Sinaunang pilosopiyang Griyego: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
r2.7.3) (Robot: Binabago ang ar:فلسفة يونانية قديمة upang maging ar:فلسفة يونانية; Kosmetiko pagbabago
m (r2.7.3) (Robot: Binabago ang ar:فلسفة يونانية قديمة upang maging ar:فلسفة يونانية; Kosmetiko pagbabago)
[[Talaksan:Raphael School of Athens.jpg|thumb|300px|right|Ang [[Paaralan ng Atenas]] ni [[Raphael]], na naglalarawan ng isang hanay ng sinaunang mga pilosopong Griyego na nakikilahok sa isang talakayan.]]
 
Ang '''sinaunang pilosopiyang Griyego''' ay lumitaw noong ika-6 daantaon BKE at nagpatuloy hanggang [[panahong Helenistiko]], kung saan sa puntong ito ang [[Sinaunang Gresya]] ay isinanib na sa [[Imperyong Romano]]. Humarap ito sa isang malawak na kasamu't sarian ng mga paksa, kabilang na ang [[pilosopiyang pampulitika]], [[etika]], [[metapisika]], [[ontolohiya]], [[lohika]], [[biyolohiya]], [[retorika]], at [[estetika]].
 
Marami sa mga [[pilosopo]] sa ngayon ang nagpapanatili na ang pilosopiyang Griyego ay nakaimpluwensiya sa kaisipang Kanluranin magmula noong magsimula ito. Minsang ipinaunawa ni [[Alfred North Whitehead]] na: "Ang pinakaligtas na pangkalahatang paglalarawan ng tradisyong pampilosopiyang Europeo ay ang pagkabinubuo nito ng isang serye ng mga talababa mula kay [[Plato]]."<ref>Alfred North Whitehead, ''Process and Reality'', Kabanata I, Seksyon I</ref> Ang malinaw at hindi putul-putol na mga guhit ng impluwensiya ay nagmula sa sinaunang mga [[Sinaunang Gresya|Griyego]] at mga [[pilosopiyang Helenistiko|pilosopong Helenistiko]], hanggang sa [[Maagang pilosopiyang Islamiko|midyibal na mga pilosopong Islamiko]], hanggang sa [[Muling Pagsilang]] sa Europa at [[Panahon ng Pagkamulat|Pagkamulat]].
 
May ilang umaangkin na ang pilosopiyang Griyego naman ay naimpluwensiyahan ng mas matandang panitikan ng karunungan at mga kosmogoniyang pangmitolohiya ng [[sinaunang Kalapit ng Silangan]]. Si [[Martin Litchfield West]] ay nagbigay ng isang naaangkop na pagsang-ayon sa pananaw na ito, na nagpapahayag na: "ang pagkakaroon ng ugnayan sa [[kosmolohiya]] at [[teolohiya]]ng oriental ay nakatulong sa pagpapalaya ng [[imahinasyon]] ng [[pilosopiyang bago ang panahon ni Sokrates|maaagang mga pilosopong Griyego]]; walang alinlangang nagbigay ito sa kanila ng maraming mga ideyang mapagmungkahi. Subalit tinuruan nila ang kanilang mga sarili ng katwiran. Ang pilosopiyang nauunawaan natin ay isang nilikhang Griyego."<ref>{{cite book |author=Griffin, Jasper; Boardman, John; Murray, Oswyn |title=The Oxford history of Greece and the Hellenistic world |publisher=Oxford University Press |location=Oxford [Oxfordshire] |year=2001 |pages=140 |isbn=0-19-280137-6 |oclc= |doi= |accessdate=}}</ref>
 
Ang sumunod na tradisyong pampilosopiya ay naimpluwensiyahan din ni [[Sokrates]] ayon sa paglalarawan na ginawa ni [[Plato]] na pangkaraniwan ang pagtukoy sa sinaunang pilosopiyang Griyego bago sumapit ang panahon ni Sokrates bilang [[pilosopiyang pre-Sokratiko]]. Ang panahong sumunod dito hanggang sa [[mga digmaan ni Alejandrong Magiting|mga digmaan]] ni [[Alejandrong Magiting]] ay tinutukoy bilang isang klasikal na pilosopiyang Griyego, na nasundan ng pilosopiyang Helenistiko.
 
== Mga sanggunian ==
{{Reflist}}
 
[[Kategorya:Pilosopiya ayon sa rehiyon]]
 
[[ar:فلسفة يونانية قديمة]]
[[bn:গ্রিক দর্শন]]
[[ca:Filosofia grega]]
68,714

edits