Basilika ni San Juan de Letran: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
[[Talaksan: Facade San Giovanni in Laterano 2006-09-07.jpg|thumb|300px|Ang Basilika ni San Juan de Letran ay ang pwesto ng Obispo ng Roma o ang Santo Papa.]]
 
Ang '''Basilika ni San Juan de Letran''' ({{lang-it|Basilica di San Giovanni in Laterano}}), sa [[Wikang Latin|Latin]]: ''Basilica Sanctae Mariae Maioris''), na mas kilala bilang ang Basilikang Letran, ay ang simbahang katedral ng [[Diyosesis ng Roma]] at ang opisyal na pansimbahang sentro ng Obispo ng Roma, o ang [[Papa]].
 
Ito ang pinakamatanda at nangunguna sa apat na [[Pangunahing Basilika]] ng [[Roma]]. Ito rin ang umaangkin sa titulo ng Ekumenikong Inang Simbahan sa Simbahang Romano Katoliko. Isang tatak sa patyada, ''Christo Salvatori'', ang nagpapakita ng dedikasyon ng simbahan kay "Kristong Tagapagligtas", tulad ng sa mga katedral ng lahat ng mga patriyarka, kung saan lahat ng mga ito ay dedikado kay Hesukristo mismo. Bilang katedral ng Obispo ng Roma, pinangungunahan nito ang lahat ng ibang mga simbahan sa Simbahang Romano Katoliko, kung kaya't ito ay may titulo na ''archbasilica''.
125

edit