan") at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Nueva España.
 
Nagbukas ang ekonomiya ng bansa sa mundo noong [[ika-19 siglo]]. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burgis, binubuo ng mga edukadong katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng kolonyalismong Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa [[José Rizal#Impact|Kilusang Propaganda]] na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-samang sila sumigaw para sa kalayaan. Inaresto, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si [[José Rizal]], ang pinakasikat na propagandista, noong [[1896]] sa Bagumbayan [na ngayo'y Luneta] dahil sa mga akto umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang [[Himagsikang Pilipino]] na pinangunahan ng [[Katipunan]], isang lihim na rebolusyonaryong lipunan na itinatag ni [[Andrés Bonifacio]] at napamunuan din ni [[Emilio Aguinaldo]]. Halos tagumpay na napatalsik ng rebolusyon ang mga Kastila noong [[1898]].
 
Noong taong ding yon, magkadawit ang Espanya at [[Estados Unidos]] sa [[Digmaang Kastila-Amerikano]]. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga kolonyang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-deklara na ng kalayaan ang Pilipinas.
 
Ang pagtanggi ng Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng Amerikano, ang nagtulak sa [[Digmaang Pilipino-Amerikano]] na natapos umano noong [[1901]] ngunit nagpatuloy hanggang [[1913]]. Sa wakas, ipinagkaloob noong [[1946]] ang kalayaan pagkatapos ng maikling pananakop ng bansang [[Hapon]] noong [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], pagkatapos ng huling pagkatalo ng bansang [[Hapon]] noong [[1945]]. Ang huling pagbabalik ng mga pwersang Pilipino at Amerikano mula sa Pagpapalaya sa Pilipinas mula Oktubre, [[1944]] hanggang Setyembre, [[1945]].
 
Taon ng pagbawi at muling pagbangon pagkatapos ng giyera ang mga sumunod na taon, ng karahasan sa sibilyan dulot ng [[diktador|diktadurang]] [[Ferdinand Marcos]] na napatalsik noong [[1986]], at ng patuloy na suliraning dulot ng komunista at separatistang Moro.
 
== Pulitika ==
<!--{{main|Pulitika ng Pilipinas}}-->{{english|Politics of the Philippines}}
 
=== IyutanPambansang Timepamahalaan ===
 
Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng [[Estados Unidos]], ay natatag bilang [[Republika|Republika ng mga Kinatawan]]. Ang kanyang [[Pangulo ng Pilipinas|Pangulo]] ay may tungkulin bilang [[pinuno ng estado]] at pati ng [[pinuno ng pamahalaan|pamahalaan]]. Siya rin ang namamahala ng [[Militar ng Pilipinas|Hukbong Sandatahan]]. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa [[Gabinete]].
 
Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga miyembro ng dalawang kamarang [[Kongreso ng Pilipinas|Kongreso]], na binubuo ng [[Senado ng Pilipinas|Senado]] at ng [[Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas|Kapulungan ng mga Kinatawan]], ay hinahalal sa botong popular.
 
Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na Senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 na taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang Senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.
 
Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababa sa 225 Kinatawan.
 
Ang sangay Panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng [[Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas|Katataastaasang Hukuman]], ang Punong Mahistrado (''chief justice'') ang lider nito at may 14 na Kasamang Mahistrado(''associate justices''), lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.
 
Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampulitika na kung tawagin ay ''[[impeachment]]''katulad ng nangyari sa Dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. nagtagumpay ang Impeachment noon sapagkat kusang umalis sa Malacanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Bise Presidente nitong si Gloria Macapagal- Arroyo.
Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng [[Estados Unidos]], ay natatag bilang [[Republika|Republika ng mga Kinatawan]]. Ang kanyang [[Pangulo ng Pilipinas|Pangulo]] ay may tungkulin bilang [[pinuno ng estado]] at pati ng [[pinuno ng pamahalaan|pamahalaan]].
 
=== Ugnayang panlabas ===