Big Bang: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
No edit summary |
No edit summary |
||
Linya 58:
}}</ref>.
== Kasaysayan==
Ang teoriyang bigbang ay nabuo mula sa mga obserbasyon ng istraktura ng [[uniberso]] at mula sa pagsusuring teoretikal. Noong 1912, si [[Vesto Sliper]] ay sumukat ng unang [[paglipat Doppler]]ng "spiral na nebula"(Ang terminong ito ay hindi na ginagamit para tukuying ang "spiral na mga galaksiya") at kanyang natuklasan na halos lahat ng mga nebulang ito ay papalayo sa [[mundo]](earth). Hindi niya natanto ang mga implikasyon ng obserbasyong ito at nang mga panahong ito, isang kontrobersiyal na ideya kung ang mga nebulang ito ay mga "islang uniberso"(island universes) o hindi sa labas ng galaksiyang [[Milky Way]]. Pagkatapos ng sampung taon, ang matematiko at kosmolohistang Rusiano na si [[Alexander Friedmann]] ay naghango ng mga "Ekwasyong Friedmann" mula sa mga ekwasyon ni [[Albert Einstein]] ng [[Teoriyang pangkalahatang relatibidad]]. Ang mga ekwasyon ni Friedmann ay nagpapakita na ang uniberso ay lumalawak na salungat naman sa "statiko(hindi lumalawak) na uniberso" na itinataguyod ni Einstein sa mga panahong ito. Noong 1924, ang pagsukat ng astronomong si [[Edwin Hubble]] sa malalaking distansiya sa pinakamalapit na mga spiral na nebula ay nagpapakita na ang mga ito ay talaga ngang [[galaksiya]]. Noong 1927, independiyenteng hinango ng Belhianong pisikong si [[Georges Lemaître]] ang ekwasyon ni Friedmann at kanyang iminungkahi na ang nahinuhang paglayo ng mga nebula mula sa mga ekwasyong ito ay sanhi ng paglawak ng uniberso. Noong 1931, iminungkahi ni Lemaître na ang maliwanag na paglawak na ito ng uniberso ayon sa obserbasyon ay nangangahulugang kung ibabalik ang panahon, makikitang ang uniberso ay matitipon sa isang punto o isang primebal na [[atomo]]) kung saan ang tela ng panahon at espasyo ay nagmula. Mula 1924, si Hubble ay lumikha ng mga sunod sunod na indikator ng distansiya gamit ang isang 100 pulgada na teleskopiyong Hooker sa Obserbatoryong Bundok Wilson. Dahil dito, kanyang natantiya ang distansiya ng mga galaksiya na ang mga [[pulangpaglipat]] ay nasukat na ni Slipher. Noong 1928, natuklasan ni Hubble na may [[korelasyon]]sa pagitan ng distansiya at [[belosidad]] ng paglayo na tinatawag na "batas ni Hubble". Naipakita na rin ni Lemaître na eto ay inaasahang konklusyon sa pamamagitan ng Prinsipyong Kosmolohikal. Noong mga 1930s, ang ibang mga ideya ay iminungkahi upang ipaliwanag ang mga obserbasyong ito ni Hubble kabilang na ang modelong Milne, ang osilyatoryong uniberso(na unang iminungkahi ni Friedmann at itinaguyod ni Albert Einstein at Richard Tolman) at ang hipotesis na pagod na liwanag ni Fritz Zwicky. Pagkatapos ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], dalawang mga posibilidad ang lumitaw. Ang una ay ang modelong nakapirmeng estado(steady state model) ni [[Fred Hoyle]] na nagsasaad na ang mga bagong [[materya]]ay malilikha na parang ang uniberso ay lumalawak. Sa modelong ito, ang uniberso ay halos pareho sa anumang punto sa panahon. Ang isa pang iminungkahi ay ang teoriya ng Big Bang ni Lemaître na itinaguyod at pinaunlad ni [[George Gamow]] na nagpakilala ng nukleyosintesis ng big bang at ang mga kasamahan nito ay humula
== Kronolohiya ng Malaking Pagsabog ==
Ang [[ekstrapolasyon]] ng paglawak ng uniberso pabalik ng panahon gamit ang [[pangkalahatang relatibidad]] ay nagbibigay ng walang hangganang [[densidad]] at [[temperatura]] sa isang ay hangganang panahon sa nakaraan. Ang [[singularidad]] na ito ay naghuhudyat ng pagguho ng [[pangkalahatang relatibidad]]. Kung paanong kalapit mahihinuha tungo sa singularidad ay pinagdedebatihan na tiyak na hindi mas malapit sa dulo ng [[kapanahunang Planck]]. Ang singularidad na ito ay minsang tinatawag na "the Big Bang" ngunit ang terminong ito ay maari ring tumukoy sa mismong sinaunang mainit at siksik na yugto na maituturing na kapanganakan ng ating uniberso. Batay sa mga pagsukat ng paglawak gamit ang Uring Ia supernovae, ang pagsukat ng pluktuasyon o paiba iba ng temperatura sa [[likurang kosmikong mikroweyb]], ang uniberso ay may masusukat na edad na 13.75 ± 0.11 bilyong mga taon. Ang pagkakasundo ng tatlong pagsusukat na ito ay malakas na sumusuporta sa modelong ΛCDM na naglalarawan sa detalye ng mga nilalaman ng uniberso.
|