Kaharian ng Israel (Pinag-isang Monarkiya): Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 53:
|<small>Anak ni David kay [[Bathsheba]], ang kanyang mga karapatan ng paghalili ay tinutulan ng kanyang mas nakatatandang kalahating kapatid na lalakeng si [[Adonijah]]</small>
|}
 
 
==Historisidad==
Ayon sa mga [[tekstuwal na kritisismo|tekstuwal na kritiko]], ang isang bilang ng natatanging mga pinagkunang teksto ay pinagtagni tangi upang lumikha ng kasalukuyang [[Mga aklat ni Samuel]]. Ang pinaka kilala sa sinaunang mga bahagi ng unang aklat ang ''pinagkunang pro-monorchichal'' at ang ''pinagkunang anti-monarchichal''. Sa pagtukoy ng mga pinagkunang ito, ang dalawang magkahiwalay na mga salaysay ay maaaring muling likhain. Ang pinagkunang ''anti-monarchichal'' ay naglalarawawan kay Samuel na inakala ng ilang mga skolar na isang [[sipero]] para sa mismong [[diyos]] na buong niruta ang mga Filisteo ngunit may pag-aatubiling tumangap na ang mga tao ay nangangailangan ng isang pinuno at kaya ay hinirang niya si Saul sa pamamagitan ng [[palabunutan]]. Ang pinagkunang ''pro-monarchichal'' ay naglalarawan ng pang-diyos na kapanganakan ni Saul(ang isang salita na binago ng kalaunang editor upang ito ay bagkus tumukoy kay Samuel), at ang kanyang kalaunang pamumuno sa pagwawagi ng hukbo laban sa mga [[Amoneo]] na nagtulak sa mga tao na hilinging pamunuan niya sila laban sa mga filisteo kung saan sandaling nahirang siyang hari. <ref>{{JewishEncyclopedia}}</ref>
 
Ayon kay [[Israel Finkelstein]] at Neil Silberman na mga may-akda ng aklat na ''The Bible Unearthed: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Its Sacred Texts'',<ref name="Finkelstein">{{Cite book| last1 = Finkelstein | first1 = Israel | last2 = Silberman | first2 = Neil Asher |title=The Bible Unearthed: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Its Sacred Texts |publisher=Simon and Schuster |year=2001 |url=http://books.google.com/books?id=lu6ywyJr0CMC&pg=PA23#v=onepage&q&f=false | page = 23 }}</ref> ang ideya ng isang Nagkakaisang Kaharian ay hindi isang tumpak(accurate) na kasaysayan kundi bagkus ay "isang malikhaing mga ekspresyon ng isang makapangyarihang kilusang relihiyoso" na posibleng :"batay sa ilang mga historikal na kernel". Bagaman sa kalaunang aklat ay tinanggap nina Finkelstein at Silberman na sina David at Solomon ay mga tunay nna hari ng Judah noong mga ika-10 siglo BCE(1000 BCE-901 BCE)<ref>David and Solomon: In Search of the Bible's Sacred Kings and the Roots of the Western Tradition pp20</ref> kanilang binanggit na ang pinakaunang independiyenteng reperensiya sa Kaharian ng Israel ay noong mga 890 BCE samantalang para sa Judah ay noong mga 750 BCE.
 
Ayon sa skolar ng [[Bibliya]] na si [[Thomas L. Thompson]]
 
:Walang ebidensiya ng isang Nagkakaisang Kaharian, walang ebidensiya ng isang kabisera ng Herusalem o ng anumang magkaugnay na pinag-isang pwersang politikal na nanaig sa kanlurang Palestina lalong hindi ang isang [[imperyo]] na may sukat na inilalarawan ng mga alamat. Wala tayong ebidensiya ng mga haring may pangalang Saul, David o Solomon; o wala tayong ebidensiya ng anumang templo sa Herusalem sa maagang panahong ito. Ang ating alam tungkol ng ika-10 siglo BCE ay hindi sa atin pumapayag na magbigay kahulugan sa kawalang ito ng ebidensiya bilang isang puwang ng ating kaalaman at impormasyon tungkol sa nakaraan, na isang resulta lamang ng aksidental na kalikasan ng arkeolohiya. Walang silid o konteksto, walang artipakto o arkibo na nagtuturo sa gayong mga historikal na realidad sa ika-10 siglong Palestina. Ang isa ay hindi makakapagsalita ng isang kabisera na walang isang bayan.
 
Ang imperyo ni Solomon ay sinasabing sumaklaw mula sa [[Euphrates]] sa hilaga hanggang sa [[Dagat Pula]] sa timog; ito ay nangangailangan ng isang malaking paglalagay ng mga lalake at armas at isang malaking lebel ng organisasyon upang sumakop, magpasuko at mamahala sa sakop na ito. Ngunit may kaunting ebidensiyang arkeolohikal ng Herusalem na isang sapat na malaking siyudad noong ikasampung siglo BCE(1000 BCE) at tila kalat kalat na tumahan sa panahong ito. Ayon sa mga arkeologo, ang Herusalem noong ca. 1000 BCE ay hindi higit sa isang mahirap na ''baranggay''<ref>http://www.nytimes.com/2000/07/29/arts/bible-history-flunks-new-archaeological-tests-hotly-debated-studies-cast-doubt.html</ref>. Ang mga pagsakop nina David at Solomon ay hindi rin binabanggit sa mga kasaysayang kontemporaryo ng ibang kultura. Sa kultura, ang [[pagguho ng Panahong Tanso]] ay isang panahon ng pangkalahatang kultural na paghihirap ng buong rehiyong [[Levant]] na gumagawang mahirap na isaalang alang ang pag-iral ng anumang malaking unit na pangteritoryo gaya ng kaharian ni David na binabanggit sa Bibliya. May problema rin sa mga sanggunian para sa panahong ito ng kasaysayan. Walang mga independiyenteng dokumento sa panahong ito kesa sa mga inaangking salaysay sa [[Mga Aklat ni Samuel]] na maliwanag na nagpapakita ng sobrang daming mga [[anakronismo]] upang ituring na salaysay ng panahong ito. Halimbawa, may binabanggit na huling armor(1 Samuel 17:4–7, 38–39; 25:13), paggamit ng mga [[kamelyo]](1 Samuel 30:17)at kabalyero(bilang natatangi mula sa mga chariot)(1 Samuel 13:5, 2 Samuel 1:6), mga bakal na pick at palako(na tila ang mga ito ay karaniwan(as though they were common, 2 Samuel 12:31), mga sopistikadong pamamaraan ng paglusobs (2 Samuel 20:15), isang napakalaking hukbo(2 Samuel 17:1), isang digmaan na may 20,000 namata (2 Samuel 18:7), at tumutukoy sa isang paramilitaryo at mga lingkod na [[Kushite]] na nagbibigay ng isang petsa kung saan ang mga Kushite ay karaniwan pagkatapos ng [[Ikalabinganim na dinastiya ng Ehipto]] na panahon ng huling kwarter ng 800 BCE. <ref name="isbn0-691-00086-7">{{cite book |author=Redford, Donald B. |title=Egypt, Canaan, and Israel in ancient times|publisher=Princeton University Press |location=Princeton, N.J |year=1992 |page=305 |isbn=0-691-00086-7}}</ref>
 
==Mga sanggunian==