Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Euclid"

walang buod ng pagbabago
}}
 
Si '''Euclid''', '''Euclides''', o '''Eukleides''' {{ndash}} mula sa Griyegong ''Ευκλείδης'' o "Eukleides" {{ndash}} (ipinanganak noong mga 330 BK) ang Griyegong pilosopong Ama ng [[Heometriya]]. Siya ay aktibo sa [[Alexandria]], Ehipto sa paghahari ni [[Ptolemy I]]. Ang kanyang aklat ng [[heometriya]] na pinamagatang ''[[Mga Elemento ni Euclid|Mga Elemento]]'' ay naglalaman ng maraming mga aksiyoma, proposiyon at pagpapatunay ng mga proposiyon sa heometriya. Kanyang ihinuha ang mga prinsipyo ng tinatawag ngayong [[heometriyang Euclidean]] mula sa isang hanay ng mga aksiyoma. Ang aklat na ito ang isa sa pinakaimpluwensiyal na akda sa kasaysayan ng matematika na nagsisilbi bilang aklat pampaaraalan para sa pagtuturo ng matematika lalo na sa heometriya mula sa paglilimbag nito hanggang sa huling ika-19 at simulang ika-20 siglo.<ref>Ball, pp. 50–62.</ref><ref>Boyer, pp. 100–19.</ref><ref>Macardle, et al. (2008). ''Scientists: Extraordinary People Who Altered the Course of History.'' New York: Metro Books. g. 12.</ref> Kaunti ang nalalaman hinggil sa buhay ni Euclid. Ang ilang mga historikal na reperensiya kay Euclid ay isinulat nina Proclus at Pappus of Alexandria mga siglo pagkatapos niyang mabuhay. Ipinakilala ni Proclus si Euclid bilang ang may akda ng ''Mga Elemento'' sa kanyang ika-5 siglong komentaryo nito. Binanggit naman ni Pappus noong ika-4 siglo na si Apollonius ay "gumugol ng isang napakahabang panahong kasama ng mga estudyante ni Euclid sa Alexandria at kaya ay nagkamit ito ng isang gayong siyentipikong kasanayan ng pag-iisip. Karagdagan ring pininiwalaan na si Euclid ay maaaring nag-aral sa Akademya ni [[PlantoPlato]] sa [[Athens]].
 
[[Talaksan:P. Oxy. I 29.jpg|thumb|right|Isa sa pinakamatandang manuskrito ng [[Mga Elemento ni Euclid]].]]