Tugtuging pangkamara: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
→‎Kasaysayan: mga sanggunian
AnakngAraw (usapan | ambag)
linis
Linya 1:
Ang '''tugtuging pangkamara''' o '''musikang pangtsamber''' ay isang uri ng [[musikang klasikal]] na nilikha para sa isang maliit na pangkat ng mga [[instrumentong pangmusika]] — na nakaugaliang isang pangkat na magkakasya sa loob ng isang [[kamara]] o [[tsamber]] ng isang [[palasyo]]. Sa mas malawakan, kinabibilangan ito ng anumang [[musikang pangsining]] na isinasagawa ng isang maliit na bilang ng mga manunugtog, kung saan nananagot ang isang tagaganap sa isang bahagi. Ang salitang "tsamber" o "kamara" ay kumakatawan na ang musika ay maaaring itanghal sa isang maliit na silid, na kadalasang nasa loob ng isang pribadong salon o sala na pambisita (salas o sala), na kadalasang mayroong atmospera ng pagpapalagayan ng kalooban.
 
Dahil sa pagiging likas na katalikan nito, ang tugtuging pangkamara ay nailarawan bilang "ang musika ng mga magkakaibigan."<ref>Christina Bashford, "The string quartet and society" na nasa Stowell (2003), pahina 4. Ang pagpapahayag na "musika ng mga magkakaibigan" o ''music of friends'' sa Ingles ay unang ginamit ni Richard Walthew sa isang lektura na nailathala sa South Place Institute, London, noong 1909.</ref> Sa loob ng mahigit na 200 mga taon, ang musikang pangkamara ay pangunahing tinutugtog ng mga masukerong baguhan (mga ''amateur'') sa kanilang mga tahanan, at magpahanggang sa ngayon, habang ang karamihan ng mga pagganap ng tugtuging pangkamara ay lumipat mulas sa mga tahanan papunta sa mga bulwagang pangkonsiyerto, maraming mga musikero, baguhan man o propesyunal, ay tumutugtog pa rin ng musikang pangtsamber para sa kanilang pansariling kasiyahan. Ang pagtugtog ng musikang pangtsamber ay nangangailangan ng natatanging mga kakayanan, kapwa pangmusika at panlipunan, na kaiba mula sa mga kasanayang kailangan para sa pagtugtugon nang nag-iisa o mga akdang pangsimponiya.