Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Halalan"

1,560 byte added ,  7 year ago
dagdag
m (robot dinagdag: zh,pl,eu,qu,bs,uz,es,ta,af,ms,hu,et,bn,br,el,my,sv,nl,ar,pt,eo,is,yi,new,ru,xal,sr,tr,mk,fi,uk,be-x-old,nn,ne,az,hr,kk,da,zh-min-nan,ko,he,be,fr,yo,lv,it,gl,de,ja,vi,simple,sh,scn,hi,sk,mn,hy,kn,ro,no,th,ca,la,cy,war,sl,cs,mr,bg,fa...)
(dagdag)
 
==Nominasyon==
Ang isang kinatawang [[demokrasya]] ay nangangailangan ng pamamaraan upang pangasiwaan ang nominasyon para isang opisinang politikal. Sa Estados Unidos, ang mga miyembro ng isang [[partido]] ay humahalal ng mga indibidwal na magiging opisyal na nominee ng partido para sa isang politikal na opisina sa isang halalan. Sa Pilipinas, ang mga nagnanais tumakbo sa isang politikal na opisina ay dapat magpasok(file) ng ''sertipikado ng kandidasya'' sa [[COMELEC]]. Ang lupon ng COMELEC ay magpapasya kung sino sa mga ito ang kwalipikado bilang kandidato sa isang posisyon sa gobyerno. Ang mga diskwalipikadong mga indibidwal ay tinatawag ng COMELEC na ''nuisance candidate''.<ref>http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20091119-237219/Comelec-vows-to-be-strict-on-nuisance-candidates</ref> Kahit ang mga hindi kwalipikado ay pwedeng tumakbo sa anumang posisyon kahit sa posisyon ng pagkapangulo basta ayon sa COMELEC ay may pera sa pagsasagawa ng kampanya.<ref>http://www.sunstar.com.ph/bacolod/local-news/2012/10/11/comelec-asked-declare-mayoral-bet-nuisance-candidate-247481</ref>
 
==Kampanya==
{{seealso|Iskandalong Hello Garci}}
Ang ilan sa mga ilegal na paraan ng mga kandidato upang mahalal sa halalan ay kinabibilangan ng pagsupil at pagkokontrol ng press gamit ang mga koneksiyon nito upang ang mga botante ay hindi maging sapat na maalam sa mga isyu at mga kandidato. Kabilang din sa mga desperadong paraan ng ilang mga politiko upang manatili sa kapangyarihan ang paninira o [[propaganda]] laban sa mga katunggali, pagsasagawa ng pangingidinap, pagpatay(assassinate) ng katunggali, pananakot o panunuhol(pagbili) ng mga botante, paggamit ng mga sikretong balota, pakikipagsabwatan o panunuhol sa mga opisyal na nangagasiwa sa halalan, pakikielam sa mga balota o makina na ginagamit sa halalan, pagdadag at pagbabawas ng mga boto at iba pa.
==Pilipinas==
 
===Mga trapo===
Sa kultura ng Pilipinas, ang salitang '''trapo''' (tradisyonal na politiko) at literal na may kahulugang "basahan" ay isang panlalait na paglalarawan sa mga politikong matagal ng nakaupo sa pwesto ngunit walang silbi/inutil at mga walang kakayahan na mangasiwa ng bansa/incompetent. Ang mga ito ay karaniwang tumatakbo upang protektahan ang mga pansariling interes kesa sa interes ng mga nasasakupan nito.<ref>Parliaments and Political Change in Asia </ref> Ito ay mga politikong walang silbi/inutil at incompetent dahil sa tagal sa pagkakaupo nito sa pwesto sa gobyerno ay nananatili pa ring isang mahirap na bansa ang Pilipinas. Sa kabila ng pagiging mga inutil, ang mga ito ay sanay sa paggawa ng mga pangako sa mga botante(na ang karamihan ay madaling mauto) na hindi naman tinutupad kapag nakaupo na sa pwesto. Bukod sa pagiging trapo, ang karamihan sa mga ito ay mga tradisyonal na politikong sanay sa pagsasagawa ng mga [[katiwalian]] sa gobyerno.
===Mga sikat na personalidad===
Sa kultura ng Pilipinas, ang isang sikat na personalidad gaya ng mga artista o manlalaro kahit walang sapat na edukasyon o kakayahan sa pamamahala ay may mas malaking tsansa na manalo kesa sa mga kandidato na mas mga kwalipikado ngunit hindi sikat.
==Sanggunian==
{{reflist}}