Hallyu: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
===== Hapon =====
 
Sa bansang Hapon, ang Korean Wave ay nagsimula matapos ang matagumpay na pagsasa-ere ng dramang WInter Sonata. Ang mas nakakatandang populasyon ang unang pokus ng Hallyu noong panahong iyon. Sumunod sa paglakas ng Koreanong kultura ay natuloy sa mga mang-aawit na si BoA at ang grupong TVXQ. Ang album ng TVXQ na Best Selection ay nanguna sa Oricon Chart, nakapagbenta ng humigit-kumulang 413,000 na kopya. Nakasira sila ng 15-taong talaan bilang pinakamataas na unang-linggong benta ng isang banyagang grupo na una nang nagawa ni Bon Jovi noong 1995. Ang TVXQ ang unang Koryanong grupo na nagtanghal at nakapagbenta ng 100,000 tiket sa Tokyo Dome. Sumunod dito ang JYJ isang taon ang makalipas, nakapagbenta ng 140,000 na tiket, nang magtanghal sila para sa Thanksgiving Live in Dome. Ang TVXQ ang una at nag-iisang Koreanong grupo na nakadalo sa Kōhaku Uta Gassen kung saan iniimbitahan lamang ang mga pwedeng makadating kung kaya't ang mga nakakapunta lamang dito ay ang pinakamatagumpay na [[J-pop]] at enka na mga mang-aawit. Hanggang ngayon, sinasabing ang pagtatanghal sa Kohaku ang pinakamalaking karangalan sa karera ng isang artista. Sumunod ang Big Bang sa pamamayagpag ng TVXQ sa bansa. Sila ay nahirang bilang "Korea's EXILE" ng isa sa mga diyaryong hapon. May ilang mga mamamahayag at manunulat ang kamakailan ay bumisita sa Korea at kapag natatanong tungkol Big Bang, ang kanilang sagot, "Mukhang maganda ang nagiging takbo ng kanilang promosyon sa aming bansa. Ang Big Bang ay tila isang grupo ng mga mang-aawit na may kanya-kanyang nakakaaliw na personalidad at kakaibang istilo sa musika. Mayroong malakas na pagkahilig sa kanila sa bansa.
Noong 2010, ang mga grupong Kara at Girls' Generation ay nagmarka ng pagprogreso ng ibang mga miyembro K-pop matapos magkaroon ng mataas ng ranggo sa Oricon Charts. Ang mga grupong ito na pumasok sa merkado ng Hapon ay nakapokus naman sa nakakabatang populasyon, lalo na sa mga teenedyer. Ang mga grupong ito ay sinasabing "makabago at kaakit-akit" na may pagdiin sa pagiging "marunong" kaysa sa pagiging "kyut" o "Kawaii" kung saan kilala ang mga [[J-pop]] groups. Noong 2011, ang grupong 2PM naman ang naglabas ng kanilang mga kanta na "Take-Off" at nanguna sa pre-order na talaan pati sa USEN J-POP chart at pumangatlo sa Oricon. Maraming mga grupo ang nagsisipuntahan sa bansang Hapon at sumisikat.
Ngunit ang pagpasok ng Hallyu ay nagresulta sa kontrobersiya. Ang mga konserbatibo at nasyonalistang grupo sa bansa ay nagkaroon demonstrasyong anti-hallyu. Noong Agosto 7, 2011, higit pa sa 2,000 ang nagprotesta sa harap ng punong himpilan ng Fuji TV sa Odaiba, Tokyo laban sa pagdami ng Koryanong drama na ipinapalabas dito. Hulyo ng parehong taon, ang kilalang aktor na si Sousuke Takaoka ay tinanggal sa Stardust Promotion, ang kanyang ahensiya, sa pagtu-"tweet" ng masamang mga salita ukol sa dami ng mga Koryanong drama na ipinapalabas sa lokal na mga telebisyon. Isa pang pag-aaklas ang ginawa laban sa Hallyu noong Agosto 21.