Arianismo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 10:
Sa ilalim ng impluwensiya ni Constantine, ang karamihan ng mga obispo ay huling umayon sa isang kredo na kalaunang tinawag na [[Kredong Niseno]]. Ito ay kinabibilangan ng salitang ''[[homoousios]]'' na nangangahulugang "konsubstansiyal" o "isa sa kalikasan" na hindi umaayon sa mga pananaw ni Arius. Noong Hunyo 19, 325, ang konseho at ang emperador ay nag-isyu ng isang sirkular sa at sa palibot ng Alexandria. Si Arius at ang kanyang dalawang mga partisan ay ipinatapon sa Illyricum samantalang ang tatlo niyang iba pang mga tagasuporta ay lumagda bilang pagpapailalim sa emperador. Gayunpaman, agad na nalaman ni Constantine ang dahilan upang pagsuspetsahan ang sinseridad ng tatlong ito. Kalaunan ay isinama niya ito sa sentensiyang inihayag kay Arius.
====Mga epekto====
Ang pangmatagalang mga epekto ng Konseho ng Nicaea ay malaki. Sa unang pagkakataon, ang mga kinatawan ng maraming mga obispo ng Simbahan ay nagtipon upang umayon sa isang pahayag na pang-doktrina. Sa una ring pagkakataon na ang Emperador ay gumampan ng isang papel sa pamamagitan ng pagtawag ng pagsasama-sama ng mga obispo sa ilalim ng kanyang autoridad at ginamit ang kapangyarihan ng estado upang bigyang epekto ang mga kautusan ng Konsehong ito. Gayunpaman, sa maikling panahon, hindi kumpletong nalutas ng Konseho ang mga problema na tinipon upang talakayin at ang isang panahon ng alitan at ang kaguluhan ay nagpatuloy sa isang panahon. Mismong si Constantine ay hinalinhan sa trono ng mga dalawang emperador na Arian: ang kanyang anak na si [[Constantius II]] at si [[Valens]]. Hindi malutas ni Valens ang mga isyung eklesiastikal at hindi matagumpay na kinompronta si [[San Basil]] tungkol sa Kredong Niseno. Ang mga kapangyarihang [[pagano]] sa loob ng imperyo ay naghangad na panatilihin at minsan ay muling maitatag ang paganismo sa trono ng emperador. Ang mga Arian at [[Meletian]] ay sandaling muling nagkamit ng lahat ng mga nawalan nitong karapatan at ang Arianismo ay nagpatuloy na kumalat at magsanhi ng dibisyon sa Simbahan sa natitira ng ika-4 na siglo CE. Halos agad nito, ang obispong Arian na si [[Eusebius ng Nicomedia]] at pinsan ni Constantine ay gumamit ng impluwensiya nito sa korte upang impluwensiyahan ang pagpabor ni Constantine mula sa mga obispong Niseno tungo sa mga Arian. Mahihinuha na si Eusebius ay may malaking kamay sa pagtanggap sa sambahayang Constantinian ng Arianismo. Nagsimulang maisip ni Constantine na siya ay napaniwala sa maling panig at ang mga trinitarianista sa kanilang masigasig na pag-uusig sa mga Arian ang aktuwal na nagpapatuloy ng alitan sa loob ng simbahan.<ref>Williams & Friell, (1994) pp. 46–53</ref> Sa panahong ito sa korte ng imperyo, ang korteng Silangan at ang mga pangunahing posisyon ng [[Silangang Ortodokso|Silangang Simbahan]] ay hinahawakan ng mga Arian o mga tagasuporta ng Arianismo. Maliban sa isang maikling panahon na siya ay hindi kilala, nagtamasa si Eusebius ng Nicomedia ng kumpletong pagtitiwala nina emperador Constantine at [[Constantius II]] at tagaturo ng kalaunang emperador na sa [[Julian]]. Sa panahon din ni Eusebius na ang Arianismo ay naging mas kilala sa pamilyang maharlika ng imperyo. Si [[Eutathius ng Antioch]] ay pinatapon noong 330. Ang Nisenong si [[Athanasius]] na humalili kay Alexander bilang obispo ng [[Simbahan ng Alexandria]] ay ipinatapon ng unang [[Synod ng Tyre]] noong 335 CE at ang kalaban ng Arianismo na [[Marcellus ng Ancyra]] ay sumunod sa kanya noong 336 CE. Si Arius ay bumalik sa Constantinople upang muling tanggapin sa Simbahan ngunit sandaling namatay bago siya tanggapin. Si Constantine ay namatay nang sumunod na taon pagkatapos tanggapin ang bautismo mula sa obispong Arian na si [[Eusebius ng Nicomedia]]. Si Eusebius ay napakaimpluwensiyal, na kahit sa pagkatapos ng kanyang kamatayan ay pinakinggan ni [[Constantius II]] ang kanyang payo at ni Eudoxus na tangkaing akayin ang imperyo Romano sa Arianismo sa pamamagitan ng paglikha ng mga Konsehong Arian at mga opisyal na doktrinang Arian. <ref name="guitton-pp86">Guitton, "Great Heresies and Church Councils", pp.86.</ref> Gayunpaman, ang impluwensiyang ito ay nawala sa pag-akyat sa trono ng Emperador [[Theodosius I]] na mananampalataya ng Kristiyanismong Niseno. Pagkatapos ng dalawang araw nang dumating si Theodosius sa Constantinople noong Nobyembre 24, 380, kanyang pinatalsik ang obispong si [[Demophilus ng Constantinople]] at isinuko ang mga simbahan ng siyudad na ito sa pinuno ng maliit na pamayanang Niseno na si [[Gregoryo Nazianzus]]. Ito ay humantong sa isang kaguluha. Si Theodosius ay kababautismo lang ng obispong Acholius ng Thessalonica sa panahon ng isang malalang sakit gaya ng karaniwan sa maagang daigdig na Kristiyano. Noong Pebrero, si Theodosiu at Gratian ay naglimbag ng kautusan na ang lahat ng kanilang mga nasasakupan ay dapat maghayag ng pananampalatay ng mga obispo ng Roma at Alexandria na Kristiyanismong Niseno o kung hindi ay maparusahan. Bagaman ang karamihan ng hierarka ng Simbahan sa Silangan ay sumasalungat sa [[kredong Niseno]] sa mga dekada bago ang pag-akyat sa trono ni Theodosius, nagawa niyang makamit ang pagkakaisa sa basehan ng kredong Niseno. Noong 381, sa Konseho ng Constantinople, ang isang pangkat ng pangunahing mga Silangang Obispo ay nagtipon at tumanggap sa kredong Niseno na dinagdagan tungkol sa banal na espirito at iba pang mga pagbabago. Ito ay pangkalahatang pinaniniwalaan na wakas ng alitan tungkol sa Trinidad at pagwawakas ng Arianismo sa mga taong Romano at hindi-Alemaniko.
 
==Mga simulang kahariang mediebal na Alemaniko==
Ang alitan ng ika-4 siglo ay nakakita ng mga paksiyong Arian at Niseno na naglalabab para sa kontrol ng Simbahan. Salungat dito, sa mga kahariang Arian na Alemaniko na itinatag sa labi ng Kanlurang imperyo Romano noong ika-5 siglo, may buong magkahiwalay na mga simbahang Arian at Niseno na may mga magkakahilerang mga hierarka na naglilingkod sa iba't ibang mga hanay ng mananampalataya. Ang mga elitistang Alemaniko ay mga Arian at ang karamihan ng populasyon ay Niseno. Nakikita ng maraming mga skolar ang pagpapatuloy ng Arnianismong Alemaniko bilang isang stratehiya na sinundan upang itangi at panatilihin ang pagkakalinlan ng mga elitistang Alemanika mula sa mga lokal na mamamayan at kultura nito. Ang karamihan ng mga tribong Alemaniko ay pangkalahatang pumapayag sa mga paniniwalang Niseno ng mga nasasakupan nito. Gayunpaman, tinangka ng mga [[Vandal]] sa ilang mga dekada na pwersahin ang kanilang mga paniniwalang Arian sa kanilang mga nasasakupang Niseno ng Hilagang Aprika. Kanilang ipinatapon ang kapariang Niseno, binuwag ang mga monasteryo at nagsanay ng mabibigat na pamimilit sa mga hindi umaayon na Kristiyano. Sa simula ng ika-8 siglo, ang mga kahariang ito ay nasakop na ng mga kapitbahay nitong Niseno(Ostrogoths, Vandals, Burgundians) o ang mga pinuno nito ay tumanggap ng Kristiyanismong Niseno(Visigoths, Lombards). Ang mga Frank at Anglo-Saxon ay natatangi sa mga taong Alemaniko dahil ang mga ito pumasok sa imperyo bilang mga pagano at naakay ng direkta sa Kristiyanismong Niseno(Katoliko) na ginabayan ng kanilang mga haring sina [[Clovis]] at [[Æthelberht of Kent]]. Gayunpaman, ang karamihan ng katimugang Europa at sentral Europa kabilang ang maraming mga [[Goth]] at [[Vandal]] ay yumakap sa Arianismo. Ang mga [[Visigoth]] ay naakay sa Kristiyanismong Arian noong 376. Ito ay humantong sa pagiging paktor ng Arianismo sa iba't ibang mga digmaan sa imperyo Romano. Sa kanluran, ang organisadong Arianismo ay nagpatuloy sa Hilagang Aprika, Hispania at mga bahagi ng Italya hanggang sa supilin ito noong ika-6 at ika-7 siglo. Si [[Grimwald]] na hari ng mga [[Lombard]](662–671) at ang kanyang batang anak at kahaliling si [[Garibald]](671) ang mga huling haring Arian sa Europa.
 
==Mga sanggunian==