Muhammad: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 70:
 
=== Oposisyon ===
Ayon sa tradisyong Muslim, ang asawa ni Muhammad na si Khadija ang unang naniwala na siya ay isang propeta. Ito ay agad na sinundan ng sampung taong gulang na pinsan ni Muhammad na si Ali ibn Abi Talib na malapit na kaibigan ni [[Abu Bakr]] at inampong anak ni Zaid. Noong mga 613 CE, sinimulan ni Muhammad ang kanyang pangangaral ng publiko(Quran 26:214). Siya ay hindi pinansin at kinutya ng karamihan ng mga Mecacn samantalang ang iba ay kanyang naging mga tagasunod. Mayroong tatlong pangunahing mga pangkat ng sinaunang mga tagasunod ni Muhammad: mga batang kapatid at anak ng mga dakilang mangangalakal; mga taong naalis sa unang ranggo ng kanilang tribo o nabigong makamit ito; at mga mahina at karamihang hindi protektadong dayuhan. Ayon kay Ibn Sad, ang pagtutol sa Mecca ay nagsimula nang si Muhammad ay maghayag ng mga talatang kumokondena sa pagsamba ng mga idolo(diyos-diyosan) at ng mga ninunong Meccan na nagsagawa ng [[politeismo]]. Gayunpman, sinasabi ng ekshesis na Quraniko na ito ay nagmula sa sandaling mangaral ng publiko si Muhammad. Habang ang bilang ng mga tagasunod ni Muhammad ay lumago, siya ay naging banta sa mga lokal na tribo at mga pinuno ng lungsod na ang kayamanan ay nakasalig sa Kaaba, na sentro ng relihiyosong buhay ng Mecca at binantaan ni Muhammad na pababagsakin. Ang pagtakwil ni Muhammad ng tradisyonal na relihiyong Meccan ay lalong opensibo sa kanyang sariling tribo na [[Quraysh]] dahil ang mga ito ang tagapag-ingat ng Kaaba. Ang makapangyarihang mga mangangalakal ay sumubok na kumibinsihin si Muhammad na iwan ang kanyang pangangaral sa pamamagitan ng pag-aalok ng pagpasok sa panloob na pangkat ng mga mangangalakal at pagpapatibay ng kanyang posisyon sa pamamagitan ng isang nakapakikinabangang pagpapakasal. Gayunpaman, si Muhammad ay tumanggi. Ang tradisyon ay nagtatala ng pag-uusig at masamang pakikitungo kay Muhammad at ng kanyang mga tagasunod. Si Sumayyah bint Khabbab na isang babaeng alipin ng kilalang pinunong Meccan na si Abu Jahl ay kilala bilang unang martir ng [[Islam]] na pinatay ng sibat ng kanyang pinuno nang ito ay tumangging itakwil ang kanyang pananampalataya. Si Bilal na isa pang aliping Muslim ay pinahirapan ni Umayyah ibn Khalaf na naglagay ng isang mabigat na bato sa kanyang dibdib upang pwersahin ang kanyang konbersiyon. Sa kabila ng mga insulto, si Muhammad ay naprotektahan mula sa panganib na pisikal dahil siya ay kaanib sa angkang Banu Hashim. Noong 615 CE, ang ilan sa mga tagasunod ni Muhammad ay lumipat sa Imperyong Etiopian na [[Aksumite]] at nagtatag ng isang maliit na kolonya dito sa ilalim ng proteksiyon ng Emperador na [[Kristiyano]]ng si A??amaAṣḥama ibn Abjar. Dahil sa kadesperaduhan ng pag-asa ni Muhammad ng akomodasyon sa kanyang tribo dahil sa takot o sa pag-asang magtagumpay sa paraang ito, kanyang inihayag ang isang talata na kumikilala sa pag-iral ng tatlong mga [[diyos]]ang Meccan na itinuturing na mga anak na babae ni [[Allah]] at umapela sa mga ito para sa pamamagitan o intersesyon ng mga ito. Kalaunan ay binawi ni Muhammad ang mga talatang ito sa utos ni Gabriel na nag-aangking ang mga talatang ito ay ibinulong ng mismong [[diyablo]]. Ang episodyong ito ay kilala bilang "Ang Kwento ng mga Crane"(Qissat al Gharaneeq) at kilala rin bilang mga ''[[Satanikong Talata]]''(Satanic Verses). Bagaman ang insidenteng ito ay nagkamit ng malawakang pagtanggap sa mga sinaunang Muslim, ang malakas na pagtutol dito ay itinaas simula ika-10 siglo CE sa dahilang teolohikal. Ang mga pagtutol ay patuloy na itinataas na ang pagtakwil sa historisidad ng insidenteng ito ang tanging naging katanggap tanggap na posisyong ortodoksong Muslim. Noong 617 CE, ang mga pinuno ng Makhzum at Banu Abd-Shams na dalawang mahalagang mga angkang Quraysh ay naghayag ng publikong boykot laban sa Banu Hashim na kanilang katunggali sa kalakalan upang pilitin ito sa paghugot ng proteksiyon kay Muhammad. Ang boykot ay tumagal ng tatlong taong ngunit kalaunang bumagsak dahil sa nabigo itong makamit ang layunin nito. Sa panahong ito, si Muhammad ay nakapangaral lamang tuwing buwang pilgrimahe kung saan ang lahat ng mga alitan sa pagitan ng mga Arabo ay itinigil.
 
=== Isra at Mi'raj ===