Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Anatomikong modernong mga tao"

 
Ang anatomikong mga modernong tao ay itinatangi mula sa kanilang malapit na mga ninuno na arkaikong ''Homo sapiens'' ng isang bilang ng mga katangiang anatomiko. Ang mga arkaikong Homo sapiens ay matipunong mga kalansay na nagpapakitang ang mga ito ay namuhay ng isang pamumuhay na pisikal. Ito ay nangangahulugang ang mga anatomikong modernong tao sa mga payat nitong katawan ay naging mas nakasalalay sa teknolohiya kesa sa hilaw na lakas pisikal upang matugunan ang mga hamon sa kanilang kapaligiran. Ang arkaikong Homo sapiens ay may labis na prominente o mapapansin mga [[brow bridge]](na nakausling mga patong ng buto sa taas ng butas ng mata). Sa paglitaw ng anatomikong mga modernong tao, ang mga brow ridge ay labis na lumiit at sa mga modernong tao, ang mga ito sa aberaha ay halos hindi makita. Ang isa pang natatanging katangian ng anatomikong mga modernong tao ang isang prominenteng baba na isang katangiang wala sa arkaikong Homo sapiens. Ang anatomikong modernong mga tao ay isang bertikal na noo samantalang ang mga predesesor nit ay may mga noo na nakalihis ng paurong. <ref>{{cite web|title=Encarta, Human Evolution|url=http://encarta.msn.com/encyclopedia_761566394_9/human_evolution.html|work=|archiveurl=http://www.webcitation.org/5kwKK5j9T|archivedate=2009-10-31|deadurl=yes}}</ref> Ayon kay [[Desmond Morris]], ang bertikal na noo sa mga tao ay hindi lamang nagbabahay ng mas malaking mga [[utak]] ngunit ang prominenteng noo ay gumagampan rin ng mahalagang papael sa pakikipagtalastasang pantao sa pamamagitan ng mga galaw ng [[kilay]] at pagkulubot ng balat ng noo.<ref>{{cite book|title=The Naked Woman: A Study of the Female Body|chapter=The Brow|chapterurl=http://books.google.com/books?id=Wa9zntiEKeAC&printsec=frontcover#PPA22,M1|last=Desmond Morris|authorlink=Desmond Morris|year=2007|isbn=0-312-33853-8}}</ref>
==Sinaunang mga modernong baklatao==
[[File:Skhul.JPG|thumb|right|250px|Ang [[Skhul V]] na nagpapakita ng isang halo ng mga katangiang arkaiko at moderno.]]
Ang [[mga labing Omo]], [[homo sapiens idaltu|Hertho]], [[Skhul remains|Skhul]], at [[Jebel Qafzeh remains]] ay minsang tinutukoy na "Sinaunang Modernong mga Tao" dahil ang mga labing pang kalansay nito ay nagpapakita ng isang halo ng mga katangiang arkaiko at moderno. Ang Skhul V halimbawa ay may prominenteng mga buto sa kilay(brow ridge) at isang nakausling mukha. Gayunpaman, ang kasong [[utak]] ng Skhul V ay natatangi mula sa mga [[Neanderthal]] at katulad ng kaso ng utak ng mga modernong tao. Sa [[Europa]], ang mga sinaunang modernong tao ang mga [[Cro-Magnon]].
 
==Pinagmulan ng mga modernong tao==
{{Main|Kamakailang pinagmulang Aprikano|Ebolusyong multirehiyonal|admixture na Neanderthal}}