Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Hinuhang atomiko"

m (→‎Mga Nota: bulleted list//)
Ang pangalawa ay [[batas ng tiyak na proporsyon]]. Unang pinatunayan ng kimikong Pranses na si [[Joseph Louis Proust]] noong 1799,[5]sinasabi ng batas na ito kapag ang isang kompuwesto ay bumalik sa kanyang mga pinagmulang elemento, ang mga bigat nito ay laging pareho sa proporsyon gaano man karami o anuman ang pinagmulan ng orihinal na sustansya. Nagsintensis si Proust ng [[carbonato ng tanso]] (copper carbonate) na gumamit ng iba’t-ibang paraan at kanyang nasumpungan na sa bawat kaso, ang mga ingredyente ay nagsasama ng may parehong proporsyon na parang ginagawa kapag giniba ito mula sa likas na carbonato ng tanso.
 
Pinag-aralan at pinalawak ni Dalton ang trabaho ni Proust na nagbunsad sa [[batas ng multipleng proprosyon]]: na nagsasaad na kapag ang dalawang elemento ay nakabubuo ng mahigit sa isang kompuwesto, ang ratio ng bigat ng ikalawang elemento na nakikipagsanib sa isang tiyak na bigat ng unang elemento ay ratio ng maliliit ng integer nito. Ang isang pares ng pagsasanib na pinaniniwalaang pinag-aralan ni Dalton ay ang [[[[oksido nitriko]]]] (nitric oxide) (NO) at [[oksiheno]] (oxygen) (O2O<su>2</sub>). Sa isang pagsasanib, nabubuo nito ang [[trioksido dinitroheno]] (dinitrogen trioxide) (N2O3N<sub>2</sub>O<sub>3</sub>). Subalit kapag inulit ang pagsasanib na ito na gumagamit ng dalawang beses na dami ng oksiheno (ang ratio na 1:2 – maliit na integer), nagbubunga ito ng dioksido nitroheno (nitrogen dioxide) (NO2NO<sub>2</sub>).
 
4NO + O2O<sub>2</sub>2N2O32N<sub>2</sub>O<sub>3</sub>
 
4NO + 2O22O<sub>2</sub>4NO24NO<sub>2</sub>
 
Si Dalton ay naniniwala rin na ang hinuhang atomika ay makapagpapaliwanag kung bakit humihigop ang tubig ng iba’t-ibang gas na may iba’t-ibang proporsyon. Halimbawa, kanyang nasumpungan na mainam higupin ng tubig ang [[dioksido ng carbon]] (carbon dioxide) kaysa nitroheno. Huna-huna ni Dalton na ito ay dahil sa mga pagkakaiba sa bigat at kompleksidad ng mga kanya-kanyang partikula ng mga gas. Sa totoo, mas mabigat at malaki ang mga [[molekula]] ng dioksido ng carbon (CO2CO<sub>2</sub>) kaysa mga molekula ng nitroheno (N2N<sub>2</sub>).
[[Image:A_New_System_of_Chemical_Philosophy_fp.jpg|right|thumb|Ang iba’t-ibang atomo at molekula na isinalarawan sa A New System of Chemical Philosophy (1808) ni John Dalton.]]
 
Noong 1803, naglathala si Dalton ng una niyang listahan ng relatibong bigat atomiko ng mga ilang sustansya [6](kahit na hindi niya tinalakay sa publiko kung papaano niya nakuha ito hanggang 1808). Tinantya ni Dalton ang mga bigat atomiko ayon sa ratio ng bigat ng kanilang pagsasanib kung saan ang [[hidroheno]] ang ugat na yunit. Subalit, hindi inisip ni Dalton na ang ilang elementong atomo ay umiiral rin bilang molekula – halimbawa ang dalisay ng oksiheno ay umiinog bilang O2O<sub>2</sub>. Mali ang paniwala niya na ang pinakasimpleng kompuwesto sa pagitan ng dalawang elemento ay laging isang atomo isa’t-isa (inisip niya na ang tubig ay HO, hindi H2OH<sub>2</sub>O). Kasama ang kapayakan ng kanyang aparato, maraming mali sa kanyang talaan. Halimbawa, paniwala niya na ang atomo ng oksiheno ay 5.5 beses na mabigat kaysa atomo ng hidroheno dahil sinukat niya na ang tubig ay may 5.5 gramo ng atomong oksiheno sa bawat 1 gramo ng atomong hidroheno. Dahil dito paniwala niya na ang pormula ng tubig ay HO (alam natin ngayon ang atomong oksiheno ay 16 beses na mas mabigat kaysa atomong hidroheno.)
 
Ang mali sa hinuha ni Dalton ay itinama noong 1811 ni [[Amedeo Avogadro]]. Nagpanukala si Avogadro na ang dalawang gas na magkatumbas sa volume sa magkaparehong temperatura at presyon ay naglalaman ng magkatumbas ng bilang ng mga molekula (sa madaling salita, ang bigat ng mga partikula ng isang gas ay walang apekto sa volume nito). [7] Ang batas Avogadro ay nagpakita sa kanya upang mahulaan ang diatomikong likas ng maraming gas sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga volume kapag sila’y nakikipagsanib. Halimbawa, dahil ang dalawang litro ng hidroheno ay makikipagsanib lamang sa isang litro ng oksiheno upang makagawa ng dalawang litro ng singaw tubig (sa konstanteng presyon at temperatura), nangangahulugang ang isang molekula ng oksiheno ay nahahati sa dalawa upang makabuo ng dalawang partikula ng tubig. Dahil dito, nakapagbigay ng mas tamang estimasyon si Avogadro sa atomikong bigat ng oksiheno at maraming pang elemento. Ito rin ang nagpatatag sa pagkakaiba sa pagitan ng molekula at atomo.
122

edit