Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Kasaysayan ng Pilipinas"

m
Inalis ang binago ni 125.60.225.162, ibinalik sa huling bersyon ni 180.191.171.70
m (Inalis ang binago ni 125.60.225.162, ibinalik sa huling bersyon ni 180.191.171.70)
=== Kolonya ng Espanya ===
 
Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong [[1565]] nang makarating ang ekspedisyon na pinamunuan ni [[Miguel Lopez de Legazpi]] sa [[Cebu]] mula sa [[Mexico]]. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado.<ref name="pinas">{{cite web|title=Philippine History|url=http://pinas.dlsu.edu.ph/history/history.html|publisher=DLSU-Manila|accessdate=2006-08-21}}</ref> Matapos ang anim na taon, nang matalo ang isang [[Islam|Muslim]] na datu, itinatag ni Legazpi ang isang kabisera sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa [[Look ng Maynila]], isang malaking [[populasyon]] at malapit sa mga kapatagan ng [[Gitnang Luzon]].<ref name="uslc-4">{{cite web|title=Philippines - The Early Spanish Period|url=http://countrystudies.us/philippines/4.htm|publisher=U.S. Library of Congress|accessdate=2006-08-22}}</ref> Naging sentro ng pamahalaang kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar, pang-relihiyon at pang-komersyal.
7yhononmmmmyit6f 5frf y pangit kayo dsgnv m jhbijsdb v sdufhvius eguh
 
Naglayag ang mga bantog na [[galyon]] sa pagitan ng Maynila at [[Acapulco]], [[Mexico]]. Dinala nila ang [[pilak]] at ilang mahahalagang [[metal]] mula sa [[Bagong Mundo]] sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula sa [[Moluccas]] at ang [[porselana]], ''[[ivory]]'', ''[[lacquerware]]'' at [[seda]] mula sa [[Tsina]] at Timog-silangang Asya. Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya, upang ipagbili sa [[Europa]].
 
Ang Pilipinas ay naging [[lalawigan]] ng [[Nueva Espanya]] hanggang [[1821]], nang makamit ng Mexico ang kalayaan.<ref name="eon">{{cite web|title=Philippines History|url=http://www.nationsencyclopedia.com/Asia-and-Oceania/Philippines-HISTORY.html|publisher=Encyclopedia of Nations|accessdate=2006-08-23}}</ref>
 
Ang pananakop sa kapuluaan ay nagtagumpay na walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim).<ref name="uslc-4"/> Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa [[Mindanao]] at [[Sulu]]. Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa [[Luzon]] at [[Bisayas]] na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo.
 
Magkaugnay ang [[Simbahan]] at [[Estado]] noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga establishimentong pang-relihiyon.<ref name="uslc-4"/> Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mga [[tribu]] sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang iba't ibang [[pista]] sa [[tradisyon]]g Pilipino.<ref name="uslc-4"/>
 
[[Talaksan:NewSpainFlag.jpg|thumb|left|300px|Watawat ng [[Nueva Espanya]].]]
 
Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim sa [[Mindanao]] at mga tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mga [[Ifugao]] ng [[Cordillera Administrative Region|Kordilyera]] at ang mga [[Mangyan]] ng [[Mindoro]].<ref name="uslc-4"/>
 
Ang mga Kastila ay nagtayo ng tradisyonal na [[organisasyon]] ng [[barangay]] sa pamamagitan ng mga pinunong lokal sa mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang nagdulot ng pagbubuo ng mataas na antas ng mga Pilipino na tinatawag na ''principalia'', na naging mayaman, mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo. Ito ay nagpakita ng isang sistemang [[oligarkiya]] sa lokal na pamamahala. Ilan sa mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya ang pagpapalit ng ideya ng pagmamay-ari ng lupa sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari at ang pagbibigay ng titulo sa mga kasapi ng ''principalia''.<ref name="uslc-4"/>
 
Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga [[Dutch]] at sa pakikipag-laban sa mga Muslim.<ref name="uslc-4"/> Ang kita ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon.<ref name="uslc-4"/>
 
=== Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya ===
110

edit