Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Bayag"

→‎Paglalarawan: kulang na bantas
m (robot tinanggal: zh,jv,eu,pl,qu,ik,bs,es,af,hu,bn,br,el,am,ga,nl,sv,ar,pt,is,eo,su,ru,sr,tr,sn,mk,fi,be-x-old,nn,iu,io,mzn,ne,hr,kk,da,an,zh-min-nan,dv,vec,als,he,be,fr,ko,lv,it,gl,id,de,ml,ja,vi,zh-yue,simple,sh,scn,hi,sk,ku,hy,en,ro,th,no,ca,la,...)
(→‎Paglalarawan: kulang na bantas)
 
==Paglalarawan==
Ang mga itlog na pambayag ay mga bahaging natatagpuan sa mga katawan ng mga nilalang na lalaki. Ang mga lalaking [[mamalya]], kasama ang mga lalaking tao, ay may dalawang mga itlog sa loob ng bayag, na sinusuportahan sa loob ng supot ng balat sa ilalim ng [[titi]] at tinatawag ang supot bilang eskroto o eskrotum. Kasama ng titi, ang mga testikulo ay tinatawag na mga [[organong pangreproduksyon]] (mga [[organong pangseks]]). Mga lalaki lamang ang may mga itlog sa bayag; ang mga babae ay maroong mga [[obaryo]].
 
Ang itlog ng bayag ay mga uri ng organong tinatawag na mga [[glandula]]. Katulad ng ibang mga glandula, ang mga tesktikulo ay gumagawa ng mga ''sustansiyang kimikal'' na tinatawag na mga [[hormona]], na nakapagpapanatili sa pagpapaandar ng katawan. Gumagawa rin ang itlog ng bayag ng esperma na sumasama sa [[oba]] upang lumikha ng bagong buhay. Karamihan sa mga glandula, katulad ng mga obaryo ng kababaihan, ay nasa loob ng katawan, subalit ang mga testikulo ay nasa labas ng pangunahing bahagi ng katawan. Ito ay dahil sa ang mga itlog ng bayag ay higit na umaandar o nakapagtatrabaho ng mas mainam kapag hindi naiinitan kaysa sa loob ng katawan. Sa malamig na klima o panahon, pumapaitaas ang mga testikulo papalapit sa katawan upang mapanatili ang init.
166,389

edits