Mga wikang Seltiko: Pagkakaiba sa mga binago

linis
m (Inilipat ni AnakngAraw ang pahinang Wika ng Celtic papunta sa Wikang Keltiko: salin)
(linis)
Ang '''mga wikang Keltiko''' ay ang [[mag-anak ng wika]] na nasa loob ng [[mga wikang Indo-Europeo]]. Mayroong anim na mga wikang Keltiko na sinasalita pa rin sa mundo sa kasalukuyan, na winiwika sa hilaga-kanlurang [[Europa]]. Nahahati sila sa dalawang mga pangkat, ang mga [[wikang Goideliko]] (o Gaeliko) at ang Britoniko (o Britaniko) na nakikilala sa Ingles bilang ''Brythonic''.
 
Ang tatlong mga wikang Goideliko na sinasalita pa rin ay ang [[wikang Irlandes]], [[wikang Gaelikong Eskoses|Eskoses]], at ang [[wikang Manx]]. Ang Eskoses o ''Scottish'' ang pangunahing wika na sinasalita sa mga bahagi ng hilaga-kanlurang [[Eskosya]] at ang Irlandes ang pangunahing wikang sinasalita sa [[Gaeltacht]] sa [[Irlanda]]. Ang Manx ay pangunahing sinasalita lamang ng mga tao na nagbibigay ng pansin sa wikang ito.
 
Ang tatlong Britonikong mga wika ay ang [[wikang Welsh]], [[wikang Kornes]] (''Cornish''), at ang [[wikang Breton]]. Sa mga ito, ang Kornes ang naging hindi na umiiral noong ika-18 daantaon subalit nagsimulang wikain ulit ito ng mga tao sa kasalukuyan. Ang Welsh ay sinasalita saan man sa [[Wales]] (Gales), subalit gumaganap na pangunahing unang wika ng mga tao na nasa kanlurang bahagi ng Wales, doon sa pook na tinatawag ng ilang mga tao bilang [[Bro Gymraeg]]. Ang Breton ay pangunahing sinasalita sa kanlurang [[Brittany]]. Ang Breton ay ang tanging wikang Keltiko na hindi pangunahing sinasalita sa [[Kapuluang Britaniko]].
166,389

edits