Basilika ni San Juan de Letran: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Ang '''Basilika ni San Juan de Letran''' ({{lang-it|Basilica di San Giovanni in Laterano}}), mas kilala bilang ang Basilikang Letran, ay ang simbahang katedral ng [[Diyosesis ng Roma]] at ang opisyal na pansimbahang sentro ng Obispo ng Roma, o ang [[Papa]].
 
Ito ang pinakamatanda at nangunguna sa apat na [[Pangunahing Basilika]] ng [[Roma]]. Ito rin ang umaangkin sa titulo ng Ekumenikong Inang Simbahan sa mgaSimbahang Romano Katoliko. Isang tatak sa patyada, ''Christo Salvatori'', ang nagpapakita ng dedikasyon ng simbahan kay "Kristong Tagapagligtas", tulad ng sa mga katedral ng lahat ng mga patriyarka, kung saan lahat ng mga ito ay dedikado kay Hesukristo mismo. Bilang ang katedral ng Obispo ng Roma, pinangungunahan nito ang lahat ng ibang mga simbahan sa Simbahang Romano Katoliko, kung kaya't ito ay may titulo na ''archbasilica''.
 
Ito ay nasa labas ng [[Lungsod ng Batikano]], ngunit nasa loob pa rin ng lungsod ng [[Roma]]. Gayunpaman, ito ay may estadong ekstrateritoryal, bilang isa sa mga pagmamay-ari ng [[Banal na Sede]]. Ito rin ang kaso sa ibang mga gusali, sunod sa resolusyon ng Kasunduang Laterano.
125

edit