Pedro Calungsod: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 9:
Ang balak na pagpatay sa kanila ay nagsimula nang ang isang [[Tsino]] na nagngangalang Choco ay magpakalat ng mga maling paratang na ang mga misyonero ay nilalason ang mga katutubo sa isla sa pamamagitan ng kanilang pagbubuhos ng tubig (i.e. binyag)at sa ritwal ng [[Banal na Misa]]. Noong ika-2 ng Abril 1672, dumalaw si Padre Diego at Pedro Calungsod sa Tumhon. Napag-alaman nila na merong bagong ipinanganak doon kaya pinuntahan nila ang ama na si Matapang. Siya ay dating Cristiyano at kaibigan ng mga misyonero ngunit dahil sa mga maling paratang ni Choco ay tumiwalag. Hindi siya pumayag na binyagan ang kanyang anak at pinagbantaan niya si Padre Diego na punong-puno na siya sa pangangaral ng mga misyonero. Kaya umalis sina Padre Diego at Pedro at tinipon ang mga kabataan at iilang nakatatanda sa dalampasigan para awitin ang doktrina. Inanyayahan pa ni Padre Diego si Matapang na sumali ngunit galit itong tumanggi. Pinuntahan ni Matapang ang isang kaibigang si Hirao upang hikayating sumali sa tangkang pagpatay sa mga misyonero. Nung una, tumanggi si Hirao dahil sa kabaitan ng mga misyonero. Subalit nang tinawag siyang duwag ni Matapang ay sumang-ayon na rin. Habang wala si Matapang, bininyagan ni Padre Diego ang bata nang may pahintulot ng ina. Nang dumating si Matapang at nalaman niya ang nangyari, sinugod nila ang mga misyonero. Una nilang pinagtuunan ng pansin si Pedro dahil maaari nitong ipagtanggol si Padre Diego. Makisig na naiwasan ni Pedro ang mga sibat at maaari pa daw sana siyang tumakbo. Sa huli ay tinamaan siya sa dibdib at natumba. Doon ay tinaga ni Hirao ang kanyang ulo. Bago siya binawian ng buhay ay binendisyonan siya ni Padre Diego. Pagkatapos, tinangka ni Padre Diego na hikayatin sina Matapang at Hirao na magbalik-loob sa Diyos. Ngunit sinibat din siya at tinaga. Kinuha ni Matapang ang suot na krusipiho ni Padre Diego at dinurog ito. Hinubaran nila ang katawan ng mga misyonero, tinalian ng malaking bato, dinala sa dagat, at tinapon. Nung hapon ding yon, may kasama silang dumating sa Tumhon at doon niya napag-alaman ang nangyari kay Padre Diego at Pedro.
 
Ayon sa historisidad ng mga dokumento sa Roma, si Calungsod ay gumamit ng sinaunang Katekismo na tinawag na Doctrina Christiana. Ito ay ang unang simpleng libro ng katekismo na gamit ng mga religiosos nuong araw pa itatag ang Cristianismo sa Pilipinas. Dahil sa pagkamatay ni Calungsod ayon sa sakripisyo ng para sa relihiyon ng Romana Katolika, sya ay tinanghal na "In Odio Fidei" ng Roma. Ito ay nagsasabing sya ay namatay ng dahil sa galit ng mga taong ayaw sa Christianong relihiyon at pananampalataya. At ng dahil sa kanyang uri ng pagkamartir at pagkamatay, hindi syasiya hiningan ng prueba ng Roma para patunayan na syasiya ay isang Beato. Ngunit kinailangan syang hingan ng prueba para maging tituladong Santo, na syasiya namang naganap nuong 2003 sa pamamagitan ng isang babaeng negosyante na di umanoy nabuhay pagkatapos mamatay ng dahil sa sakit na stroke at comatose.
 
Sinimulan ang proseso ng beatipikasyon ni Padre Diego noong 1673. Ngunit dahil sa kaguluhan at sa pagpapalayas ng mga Heswita, ito ay nahinto. Sinimulan lamang ito muli noong 1980s at nagtagumpay sa beatipikasyon ni Padre Diego noong ika-6 ng Oktubre 1986. Doon rin bumalik sa alaala si Pedro Calungsod. Dahil ang Guam ay dating bahagi ng Diyosesis ng Cebu, pinangunahan ni Ricardo Cardinal Vidal, ang arsobispo ng Cebu, ang pagbubukas ng pag-aaral tungkol kay Calungsod. Noong 1997, itinalaga ni Cardinal Vidal si Padre Ildebrando Jesus A. Leyson bilang vice postulator na siyang susulat ng opisyal na ulat tungkol kay Calungsod. Isinangguni ito sa Congregation for the Causes of Saints at noong Enero 2000 inaprubahan ni Beato Juan Pablo II ang dekreto na tunay ngang martir si Pedro Calungsod.