Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Patriarka ng Antioquia"

walang buod ng pagbabago
m (Inilipat ni Atn20112222 ang pahinang Obispo ng Antioch papunta sa Patriarka ng Antioch)
Ang '''Patriarka ng Antioch''' ay isang tradisyonal na pamagat na hinawakan ng Obispo ng Antioch. Bilang tradisyonal tagapangasiwa ng unang pamayanang Kristiyanong [[hentil]], ang posisyogn ito ay naging ng pangunahing kahalaghan sa simbahan mula sa pinakamaagang panahon nito. Ang diocese na ito ang isa sa ilan na ang mga pangalan ng mga obispo nito mula sa mga pagsisimulang apostoliko ay naingatan. Ngayon, may limang mga simbahan na gumagamit ng pamagat na Patriarka ng Antioch: [[Syriac Orthodox Church]] at [[Syriac Catholic Church]], at Chalcedonian, ang [[Griyegong Ortodoksong Simbahan ng Antioch]], ang [[Simbahang Melkitang Griyegong Katoliko]] at [[Simbahang Maronita]]. Sa kasayayan, mayroon ring naging isang Latin na Patriarka ng Antioch. Ayon sa tradisyon ng Simbahan, ang sinaunang Patriarka ay itinatag ni [[San Pedro]]. Ang paghaliling pang-Patriarka ay tinutulan sa panahon ng sismang [[Meletian]] noong 362 CE at muli noong [[Konseho ng Chalcedon]] noong 451 CE nang may mga magkatunggaling hindi-Chalcedonian at Melkita sa sede.Pagkatapos ng isang alitan sa paghalili noong ika-7 siglo sa Simbahang Melkita, ang mga Maronita ay nagsimulang humirang rin ng Patriarkang Maronita. Pagkatapos ng [[Unang Krusada]], ang Simbahang Katoliko ay nagsimulang humirang ng isang Latin na Patriarka ng Antioch bagaman ito ay naging striktong titular pagkatapos ng Pagbagsak ng Antioch noong 1268 at buong binuwag noong 1964. Noong ika-18 sgilo, ang mga alitan sa paghalili sa mga Simbahang Griyegong Ortodoks at Siriakong Ortodokso ng Antioch ay humantong sa mga paksiyon ng mga simbahan na pumasok sa isang komunyon sa Roma sa ilalim ng mga nag-aangkin sa patriarkada: Ang Melkitang Griyegong Katolikong Patriarka ng Antioch at Siriakong Katolikong Patriarka ng Antioch. Ang kanilang mga kontraparteng Ortodokso ang Griyegong Ortodoksong Patriarka ng Antioch at Siriakong Ortodoksong Patriarka ng Antioch.
==Mga kasalukuyang Patriarka ng Antioch==
Sa ngayon, may limang mga simbahan na nag-aangkni ng pamagat na Patriarka ng Antioch. Ang tatlo sa mga ito ay autonomosong Silangan Katoliko na partikular na mga simbahan na may buong komunyon sa [[Papa ng Simbahang Katoliko Romano]]. Nakikita ng lahat ng limang mga ito ang kanilang mga sarili na bahagi ng pagmamanang Antiochene at nag-aangkin ng karapatan sa Sedeng Antiochene sa pamamagitan ng [[paghaliling apostoliko] bagaman wala sa mga ito ay aktuwal na nakabase sa siyudad ng Antakya. Ang mga kasalukuyang Patriarka ng Antioch ang sumusunod:
* [[Ignatius Zakka I Iwas]], Patriarka ng Antioch at Lahat ng Silangan. Si Ignatius Zakka I ang Supremang Pinuno ng [[Simbahang Siriakong Ortodokso]] na bahagi ng komunyong [[Ortodoksong Oriental]] at gumagamit ng liturhiyang Antiochene. Ang kanyang Sede ay nakabase sa [[Damascus]].
* [[Gregory III Laham]], Patriarka ng Antioch at Lahat ng Silangan, Alexandria, at Herusalem ng mga Melkitang Griyego. Si Gregory III ang pinuno ng [[Simbahang Melkitang Griyegong Katoliko]] na may buong komunyon sa Silangang Katoliko at gumagamit ng liturhiyang Bizantino. Ang kanyang sede ay nakabase sa Damascus.
* [[Ignatius Joseph III Yonan]], Patriarka ng Antioch at Lahat ng Silangan ng mga Syrian. Si Ignace Joseph III ang pinuno ng [[Simbahang Siriakong Katoliko]] na isang Simbahang Silangang Katoliko na may buong komunyon sa Banal na Sede sa Vatikano at gumagamit ng liturhiyang Antiochene. Ang kanyang sede ay nakabase sa [[Beirut]].
* [[Bechara Boutros Rahi]], [[List of Maronite Patriarchs|Maronitang Patriarka ng Antioch at ng Buong Levant]]. Ang Simbahang Maronita ay isang Simbahang Silangang Katoliko na may buong komunyon sa Simbahang Katoliko at gumagamit ng liturhiyang Maronita. Ang kanyang sede ay nakabase sa [[Bkerké]], [[Lebanon]].
* [[John X of Antioch]] ay inihalal na [[Griyegong Ortodoksong Patriarka ng Antioch at Lahat ng Silangan]] noong Disyembre 27,2012. Si John X ang pinuno ng [[Simbahang Ortodoksong Antiochian]] at kaya ay isa sa mga pangunahing hierarko ng Simbahang [[Silangang Ortodokso]]. Ang kanyang sede ay nakabase sa Damascus at gumagamit ng liturhiyang Bizantino.
 
[[Kategorya:Mga Patriarka ng Antioch]]
[[Kategorya:Silangang Ortodokso]]
11,766

edits