Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Mga Austronesyo"

m
walang buod ng pagbabago
m
m
Nang dumating ang 1795, nagdagdag si Blumenbach ng isa pang lahi na tinatawag na ''Malay'' na sinasabing sub-kategorya ng lahing Monggol. Kasama sa lahing Malay ang mga taong may "kulay kayumanggi na may balat na mapusyaw na katulad ng kamagong hanggang sa kulay ng madilim na ''clavo de comer'' o kulay kapeng kastanyas." Pinalawak ni Blumenbach ang katagang "Malay" kasama ang mga naninirahan sa [[mga Pulo ng Marianas|Marianas]], Pilipinas, [[Maluku]], [[Sunda]] gayundin ang mga naninirahan sa [[mga pulo ng Pasipiko]] tulad ng mga taga-[[Tahiti]]. Kanyang ipinalagay sa natanggap niyang bungo ng isang taga-Tahiti ang nawawalang karugtong na nagpapakita ng transisyon sa pagitan ng "pangunahing" lahi, ang Caucasiano, at ng "pinanggalingang" lahi, ang lahing itim.
 
Mula kay Blumenbach, maraming nagpabulang mga [[antropolohiya|antropologo]] sa hinua ng limang lahi dahil sa malaking komplikasyon sa pag-uuri ng lahi. Ang maling kaisipang ito ay mula, sa isang dako, kay H. Otley Beyer, isang antropologong Amerikano sa Pilipinas na nagmungkahi na ang mga Pilipino ay mga Malay na dumayo mula sa Malaysia at Indonesia. Ang kaisipang ito ay pinalawig ng mga Pilipinong manunulat sa kasaysayan at na kasalukuyan pa ring itinuturo sa mga paaralan sa Pilipinas at Singgapur.<ref name=aralingmalayo>[http://www.fas.nus.edu.sg/malay/about.htm Kagawaran ng Araling Malayo] ng Pambansang Pamantasan ng Singgapur</ref> Alalaumbaga, ang kasalukuyang pabago-bagong konsensus ng mga kontemporaneong antropologo, arkeologo, at [[linggwistika|lingguwista]] ay nagmumungkahi ng kabaliktaran nito; kasama rito ay mga iskolar sa larangan ng pag-aaral ng Austrones tulad nina Peter Bellwood, Robert Blust, Malcolm Ross, Andrew Pawley, at Lawrence Reid.
 
Noong panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, ang mga Awstronesyo ay tinawag na mga Indiyo (Kastila: ''indio'').
==Politika==
{{see also|Mapilindo}}
Ang tinatawag na ''Greater Malayan Confederation'',<ref name=sakai>Sakai, M. 2009. "[http://www.sabrizain.org/malaya/library/connections.pdf Reviving Malay Connections in Southeast Asia]," sa Huhua Cao at Elizabeth Morrell (ed.), ''Regional Minorities and Development in Asia''. Routledge: Londres.</ref> o [[Mapilindo]], ay isang iminungkahing kompederasyong Awstronesyo ng [[Malasya]], [[Pilipinas]] at [[Indonesya]]. Ito ang ipinangarap ni dating-[[Pangulo ng Pilipinas|Pangulong]] [[Diosdado Macapagal]] na pagsasatotoo ng pinagsamang idea nina [[José Rizal]], Mabini, Vinzons, at [[Manuel L. Quezón]] ng iisang poskolonyal na estado para sa mga Awstronesyo (gamit ang makalumang katawagan na ''Malay'').
 
==Mga sanggunian==
5,268

edit