Papa: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
Atn20112222 (usapan | ambag)
Linya 24:
==Kasaysayan ng kapapahan sa Simbahang Katoliko Romano==
Kinikilala ng mga Romano Katoliko ang [[Papa]] ng Simbahang Katoliko Romano bilang kahalili ni [[San Pedro]] na ayon sa interpretasyong Romano Katoliko ng [[bibliya]] ay pinangalanan ni [[Hesus]] si Pedro na "pastol" at "bato" ayon sa {{bibleverse||Mateo|16:18-19}} at {{bibleverse||Juan|21:17}}. Bagaman si Pedro ay hindi nagkaroon ng pamagat na "[[Papa]]" na kalaunan lamang ginamit sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko Romano, siya ay kinikilala ng mga Romano Katoliko na "unang papa". Ayon sa mga opisyal na deklarasyon ng Simbahang Katoliko Romano, ang mga papa ay humahawak ng isang posisyon sa loob ng [[kolehiyo ng mga obispo]] na katulad ng hinawakan ni Pedro sa loob ng kolehiyo ng mga apostol bilang prinsipe ng mga apostol na hinalinhan ng kolehiyo ng mga obispo bilang isang natatanging entidad.
Bagaman inaangkin ng tradisyong Romano Katoliko na si Pedro ang unang "obispo" at kaya ay ang unang "papa", walang ebidensiya na si Pedro ay sangkot sa simulang pagtatag ng pamayanang Kristiyano sa Roma o nagsilbi sa Roma bilang "unang obispo". Ang pamumuno ng "isang obispo" sa simbahan ng Roma ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE. Sa pagkapapa lamang ni [[Papa Pio I]] sa gitna ng ikalawang siglo CE nang ang simbahan sa Roma ay nagkaroon ng istrukturang pangangasiwang isang episkopa na "isang obispo" bilang pinunong pastor ng diocese. Ang itinatala ng tradisyong Katoliko na mga agarang kahalili ni Pedro gaya nina [[Papa Linus]], [[Papa Anacleto]] at iba pa ay hindi gumampan bilang "isang obispo" ng Roma.<ref>McBrien, Richard P. Lives of the Popes: The Pontiffs from St. Peter to Benedict XVI. Harper, San Francisco, 2005 updated ed., p.25</ref> Sa simulang mga siglo, ang mga obispo ng Roma ay hindi nagtamasa ng kapangyarihang [[temporal]] hanggang sa panahon lamang ng Emperador Romanong si [[Dakilang Constantino]]. Pagkatapos ng pagbagsak ng Roma, ang kapapahan ng Simbahang Katoliko Romano ay naimpluwensiyahan ng mga pinunong temporal ng at nakapaligid sa Peninsulang Italyano. Sa paglipas ng panahon, pinag-isa ng kapapahan ang mga pag-aangking pang-teritoryo nito sa isang bahagi ng peninsulang tinatawag na [[Mga estado na Pang-Papa]]. Pagkatapos nito, ang papel ng mga kapitbahay na soberanya ay pinalitan ng mas makapangyarihang mga pamilyang Romano noong [[saeculum obscurum]], panahong [[Crescentii]] at kapapahang [[Tusculan]]. Mula 1048 hanggang 1257, ang kapapahan ay dumanas ng papalaking pakikipag-alitan sa mga pinuno ng [[Banal na Imperyo Romano]] at [[Imperyong Bizantino]]. Ang huli ay humatong sa [[Sismang Silangan-Kanluran]] na naghati sa Simbahang Katoliko Romano at [[Silangang Ortodokso]]. [[File:Avignon, Palais des Papes by JM Rosier.jpg|thumb|right|Ang [[Palais des Papes]](Palasyo ng Papa) sa Avignon]]
Mula 1257 hanggang 1377, ang papa na obispo ng Roma ay tumira sa Viterbo, Orvieto, at Perugia, at pagkatapos ay sa [[Avignon]], Pransiya. Sa panahon ng [[kapapahang Avignon]], ang pitong mga papa na lahat ay Pranses ay tumira sa [[Avignon]], Pransiya mula 130: [[Papa Clemente V]](1305–14), [[Papa Juan XXII]] (1316–34), [[Papa Benedicto XII]] (1334–42), [[Papa Clemente VI]] (1342–52), [[Papa Inocencio VI]] (1352–62), [[Papa Urbano V]] (1362–70) at [[Papa Gregorio XI]] (1370–78). Noong 1378, inilipat ni [[Gregorio XI]] ang tirahan ng papa pabalik sa Roma at namatay roon. Ang pagbalik ng mga papa sa Roma pagkatapos ng [[kapapahang Avignon]] ay sinundan ng Sismang Kanluraning na pagkakabahagi ng [[kanlurang Kristiyanismo|kanlurang simbahan]] sa dalawa at sa isang panahon ay tatlong magkakatunggaling nag-aangkin na papa.
[[File:Raffael 040.jpg|thumb|right|Si [[Papa Leo X]] at kanyang mga pinsang sina [[Papa Clemente VII|Giulio de' Medici]] (kaliwa na naging [[Papa Clemente VII]]) at Luigi de' Rossi (kanan) na kanyang hinirang na mga [[pamangkin-kardinal]].]]
 
[[File:Raffael 040.jpg|thumb|right|Si [[Papa Leo X]] at kanyang mga pinsang sina [[Papa Clemente VII|Giulio de' Medici]] (kaliwa na naging [[Papa Clemente VII) at Luigi de' Rossi (kanan) na kanyang hinirang na mga [[pamangkin-kardinal]].]]
Mula sa pagkakahalal kay [[Papa Martin V]] ng [[Konseho ng Constance]] noong 1417 hanggang sa [[Protestanteng Repormasyon]], ang [[Kanlurang Kristiyanismo]] ay malaking malaya mula sa pagkakabahagi gayudin ang mga [[antipapa|tumututol na nag-aangking papa]]. Ibinalik ni Martin V ang kapapahan sa Roma noong 1420. Hindi tulad ng kanilang mga katumbas na Europeo, ang mga papang Romano Katoliko ay hindi mga [[pagmamanang monarkiya|nagmamanang monarko]] kaya kanilang tanging maitataas ang mga interes ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng [[nepotismo]].<ref name="s369">Spielvogel, 2008, p. 369.</ref> Ang salitang ''[[nepotismo|nepotism]]'' ay orhinal na spespikong tumutukoy sa kasanayan ng paglikha ng mga [[pamangkin-kardinal]] nang ito ay lumitaw sa wikang Ingles noong 1669.<ref>[[Oxford English Dictionary]]. September 2003. "[http://dictionary.oed.com/cgi/entry/00323182?single=1&query_type=word&queryword=nepotism&first=1&max_to_show=10 Nepotism]"</ref> Ayon kay Duffy, "ang hindi maiiwasang kalalabasan ng lahat ng ito ay ang paglikha ng isang makapangyarihang klaseng kardinalasyal na may malakas na mga koneksiyong pang-[[dinastiya]]."<ref name= "d193">Duffy, 2006, p. 193.</ref> Ang Kolehiyo ng mga Kardinal ay pinanaigan ng mga [[pamangkin-kardinal]] na mga kamag-anak ng mga papa na nagtaas sa kanila sa posisyon, mga [[korona-kardinal]] na mga kinatawan ng mga monarkiyang Katoliko sa Europa at mga kasapi ng makapangyarihang mga pamilyang Italayano. Ang [[Mga Estado ng Papa]] ay nagsimulang magmukhang isang modernong [[estado-bansa]] sa panahong ito at ang kapapahan ay kumuha ng papalaking aktibong papel sa mga digmaang Europeo at diplomasiya. Si [[Papa Julio II]] ay nakilala bilang "Mandirigmang Papa" dahil sa kanyang paggamit ng pagdanak ng dugo upang palakihin ang kanyang teritoryo at pag-aari ng kapapahan.<ref name="s368">Spielvogel, 2008, p. 368.</ref> Ang mga papa sa panahong ito ay gumamit ng hukbo ng pang-apa hindi lamang upang payamanin ang kanilang mga sarili at pamilya kundi pati ipatupad at palawigin ang matagal na mga pag-aangking pang-teritoryo at pag-aari ng kapapahan bilang isang institusyon.<ref name="d190">Duffy, 2006, p. 190.</ref> Bagaman bago ang Kanlurang Sisma, ang kapapahan ay humahango ng karamihan ng kita nito mula sa masiglang pagsasanay ng opisinang espiritwal nito, sa panahong ito, ang mga papa ay nakasalalay sa pananalapi sa mga kita ng mismong mga Estado na Pang-Papa. Dahil sa maambisyosong mga paggasta sa digmaan at mga proyekto ng pagtatayo ng mga gusali, ang mga papa ay lumipat sa mga bagong mapagkakakitaan mula sa pagbebente ng mga [[indulhensiya]] at mga opisinang burokratiko at eklesiastikal.<ref name = "d194">Duffy, 2006, p. 194.</ref> Ang mga pangangampanyang diplomatiko at pang-militar ni [[Papa Clemente VII]] ay humantong sa pagsalakay at pagnanakaw sa Roma noong 1527.<ref>Duffy, 2006, p. 206.</ref>