Kasaysayan ng Pilipinas: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Mananaliksik (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 65:
Kasabay nito, dumating ang mga sundalong [[German Empire|German]] at idineklarang kung hindi kukunin ng Estados Unidos ang Pilipinas bilang isang kolonya, kukunin ito ng Germany. Nakuha ng mga Amerikano ang lungsod mula sa mga Espanyol sa [[Labanan ng Maynila]]. Ang labanang ito ang nagtapos sa pakikipag-usapan ng mga Pilipino at Amerikano, dahil sa pagpigil sa mga sundalong Pilipino sa pagpasok sa lungsod ng Maynila, isang kilos na tinutulan ng mga Pilipino.<ref name="lac126">Lacsamana, ''Philippine History and Government'', p. 126</ref> Nagpadala ng mga komisyoner ang Espanya at Estados Unidos upang pag-usapan ang mga kondisyon ng [[Kasunduan sa Paris (1898)|Kasunduan sa Paris]] na nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Si [[Felipe Agoncillo]], ang representatibo ng Pilipinas ay tinanggal sa mga sesyon dahil ang pamahalaang rebolusyonaryo ay hindi kinilala ng ibang mga bansa.<ref name="lac126"/> Kahit mayroong mga pagtututol, nagdesisyon ang Estados Unidos na hindi isasauli ang Pilipinas sa Espanya, at hindi rin pumayag na kunin ng Germany ang Pilipinas. Maliban sa [[Guam]] at [[Puerto Rico]], napilitan din ang Espanya na ibigay ang Pilipinas sa Estados Unidos bilang kapalit sa [[Dolyar ng Estados Unidos|US$]] 20,000,000.00, na sinasabi ng Estados Unidos na "regalo" nila sa Espanya.<ref name="uslc-14">{{cite web|title=Philippines - The Malolos Constitution and the Treaty of Paris|url=http://countrystudies.us/philippines/14.htm|publisher=U.S. Library of Congress|accessdate=2006-08-22}}</ref> Nagrebelde ang Unang Republika ng Pilipinas laban sa okupasyon ng Estados Unidos, na nagdulot ng pagsiklab ng [[Digmaang Pilipino-Amerikano]] ([[1899]]-[[1913]]).
 
'''== Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946) ==
[[Talaksan:McKinleyPhilippinesCartoon.jpg|thumb|right|250px|Isang karikaturang pulitikal noong 1898 na ipinapakita si [[William McKinley|McKinley]], [[pangulo ng Estados Unidos]] kasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.]]
{{main|Pananakop ng Amerika sa Pilipinas}}
Linya 71:
=== Digmaang Pilipino-Amerikano ===
:''Pangunahing artikulo: [[Digmaang Pilipino-Amerikano]]''
Sumiklab ang [[Digmaang Pilipino-Amerikano]] noong [[Pebrero 4]], [[1899]], matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa [[San Juan, Kalakhang Maynila|San Juan]].<ref name="uslc-15">{{cite web|title=Philippines - War of Resistance|url=http://countrystudies.us/philippines/15.htm|publisher=U.S. Library of Congress|accessdate=2006-08-22}}</ref> Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa [[Digmaang Espanyol-AmerikanoAme'''Makapal na panitik'''rikano]].<ref name="pinas"/> Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang [[gerilya]]ng kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi.<ref name="uslc-15"/> Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.<ref name="uslc-15"/>
 
Ang kakulangan ng mga [[sandata]] ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.<ref name="uslc-15"/> Ang [[Malolos, Bulacan|Malolos]], na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong [[Marso 31]], [[1899]] ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa [[San Isidro, Nueva Ecija]]. Si [[Antonio Luna]], ang pinakamagaling na [[kumander]] ni Aguinaldo, ay pinatay noong [[Hunyo]]. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong [[Nobyembre]] 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.<ref name="uslc-15"/>
Linya 116:
[[Talaksan:Osmena03.jpg|thumb|left|100px|[[Sergio Osmena]], Pangulong ng Pilipinas mula [[1944]] hanggang [[1946]].]]
Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
'''a
 
== Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946-1972) ==