Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Saligang Batas ng Pilipinas"

m
Inalis ang binago ni 49.144.243.60, ibinalik sa huling bersyon ni 112.200.173.11
m (Inalis ang binago ni 49.144.243.60, ibinalik sa huling bersyon ni 112.200.173.11)
 
''"Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at ang kanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito."''<ref>http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/ang_1987_konstitusyon_ng_republi.htm</ref>
==Mga naunang saligang batas==
===Saligang batas ng La Liga Filipina===
Ang isang maikling buhay na saligang batas na hinanda ng makabayang si [[Jose Rizal]] para sa samahang [[La Liga Filipina]] ngunit nabuwag nang si Rizal ay ipinatapon sa [[Dapitan]].
 
===Saligang batas ng Biak-na-Bato (1897)===
Tanong mo Sa pagong
Ang himagsikang [[Katipunan]] ay nagdulot ng pagpupulong Tejeros kung saan ang unang pampangulo at pang ikalawang pangulong mga [[halalan]] ay isinagawa noong Marso 22, 1897 sa San Francisco de Malabon, [[Kabite]]. Gayunpaman, tanging mga [ kasapi lamang ng [[Katipunan]] ang nakalahok at hindi ang buong mamamayan. Ang kalaunang pagpupulong ng rebolusyonaryong pamahalaan na isinagawa noong Nobyembre 1, 1897 sa [[Biak-na-Bato]] sa bayan ng San Miguel de Mayumo sa [[Bulacan]] ay lumikha ng [[Republika ng Biak-na-Bato]]. Ang republikang ito ay may saligang batas na isinulat nina Isabelo Artacho at Félix Ferrer at binatay sa unang [[Saligang Batas ng Cuba]]. Ito ay nakilala bilang "Constitución Provisional de la República de Filipinas"(Pansamantalang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas) at orihinal na isinulat at pinalaganap sa mga wikang [[Kastila]] at [[Tagalog]].
 
===Saligang Batas ng Malolos (1899)===
Ang [[Saligang Batas ng Malolos]] ang unang republikanong [[saligang batas]] sa [[Asya]]. Ito ay naghayag ang [[soberanya]] ay eksklusibong tumatahan sa mga tao, nagsaad ng mga [[pangunahing karapatang pantao]], [[separasyon ng simbahan at estado|naghiwalay ng simbahan at estado]] at tumawag para sa pagkakalikha ng [[Kapulungan ng mga Representatibo]] na umasal bilang [[lehislatura|katawang lehislatibo]]. Ito ay tumawag rin para sa isang [[Sistemang Presidensiyal|anyong presidensiyal ng pamahalaan]] na ang [[pangulo]] ay inihahalal ng mayoridad ng kapulungan para sa isang termino ng apat na taon. Ito ay pinamagatang "Constitución política" at isinulat sa [[Kastila]] kaunod ng kalayaan mula sa [[Espanya]] at pinroklama noong Enero 20, 1899. Ito ay [[isinabatas]] at pinagtibay ng [[Kongresong Malolos]] na isinagawa sa [[Malolos, Bulacan]].
 
===Mga akto(batas) ng Kongreso ng Estados Unidos===
Ang Pilipinas ay isang [[Teritoryo ng Estados Unidos]] mula Disyembre 10, 1898 hanggang Marso 24, 1934. Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng [[hurisdiksiyon]] ng pederal na pamahalaan ng [[Estados Unidos]] sa mga panahong ito. Ang dalawang akto([[batas]]) ng [[Kongreso ng Estados Unidos]] na ipinasa nang panahong ito ay maaaring ituring na mga Saligang Batas ng Pilipinas dahil ang mga aktong ito ay naglarawan ng pundamental na mga prinsipyong politikal at lumikha ng istraktura, mga pamamaraan, mga kapangyrihan at mga tungkulin ng pamahalaan ng Pilipinas.
====The Philippine Organic Act of 1902====
Ang [[Philippine Organic Act of 1902]] na minsang tinatawag na "Philippine Bill of 1902" ang unang organikong batas para sa Pilipinas na [[isinabatas]] ng Kongreso ng Estados Unidos. Ito ay nagbibigay ng pagkakalikha ng hinalal ng mga taong [[Kapulungan ng Pilipinas]] at tumukoy na ang [[lehilatibo]]ng kapangyarihan ay ibibigay sa isang [[bikameral na lehislatura]] na binubuo ng [[Komisyong Pilipino]](mataas na kapulungan) at [[Asembleyang Pilipino]](mababang kapulungan). Ang mga pangunahing probisyon nito ay kinabibilangan ng [[listahan ng mga karapatan]](bill of rights) para sa mga Pilipino at pagkahirang ng dalawang hindi bumobotong residenteng komisyoner na kakatawan sa Pilipinas sa [[Kongreso ng Estados Unidos]].
====The Philippine Autonomy Act of 1916====
Ang [[Philippine Autonomy Act of 1916]] na minsang tinatawag ring "Jones Law" ay nagbago ng istraktura ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-aalis ng [[Komisyong Pilipino]] bilang mataas na kapulungan ng [[lehislatura]] at pinalitan ng [[senado]] na hinalal ng mga botanteng Pilipino. Ang aktong ito ay hayagang nagsaad na palaging layunin ng Estados Unidos na hugutin ang [[soberenya]] nito sa Pilipinas at kilalanin ang independiyente ng Pilipinas sa madaling panahon na ang isang matatag ng pamahalaan ng Pilipinas ay maitatag.
 
Bagaman hindi saligang batas sa sarili nito, ang [[Tydings-McDuffie Act of 1934]] ay nagbigay ng kapangyarihan at naglarawan ng mga mekanismo para sa pagkakalikha ng isang pormal na saligang batas sa pamamagitan ng isang konbensiyong konstitusyonal.
 
===1935 Saligang Batas (Ang Komonwelt at ang Ikatlong Republika)===
 
Isinulat ang Saligang Batas [[1935]] noong [[1934]], at pagsasaad ng [[Komonwelt ng Pilipinas]] ('''1935-1946''') at ginamit sa Ikatlong Repulika ng Pilipinas ('''1946-1972''').
 
Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas 1935 para sa isang [[Kongreso ng Pilipinas|Kongreso]] na may isang [[Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas|Kapulungan ng mga Kinatawan]]. Sinusugan ito noong [[1940]] upang magkaroon ng parehong [[Senado ng Pilipinas|Senado]] at [[Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas|Kapulungan ng mga Kinatawan]]. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa dalawang termino.
 
Isang Pagpupulong ng Saligang Batas ang ginanap noong [[1971]] upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsyon. Marahil ang pinakakontrobersyal ang isyu ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong termino. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng [[batas militar]] ang Saligang Batas 1935.
 
===1943 Saligang Batas (Ikalawang Republikang Sinang-ayunan ng mga Hapon)===
 
Pinagtibay ang 1943 Saligang Batas noong Ikalawang Republika (1943-1945) sa panahon ng pananakop ng mga [[Hapon]] noong [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]]. Hinirang si [[Jose Laurel|Jose P. Laurel]] bilang pangulo dahil tinitingala siya ng mga Hapon sa pagpuna niya sa paraan ng pamamalakad ng [[Estados Unidos]] sa Pilipinas at dahil may titulo siya sa ''Tokyo International University''.
 
Nagbigay ng matibay na tagapagpaganap ang 1943 Saligang Batas. Binubuo ito ng mga tagapagbatas sa Pambansang Kapulungan at iyon lamang mga di sang-ayon sa Estados Unidos ang kinukunsidera para ihalal, bagaman karamihan hinihirang ang mga tagapagbatas sa halip na inihalal.
 
Naging instrumento ng mga Hapon ang 1943 Saligang Batas upang gawing lehitimo ang pagsakop nila sa pamamagitan ng papet na pamahalaang Pilipinas.
 
===Ang Saligang Batas 1973 (Panahon ng Batas Militar at Bagong Republika)===
 
Ipinakilala ang Saligang batas 1973 bilang parliamentong-uri ng pamahalaan. Ipinagkaloob ang kapangyarihan ng tagapagbatas sa isang Pambansang Kapulungan na hinahalal ang mga kasapi sa anim na taong termino. Inihalal ang Pangulo bilang masagisag na pinuno ng estado mula sa mga Kasapi ng Pambansang Kapulungan at maaaring mahalal ng ilang ulit. Kapag nahalal, hindi na kasapi ang Pangulo sa Pambansang Kapulungan. Sa panahon ng termino, hindi pinapahihintulang maging kasapi ng isang partidong pulitikal o maupo sa puwesto ng ibang tanggapan. Nasa Punong Ministro ang kapangyarihan ng tagapagpaganap na inihalal ng mga Kasapi ng Pambansang Kapulungan. Ang [[Punong Ministro ng Pilipinas|Punong Ministro]] ang pinuno ng [[pamahalaan]] at Punong Tagapag-utos ng hukbong sandatahan. Binago ng ikatlong ulit ang saligang batas na ito.
 
===Pagbabago noong 1981===
 
Noong [[1981]], itinatag muli ang [[sistemang parliamentaryo|parliamento]]ng anyo ng pamahalaang kasama ang diretsong pagboto ng mga tao sa pangulo.
 
==Pagkakalikha ng 1987 saligang batas==
159

edits