Agrarismo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
m Inilipat ni AnakngAraw ang pahinang Agraryo papunta sa Agraryanismo: pagsasanib na ganap
AnakngAraw (usapan | ambag)
kawingan
Linya 3:
Ang mga pinag-ugatang pampilosopiya ng agraryanismo ay kinabibilangan ng mga pilosopong Europeo at Intsik. Ang Intsik na [[Paaralan ng Agraryanismo]] ay isang pilosopiya na nagtataguyod ng utopianong [[komunalismo]] at [[egaletaryanismo]] na pangtagabukid.<ref name="wp">{{cite book|last= Deutsch |first=Eliot | coauthors = Ronald Bontekoei|year=1999 | page= 183|title=A companion to world philosophies|publisher=Wiley Blackwell}}</ref> Nakaimpluwensiya ito sa mga intelektuwal ng Europa na katulad ni [[François Quesnay]], isang masugid na [[Kumpusyanista]] at tagapagtangkilik ng mga patakarang agraryo ng [[Tsina]], kaya't nailunsad niya ang pilosopiyang agraryano na [[Pisyokrasya]].<ref>L.A. Maverick, "Chinese Influences upon the Physiocrats," ''Economic History'', 3:54-67 (February 1938),</ref> Ang mga Pisyokrata, kasama na ng mga ideya ni [[John Locke]] at ng [[Panahong Romantiko]], ang bumuo sa batayan ng makabagong agraryanismong Europeo at [[Estados Unidos|Amerikano]].
 
Pangalawa, ang katagang "agraryanismo" ay nangangahulugang mga mungkahing pampulitika para sa pamamahagi ng lupain, partikular na ang pagpapamudmod ng lupain magmula sa mga mayayaman papunta sa mga mahihirap o walang-lupa. Ang [[terminolohiya]]ng ito ay karaniwan sa maraming mga bansa, at nagmula sa "Lex Sempronia Agraria" o "mga batas na agraryano" ng Sinaunang Roma noong 133 BC, na inilapat ni [[Tiberius Gracchus]], na kumamkam ng lupaing publiko (''ager publicus'') na ginamit ng mga mayayaman at ipinamahagi sa mga mahihirap.<ref>H. H. Scullard, ''From the Gracchi to Nero: A History of Rome from 133 B.C. to A.D. 68'' (1963) ch 2</ref> Ang kahulugang ito ng agraryanismo ay karaniwang tinatawag bilang "[[repormang agraryano]]".
 
Sa mga lipunan naimpluwensiyahan ng [[Kompusyanismo]], ang magsasakay ay itinuturing na isang mahalagang produktibong kasapi ng lipunan, habang mababa namang ang tingin sa mga mangangalakal na nagkakamit ng salapi.