Arianismo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 5:
Sa panahon na itinawalag ni Alexander si Arius, ang doktrina ni Arius ay kumalat na ng lagpas sa diocese ng Alexandria, Ehipto. Ito ay naging paksa ng talakayan at kaguluhan sa buong Simbahan. Ang simbahan sa panahong ito ay isa ng makapangyarihang pwersa sa daigdig Romano na ginawang legal ng emperador Constantine I noong 313. Ang emperador ay nagkaroon ng sariling interest sa ilang mga isyung ekumenikal kabilang ang kontrobersiyang [[Donatismo]] noong 316 CE. Kanyang ninais na wakasan ang alitang Arianismo. Maaring sinamahan ni Athanasius si Alexander sa [[Unang Konseho ng Nicaea]] noong 325 na lumikha ng Kredong Niseno at nag-[[anatema]] kay Arius at kanyang mga tagasunod. Ang konsehong ito ay pinatawag at pinangasiwaan ng mismong emperador [[Constantine I]] na lumahok at nanguna sa ilang mga talakayan. Sa Konsehong ito, ang mga 22 obispo na pinamunuan [[Eusebius ng Nicomedia]] ay dumating bilang mga tagasuporta ni Arius. Nang basahin ng malakas ang ilan sa mga kasulatan ni Arius, ang mga ito ay kinondena ng karamihan ng mga kalahok bilang mapamusong. Ang mga naniniwala na ang Kristo ay kapwa-walang hanggan at [[konsubstansiyal]] sa Ama ay pinamunuan ni Athanasius. Ang mga naniwala na ang Anak ay dumating pagktapos ng Ama sa panahon at substansiya ay pinamunuan ni Arius.
====Debate====
Sa loob ng 2 buwan, ang dalawang mga panig ay nangatwiran at nagdebate na ang parehong panig ay umapela sa kanilang tinatangap na mga Kasulatan upang pangatwiranan ang kanilang mga respektibong posisyon. Isinaad ni Arius na ang Anak ng Diyos ay isang Nilalang na ginawa mula sa wala at siya ang unang produksiyon ng Diyos bago ang lahat ng mga panahon. Kanyang ikinatwiran na ang bawat iba pang bagay ay nilikha sa pamamagitan ng Anak. Kaya ang tanging Anak ang direktang nilikha at isinilang ng ito at kaya ay may isang panahon na walang pag-iral ang Anak. Isinaad ni Arius na ang Anak ay may kakayahan sa kanyang sariling malayang kalooban ng tama at mali at "siya sa pinakatunay na kahulugan ng isang anak ay dapat dumating pagkatapos ng Ama at kaya ay ang panahong na halatang siya ay hindi at kaya ay isa siyang nilalang na may hangganan at nasa ilalim ng Diyos Ama. Si Arius ay sumipi mula sa Juan 14:28: ''Ang Ama ay mas dakila sa Akin''". Gayundin, ang Colosas 1:15: "''Ang panganay ng lahat ng nilikha"''. Kaya iginiit ni Arius na ang pagkadiyos ng Ama ay mas dakila sa Anak at ang Anak ay nasa ilalim ng Ama at hindi katumbas o kapwa-walang hanggan sa Ama. Si Alexander at mga amang Niseno ay sumalungat sa argumento ni Arius na ang pagkaama ng Ama tulad ng lahat ng kanyang mga katangian ay walang hanggan. Kaya ang Ama ay palaging isang ama at ang Anak ay palaging umiiral kasama niya. Ang mga amang Niseno ay naniniwalang ang pananaw na Arian ay sumisira ng pagkakaisa ng pagkadiyos at gumagawa sa Anak na hindi katumbas ng Ama na inaangking paglabag sa kanilang tinatanggap na Kasulatan: Juan 10:30 "''Ako at ang Ama ay iisa''". Sa karagdagan ay umapela ang mga Kristiyanong Niseno sa Juan 17:21 "''Upang silang lahat ay maging isa upang sila ay maging isa sa atin..''". Ang karamihan ng debate ay nakasalalay sa pagkakaiba sa pagitan ng bilang "ipinanganak" o "nilikha" at bilang "bugtong". Nakita ng mga Kristiyanong Arian ang mga ito na pundamental na pareho ngunit ang mga Kristiyanong Niseno ay sumasalungat dito. Ang mga eksaktong kahulugan n gmga salitang ginamit sa mga debate sa Nicaea ay hindi pa rin maliwanag sa mga tagapagsalita ng ibang mga wika. Ang mga salitang Griyegong tulad ng ''esensiya''(ousia), ''substansiya''(hypostasis), ''kalikasan''(physis), ''person''(prosopon) ay nag-aangkin ng iba't ibang mga kahulugan na hinango mula sa mga pilosopong bago-ang Kristiyanismo na humantong sa hindi pagkakaunawaan hanggang sa maliwanag ang mga ito. Sa partikular, ang salitang ''[[homoousia]]'' ay simulang hindi nagustuhan ng maraming mga obispo dahil sa kaugnayan nito sa kanilang tinatawag na "heretikong" [[Gnostiko]] na gumamit nito sa kanilang teolohiya at dahil ito ay kinondena sa mga [[Synod sa Antioch]] noong 264-268. Ayon sa maraming mga salaysay, ang debate ay naging mainit sa isang punto na si [[Arius]] ay sinampal sa mukha ni [[NicholarNicholas ng Myra]].
 
====Resulta====
Sa ilalim ng impluwensiya ni Constantine, ang karamihan ng mga obispo ay huling umayon sa isang kredo na kalaunang tinawag na [[Kredong Niseno]]. Ito ay kinabibilangan ng salitang ''[[homoousios]]'' na nangangahulugang "konsubstansiyal" o "isa sa kalikasan" na hindi umaayon sa mga pananaw ni Arius. Noong Hunyo 19, 325, ang konseho at ang emperador ay nag-isyu ng isang sirkular sa at sa palibot ng Alexandria. Si Arius at ang kanyang dalawang mga partisan ay ipinatapon sa Illyricum samantalang ang tatlo niyang iba pang mga tagasuporta ay lumagda bilang pagpapailalim sa emperador. Gayunpaman, agad na nalaman ni Constantine ang dahilan upang pagsuspetsahan ang sinseridad ng tatlong ito. Kalaunan ay isinama niya ito sa sentensiyang inihayag kay Arius.