Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Awiting Gregoriano"

linis
(bantas)
(linis)
 
Sa una, ang mga awiting Gregoriano ay nakaayos sa apat, pagdaka ay walo, at sa panghuli ay labindalawang mga [[modong pangmusika|modo]] (gawi). Ang tipikal na mga katampukang pangmelodiya ay kinabibilangan ng mga katangian nitong mga [[Ambitus (musika)|ambitus]], mga padrong mayroong interbal o agwat (pagsasalitan) na mayroong kaugnayan sa isang salitang [[Pinal (musika)|katapusang modo]], mga ''[[incipit]]'' at mga [[kadensiya (musika)|kadensiya]], ang paggamit ng mga [[tonong pabigkas]] (tonong pangresitasyon o pasalaysay) na mayroong partikular o tiyak na layo magmula sa pinal o pangwakas, na sa paligid nito ay umiinog ang iba pang mga nota ng melodiya, at isang [[talasalitaan]] (bokabularyo) ng mga paksa o ''motif'' na pangmusika na hinabing magkakasama sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag bilang [[centonization|kentonisasyon]] upang makalikha ng mga pamilya ng magkakaugnay na mga "awit na pabigkas". Ang padron ng eskala (huwaran ng sukat) ay mayroong organisasyon (pagkakaayos) na laban sa isang padrong panlikuran na binubuo ng mga [[tetrakord]] na nakaugnay (''conjunct'') at tinatanggal (''disjunct''), na lumilikha ng isang mas malaking sistema ng [[pitch|tinis]] (tono) na tinatawag bilang [[gamut (musika)|gamut]]. Ang mga awit ay maaaring awitin sa pamamagitan ng paggamit ng mga padrong may anim na mga nota na tinatawag bilang mga [[heksakord]]. Ang mga melodiyang Gregoriano ay nakaugaliang isinusulat sa gumagamit ng mga [[neume]], isang maagang anyo ng [[notasyong pangmusika]] kung saan umunlad ang modernong [[staff (music)|tagdang mayroong apat na mga guhit at mayroong limang mga guhit]].<ref>Ang pag-unlad ng mga estilo ng notasyon ay tinatalakay sa [http://www.dolmetsch.com/musictheory2.htm Dolmetsch online], napuntahan noong 4&nbsp;Hulyo&nbsp;2006</ref> Ang mga elaborasyon o detalyeng may maramihang mga tinig ng awiting Gregoriano, na tinatawag bilang organum, ay isang maagang hakbang sa pag-unlad ng [[poliponiya]]ng sa [[Kanluraning Mundo]].
 
CONTINUE HERE
 
Ang mga awit na Gregoriano ay tradisyunal na inaawit ng mga [[koro]] ng mga lalaking nasa wasto nang edad at ng mga batang lalaki sa mga [[simbahan (gusali)|simbahan]], o ng kababaihan at kalalakihan ng mga [[ordeng relihiyoso]] sa loob ng kanilang mga [[kapilya]]. Ito ang tugtugin ng [[Ritong Romano]], na isinasagawa sa [[Misa (liturhiya)|Misa]] at sa [[Mga oras na kanonikal|Tanggapan]] (Opisina) ng monasteryo o kumbento. Bagaman ang kantang Gregoriano ay humalili o humawi sa iba pang mga nakaugaliang katutubong mga payak na awiting pabigkas ng Kristiyanong Kanluran upang maging opisyal na musika ng liturhiyang Kristiyano, ang [[awiting Ambrosiano]] ay patuloy pa ring ginagamit sa Milan, at mayroong mga musikologo (musikolohista) na gumagalugad sa kapwa mga awiting ito na kasama ang [[awiting Mozarabiko]] ng Espanyang Kristiyano. Bagamang ang awiting Gregoriano ay hindi na ngayon sapilitan o obligatoryo, opisyal pa ring isinasaalang-alang ito ng Simbahang Katoliko Romano bilang musikang naaangkop para sa [[pagsamba]].<ref name=Catholic>[http://www.christusrex.org/www1/CDHN/v8.html Ang Konstitusyon hinggil sa Banal na Liturhiya, Ikalawang Konseho ng Batikano]; [[Papa Benedicto XVI]]: [http://www.cwnews.com/news/viewstory.cfm?recnum=44963 Catholic World News 28&nbsp;Hunyo&nbsp;2006], kapwa napuntahan noong 5&nbsp;Hulyo&nbsp;2006</ref> Noong ika-20 daantaon, ang awiting Gregoriano ay nagkaroon ng "[[muling pagkabuhay]]" ("[[muling pagsilang]]") na [[musikolohikal]] at may katanyagan.
166,389

edits