Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Yemen"

1,214 bytes added ,  8 year ago
dagdag
m (r2.7.1) (robot dinagdag: kab:Yamen)
(dagdag)
}}
 
Ang '''Republika ng Yemen''' o '''Yemen''' ([[wikang Arabo|Arabo]]: الجمهورية اليمنية), binubuo ng dating [[Hilagang Yemen|Hilaga]] at [[Timog Yemen]], ay isang bansa sa [[Tangway ng Arabia]] sa [[Timog-kanlurang Asya]] at bahagi ng [[Gitnang Silangan]], napapaligiran ng [[Dagat ng Arabia]] at [[Golpo ng Aden]] sa timog at [[Dagat na Pula]] sa kanluran, [[Oman]] sa timog-silangan at [[Saudi Arabia]] sa mga natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo nito ay ang pulo ng [[Socotra]], mga 350 km ang layo sa timog. Ang isang tao o bagay na nagmula sa Yemen ay tinatawag na '''Yemeni'''. Ang [[kabiserang lungsod]] ng Yemen ay ang [[Sana'a]].
 
Ang Yemen ay ang pinagmulang lupain ng lahat ng [[mga Arabo]] na nasa Gitnang Silangan. Noong sinaunang panahon, ang Yemen ay isang mahalagang sentro ng kalakalan at kapangyarihan. Maraming mga kahariang makapangyarihan ang dating nasa Yemen, kabilang na ang mga [[Sabaean]]. Mahalaga rin ang Yemen sa pangangalakal ng mga [[pampalasa]]. Nakikilala ang Yemen ng [[Imperyong Romano|sinaunang mga Romano]] bilang ''Arabia Felix'' ("Masayang Arabia" sa [[wikang Latin|Latin]]. Tinawag nila itong Masayang Arabia dahil ang pook ay maganda at makapangyarihan.
 
Noong dekada ng 700, ang mga Yemeni ay kabilang sa mga unang sumali sa bagong relihiyong [[Islam]]. Magmula noon, ang mga Yemeni ay naging matibay na mga [[Muslim]] na naging nasa harapan ng lahat ng mga pananakop na isinagawa para sa Islam, at ang mga taga-Yemen ay dating naging mga pinuno ng Espanyang Islamiko sa loob ng mahigit sa 800 mga taon.
 
Sa kasalukuyan, ang Yemen ay mayroong 20 milyong katao. Karamihan sa kanila ay nagsasalita ng [[wikang Arabe]].
 
{{Middle East}}
{{usbong|Gitnang Silangan|Yemen}}
{{stub}}
 
[[Kategorya:Mga bansa sa Asya]]
[[Kategorya:Yemen]]
 
[[ace:Yaman]]
166,389

edits