Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pisikang atomiko"

dagdag
m (r2.7.3) (robot dinagdag: simple:Atomic physics)
(dagdag)
Ang '''pisikang atomiko''' o '''pisikang pang-atomo''' (Ingles: '''''atomic physics''''') ay ang [[teoriya]] sa [[kayarian]] at [[komposisyon]] ng mga [[atom]]. Ang kayarian ng mga atom ay may pananagutan sa kung paano nagkakahitsura ang lahat ng mga bagay at kung paano kumikilos o umaasal ang mga bagay.<ref name="test">[http://www.physics.ox.ac.uk/Users/ewart/Atomic%20Physics%20lecture%20notes%20Final.pdf Atomic Physics]</ref> Bilang larangan ng [[pisika]], ang pisikang atomiko ang nag-aaral ng mga atom bilang isang nakabukod na sistema ng mga [[elektron]] at ng isang [[atomikong nukleyus]]. Pangunahin itong nakatuon sa [[Konpigurasyon ng elektron|kaayusan ng mga elektron na nakapaligid sa nukleyus]] at ang mga prosesong nakapagdurulot ng pagbabago sa mga kaayusang ito. Kabilang dito ang mga [[iyono]] (''ion'') pati na mga neyutral na atom at, maliban na lamang kung binanggit na taliwas dito, para sa mga layunin ng talakayang ito, dapat na ituring na ang katagang ''atom'' ay kinasasamahan ng mga iyono.
 
Ang katagang ''pisikang atomiko'' ay kadalasang may kaugnayan sa [[lakas nukleyar]] at mga [[bombang nukleyar]], dahil sa masingkahulugang pagamit ng ''atomiko'' at ''nukleyar'' sa [[pamantayang Ingles]]. Subalit, pinaghihiwalay ng mga pisiko (mga pisista) ang pisikang atomiko at ang [[pisikang nukleyar]]. Ang pisikang atomiko ay hinaharap ang atom bilang isang sistema na binubuo ng isang nukleyus at mga elektron; habang ang pisikang nukleyar ay nag-iisang sumasaalang-alang lamang sa mga [[atomikong nukleyus]].
166,389

edits