Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Likas na pagpili"

walang buod ng pagbabago
m (Inilipat ni Aghamsatagalog2011 ang pahinang Likas na pagpili papunta sa Natural na seleksiyon)
Ang '''likasNatural na pagpiliseleksiyon''' o '''Pagpili ng kalikasan''' (Ingles: ''natural selection'') ay isang prosesong hindi dala ng pagsuling o hindi dahil sa pagkakataon lamang (tinatawag na ''nonrandom'') kung saan ang mga [[trait|likas na gawi]] o katangiang pambiyolohiya ay nagiging humigit-kumulang karaniwan sa isang [[populasyon]] bilang isang tungkulin ng reproduksyong diperensiyal o pangpagkakaiba-iba ng kanilang mga tagapagdala. Isa itong susing mekanismo ng [[ebolusyon]].
 
Umiiral ang pagkakaiba-iba sa loob ng lahat ng mga populasyon ng mga [[organismo]]. Bahagiang nagaganap ito dahil sa ang [[random|masuling]] na mga [[mutasyon]] ay nagsasanhi ng mga pagbabago sa ''[[genome]]'' o henoma ng isang indibidwal na organismo, at ang mga mutasyong ito ay maaaring maipasa sa supling. Sa kahabaan ng mga buhay ng mga indibidwal, ang kanilang mga henoma ay nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapaligiran upang makapagdulot ng mga baryasyon o mga kaibahan sa mga katangiang pambiyolohiya. Kabilang sa kapaligiran ng henoma ang biyolohiyang pangmolekula sa [[sihay]], iba pang mga sihay, iba pang mga indibidwal, mga populasyon, mga [[uri]] o espesye, pati na sa kapaligirang [[abiyotiko]]. Ang mga indibidwal na mayroong partikular na mga baryante o kaibahan sa mga likas na gawi o katangian ay maaaring makaligtas o matirang nabubuhay at makapagpaparami ng mas maraming mga indibidwal na may iba pang mga kaibahan. Kung kaya't umuunlad o nagkakaroon ng [[ebolusyon]] sa populasyon. Ang mga bagay na nakakaapekto sa katagumpayang pangreproduksyon ay mahalaga rin, isang paksang pinaunlad ni [[Charles Darwin]], halimbawa na ang kaniyang mga ideya ukol sa [[seksuwal na pagpili]].