Basilika ni San Juan de Letran: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
 
Ang nalalabi sa lugar ay okupado ng palasyo ng mga Laterani. Sila ay naglingkod bilang mga tagapamahala sa ilalim ng maraming mga Emperador. Napasakamay ito ni [[Constantino I]] nang pinakasalan niya si Fausta, asawa ni Maxentio. Kilala nang panahong iyan bilang "Domus Faustae" or "Bahay ni Fausta", nang lumaon, ibinigay ni Constantino ito sa Obispo ng Roma. Ito ay binago at pinalawak, kung saan naging tirahan ito ng Papa San [[Silvestre I]], kung saan ito ay naging ang katedral ng Roma, ang pwesto ng mga Papa bilang Obispo ng Roma.
 
== Panahong Medyebal ==
 
Ang opisyal na dedikasyon sa Basilika at sa katabing Palasyo ay pinamunuan ni Papa San [[Silvestre I]] noong PK 324, idinedeklara ang dalawa bilang ''Domus Dei'' o "Tahanan ng Diyos". Bilang Katedral ng Obispo ng Roma, ang Trono ng Papa ay nilagay sa loob ng Katedral. Bilang pagwawari sa pag-angkin ng Basilika sa pangunguna sa mga simbahan sa mundo bilang ang "Inang Simbahan", ang titulong, ''Sacrosancta Lateranensis ecclesia omnium urbis et orbis ecclesiarum mater et caput'', na ang ibig sabihin ay, "Ang Pinaka-banal na Simbahang Laterano, ng lahat ng mga simbahan sa lungsod na ito at sa buong mundo, ang Ina at ang puno", ay inukit sa harapang pader sa pagitan ng mga pangunahing pintuan ng Basilika.
 
Ang Basilika at ang Palasyong Laterano ay dalawang beses dinedikado. Idinedikado ni Papa [[Sergio III]] ang mga ito kay [[San Juan Bautista]] noong ika-10 siglo, bilang karangalan sa bagong kinonsagrang Pabinyagan ng Basilika. Idinedikado naman ni Papa [[Lucio II]] ang mga ito kay [[San Juan Ebangelista]] noong ika-12 siglo. Gayunpaman, itinuturing pa rin sila bilang mga co-patron ng Katedral, ang punong patron, si Hesukristong Tagapaglitas mismo, tulad ng itinuturo sa nakaukit sa pasukan ng Basilika, at sa tradisyon sa mga patriarkong katedral.
 
[[Kaurian:Mga simbahang Katoliko|San Juan]]
Hindi nakikilalang mga tagagamit