Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Big Bang"

walang buod ng pagbabago
Ang teoriyang bigbang ay nabuo mula sa mga obserbasyon ng istraktura ng [[uniberso]] at mula sa pagsusuring teoretikal. Noong 1912, si [[Vesto Sliper]] ay sumukat ng unang [[paglipat Doppler]]ng "spiral na nebula"(Ang terminong ito ay hindi na ginagamit para tukuying ang "spiral na mga galaksiya") at kanyang natuklasan na halos lahat ng mga nebulang ito ay papalayo sa [[mundo]](earth). Hindi niya natanto ang mga implikasyon ng obserbasyong ito at nang mga panahong ito, isang kontrobersiyal na ideya kung ang mga nebulang ito ay mga "islang uniberso"(island universes) o hindi sa labas ng galaksiyang [[Milky Way]]. Pagkatapos ng sampung taon, ang matematiko at kosmolohistang Rusiano na si [[Alexander Friedmann]] ay naghango ng mga "Ekwasyong Friedmann" mula sa mga ekwasyon ni [[Albert Einstein]] ng [[Teoriyang pangkalahatang relatibidad]]. Ang mga ekwasyon ni Friedmann ay nagpapakita na ang uniberso ay lumalawak na salungat naman sa "statiko(hindi lumalawak) na uniberso" na itinataguyod ni Einstein sa mga panahong ito. Noong 1924, ang pagsukat ng astronomong si [[Edwin Hubble]] sa malalaking distansiya sa pinakamalapit na mga spiral na nebula ay nagpapakita na ang mga ito ay talaga ngang [[galaksiya]]. Noong 1927, independiyenteng hinango ng Belhianong pisikong si [[Georges Lemaître]] ang ekwasyon ni Friedmann at kanyang iminungkahi na ang nahinuhang paglayo ng mga nebula mula sa mga ekwasyong ito ay sanhi ng paglawak ng uniberso. Noong 1931, iminungkahi ni Lemaître na ang maliwanag na paglawak na ito ng uniberso ayon sa obserbasyon ay nangangahulugang kung ibabalik ang panahon, makikitang ang uniberso ay matitipon sa isang punto o isang primebal na [[atomo]]) kung saan ang tela ng panahon at espasyo ay nagmula. Mula 1924, si Hubble ay lumikha ng mga sunod sunod na indikator ng distansiya gamit ang isang 100 pulgada na teleskopiyong Hooker sa Obserbatoryong Bundok Wilson. Dahil dito, kanyang natantiya ang distansiya ng mga galaksiya na ang mga [[pulangpaglipat]] ay nasukat na ni Slipher. Noong 1928, natuklasan ni Hubble na may [[korelasyon]]sa pagitan ng distansiya at [[belosidad]] ng paglayo na tinatawag na "batas ni Hubble". Naipakita na rin ni Lemaître na eto ay inaasahang konklusyon sa pamamagitan ng Prinsipyong Kosmolohikal. Noong mga 1930s, ang ibang mga ideya ay iminungkahi upang ipaliwanag ang mga obserbasyong ito ni Hubble kabilang na ang modelong Milne, ang osilyatoryong uniberso(na unang iminungkahi ni Friedmann at itinaguyod ni Albert Einstein at Richard Tolman) at ang hipotesis na pagod na liwanag ni Fritz Zwicky. Pagkatapos ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], dalawang mga posibilidad ang lumitaw. Ang una ay ang modelong nakapirmeng estado(steady state model) ni [[Fred Hoyle]] na nagsasaad na ang mga bagong [[materya]]ay malilikha na parang ang uniberso ay lumalawak. Sa modelong ito, ang uniberso ay halos pareho sa anumang punto sa panahon. Ang isa pang iminungkahi ay ang teoriya ng Big Bang ni Lemaître na itinaguyod at pinaunlad ni [[George Gamow]] na nagpakilala ng nukleyosintesis ng big bang at ang mga kasamahan nito ay humula(predicted) sa pag-iral ng "[[kosmikong mikroweyb na radiasyon]](cosmic microwave radiation o CMB). Ang ironikal dito ay si Hoyle ang nagimbento ng parirala na naging terminong nilapat sa teoriya Lemaître. Tinukoy ni Hoyle ang kanyang ideya na "itong malaking pagsabog na ideya"(this big bang idea) noong paghahayag ng [[BBC]](British Broadcasting Corporation) radio noong Marso 1949. Sa sandaling panahon, ang suporta ay hati sa pagitan ng dalawang teoriyang ito. Kalaunan, ang obserbasyonal na ebidensiya ay nagsimulang pumabor sa "teoriyang big bang" laban sa "teoriyang nakapirmeng estado". Ang pagkakatuklas at kompirmasyon ng hinulaang [[Kosmikong mikroweyb na radiasyon]](cosmic microwave radiation) noong 1964 ang nagpatibay sa teoriyang big bang na pinakamahusay na paliwanag sa pinagmulan at ebolusyon ng [[kosmos]]. Ang karamihan ng mga kasalukuyang pagsusuri sa kosmolohiya ay nakabatay sa konteksto ng big bang kabilang na ang pagkaunawa sa pagkakabuo ng mga galaksiya at pagkakaunawa sa [[pisika]] ng uniberso sa mga sinaunang yugto nito. Ang malalaking mga pagunlad sa kosmolohiyang big bang ay nagawa simula noong mga huli ng 1990's dulot ng mga malalaking pagsulong sa teknolohiyang teleskopiyo gayundin sa pagsusuri ng mga saganang data mula sa mga [[satelayt]] gaya ng COBE, teleskopiyong Hubble, at WMAP. Dahil dito, ang mga kosmolohista ay mayroon ng tiyak na mga sukat ng mga paremetro(parameters) ng modelong big bang at ang pagkakaroon ng hindi inaasahang obserbasyon na ang paglawak na ito ng uniberso ay papabilis ng papabilis sa kasalukuyan.
== Kronolohiya ng Malaking Pagsabog ==
Ang [[ekstrapolasyon]] ng paglawak ng uniberso pabalik ng panahon gamit ang [[pangkalahatang relatibidad]] ay nagbibigay ng inpinido(infinite o walang hanggang)hangganang [[densidad]] at [[temperatura]] sa isang ay hangganang panahon sa nakaraan. Ang [[singularidad]] na ito ay naghuhudyat ng pagguho ng [[pangkalahatang relatibidad]]. Kung paanong kalapit mahihinuha tungo sa singularidad ay pinagdedebatihan na tiyak na hindi mas malapit sa dulo ng [[kapanahunang Planck]]. Ang singularidad na ito ay minsang tinatawag na "the Big Bang" ngunit ang terminong ito ay maari ring tumukoy sa mismong sinaunang mainit at siksik na yugto na maituturing na kapanganakan ng ating uniberso. Batay sa mga pagsukat ng paglawak gamit ang Uring Ia supernovae, ang pagsukat ng pluktuasyon o paiba iba ng temperatura sa [[likurang kosmikong mikroweyb]], ang uniberso ay may masusukat na edad na 13.75 ± 0.11 bilyong mga taon. Ang pagkakasundo ng tatlong pagsusukat na ito ay malakas na sumusuporta sa modelong ΛCDM na naglalarawan sa detalye ng mga nilalaman ng uniberso.
 
Ang mga sinaunang yugto ng Malaking Pagsabog ay paksa pa rin ng mga spekulasyon. Sa karamihan ng mga karaniwang modelo, ang uniberso ay napuno ng pantay pantay sa straktura at direksiyon ng sobrang taas na densidad ng enerhiya at mataas na temperatura at [[presyur]] at mabilis na lumalawak at lumalamig. Sa tinatayang 10-37 segundo sa paglawak, ang isang yugtong transisyon ay nagsanhi ng inplasyong kosmiko kung saan ang uniberso ay lumago ng [[eksponente|eksponensiyal]]. Pagkatapos huminto ang inplasyon, ang uniberso ay binubuo ng [[quark]]-[[gluon]] [[plasma]] gayunidin ang ibang mga elementaryong mga [[partikulo]]. Ang mga temperatura ay sobrang taas na ang mga [[randoma]]ng mosyon ng mga partikulo ay nasa [[relatibidad|relatibistikong]] bilis at ang mga partikulo-antipartikulong mga pares ng lahat ng uri ay patuloy na nalilikha at nawawasak sa pagbabanggaan. Sa isang punto, ang hindi alam na reaksiyon na tinatawag na [[baryogenesisbaryohenesis]] ay lumabag sa konserbasyon ng bilang ng [[baryon]] na tumungo sa maliit na sobrang mga quark at [[lepton]] sa ibabaw ng [[antiquark]] at [[antilepton]] sa order na isang bahagi sa 30 milyon. Ito ay nagresulta sa pag-naig ng [[materya]] sa [[antimaterya]] sa kasalukuyang uniberso.
 
Ang uniberso ay patuloy na lumalago sa laki at bumagsak sa temperatura kaya ang tipikal na enerhiya ng bawat partikulo ay lumiliit. Ang transisyong yugto ng pagbasag ng [[simetriya]] ay naglagay ng mga [[pundamental na interaksiyon]] ng pisika]] at mga parametro ng mga elemantaryong partikulo sa kasalukuyang anyo nito. Pagkatapos ng 10-11 segundo, ang pangyayari ay mas naging hindi spekulatibo dahil ang mga enerhiya ng partikulo ay bumagsak sa halagang makakamit sa mga eksperimento ng [[partikulong pisika]]. Sa mga 10-6 segundo, ang mga quark at gluon ay nagsama upang bumuo ng mga baryon gaya ng [[proton]] at [[neutron]]. Ang maliit na paglabis na mga quark sa antiquark ay nagdulot ng maliit na paglabis ng baryon sa antibaryon. Ang temperatura ay hindi na masyadong mataas upang lumikha ng panibagong mga proton-antiproton na mga pares(tulad din sa neutron-antineutron) kaya ang anihilasyon ng [[masa]] ay agad na sumunod na nag-iwan ng isa sa 10<sup>10</sup> ng mga orihinal na proton at neutron at wala sa mga antipartikulo nito. Ang katulad na proseso ay nangyari sa mga 1 segundo para sa elektron at positron. Pagkatapos ng mga anihilasyong ito, ang mga natitirang proton, neutron at elektron ay hindi gumagalaw ng [[relatibidad|relatibistiko]] at ang densidad ng enerhiya ng uniberso ay pina-naigan ng mga [[photon]](na may maliit na kontribusyon mula sa mga neutrino).
Sa paglipas ng mahabang yugto ng panahon, ang medyo siksik na mga rehiyon ng malapit na pantay na ipinamahaging materya ay [[grabitasyon]]al na umakit ng malalapit na materya kaya mas naging siksik at bumuo ito ng mga [[ulap gaas]], mga [[bituin]], mga [[galaksiya]] at iba pang mga strakturang astronomikal na mapagmamasdayan sa kasalukuyan. Ang mga detalye ng prosesong ito ay nakabatay sa halaga at uri ng materya sa [[uniberso]]. Ang apat na posibleng mga uri ng materya ay kilala bilang [[malamig na itim na materya], [[medyo mainit na itim na materya]], [[mainit na itim na materya]] at [[materyang baryoniko]]. Ang pinakamahusay na pagsusukat na magagamit ngayon(mula sa [[WMAP]]) ay nagpapakitang ang data ay maiging akma sa modelong [[Lambda-CDM]] kung saan ang [[itim na materya]](dark matter) ay ipinapagpalagay na malamig(medyo mainit na itim na materya ay inalis sa sinaunang muling [[ionisasyon]]) at tinatayang bumubo sa 23% ng materya/enerhiya ng uniberso samantalang ang materyang baryoniko ay bumubuo sa 4.6 % materya ng uniberso. Sa "pinalawig na modelo" na kinabibilangan ng mainit na itim na materya sa anyo ng mga [[neutrino]], kung ang "pisikal na densidad ng baryon" na Ωbh2 ay tinayang nasa 0.023 (ito ay iba sa densidad ng baryon na inihahayag bilang [[praksiyon]] ng kabuuang densidad ng materya/enerhiya na gaya ng binanggit sa taas ay 0.046) at ang tumutugong densidad ng malamig na itim na materyang Ωch2 ay nasa 0.11, ang tumutugong densidad ng neutrinong Ωvh2 ay tinatayang mas maliit sa 0.0062.
 
Ang mga independiyenteng linya ng ebidensiya mula sa Uring Ia supernovae at sa [[CMB]] ay nagpapahiwatig na ang uniberso sa kasalukuyan ay pinana-naigan ng isang misteryosong anyo ng enerhiya na kilala bilang [[itim na enerhiya]](dark energy) na maliwanag na tumatagos sa lahat ng espasyo. Ang mga obserbasyon ay nagmumungkahi na ang 73% ng densidad ng kabuuang enerhiya ng kasalukuyang uniberso ay nasa anyong ito. Nang ang uniberso ay sobrang bata pa, ito ay malamang napuno ng itim na enerhiya ngunit may mas kaunting espasyo at ang lahat ay malapit na magkakasama. Ang [[grabidad]] ang may kalamangan at mabagal nitong pinahihinto ang paglawig. Sa kalaunan, pagkatapos ng ilang mga bilyong taon ng paglawig, ang papalagong pagsagana ng itim na enerhiya ay nagdulot sa paglawak ng unibsero na mabagal na muling tumulin. Ang itim na enerhiya sa pinakasimpleng pormulasyon nito ay kumukuha ng anyo ng [[konstanteng kosmolohikal]] sa [[Ekwasyong field ni Einstein]] ng [[pangkalahatang relatibidad]] ngunit ang komposisyon nito at mekanismo ay hindi alam at sa pangkalahatan, ang mga detalye ng [[ekwasyon]] ng estado at relasyon sa [[pamantayang modelo]] ng [[partikulong pisika]] ay patuloy na iniimbestigahan sa pagmamasid at teoretikal.
 
Lahat ng kosmikong ebolusyong ito pagkatapos ng panahong inplasyonaryo ay maaaring tiyak na malarawa ng modelong ΛCDM ng [[kosmolohiya]] na gumagamit ng mga independiyenteng balangkas ng [[mekaniks na kwantum]] at [[pangkalahatang relatibidad]] ni [[Albert Einstein]]. Gaya ng binabanggit sa taas, walang maiging-suportadong model na naglalarawan sa aksiyon bago ang sa mga 10−15 segundo. Maliwanag na kailangan ng bagong pinag-isang teoriya ng grabitasyong kwantum upang basagin ang hadlang na ito. Ang pag-unawa sa sinaunang mga panahon ng kasaysayan ng uniberso ay isa sa pinakadakilang hindi pa nalulutas na problema sa [[pisika]].
 
== Mga ebidensiyang napagmamasdan ==
Ang pinakauna at pinaka-direktang mga uri ng mapagmamasdang ebidensiya ng Malaking Pagsabog ang: uring-Hubble na paglawak na nakikita sa mga [[pulangpaglipat]] ng mga [[galaksiya]], ang mga direktang pagsukat ng [[kosmikong mikroweyb na likurang radiasyon]], ang kasaganaan ng mga elemento ng [[liwanag]] at sa panahong kasalukuyan ang malakihang skalang distribusyon at maliwanag na ebolusyon ng mga galaksiya na hinulaang makikita sanhi ng paglagong [[grabitasyon]]al ng straktura sa pamantayang teoriya. Ang mga ito ay minsan tinatawag na "ang apat na haligi ng Teoriyang Big Bang".