Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Patriarka ng Antioquia"

 
Mula kay [[Ferdinand Christian Baur]], ang mga skolar ay nakatagpo ng ebidensiya ng alitan sa pagitan ng mga pinuno ng Sinaunang [[Kristiyanismo]]. Halimbawa, ayon kay James D.G. Dunna, si Pedro ang tulay sa pagitan ng magkatunggaling mga pananaw ni [[Apostol Pablo]] at [[Santiago ang Makatarungan]]. Ayon sa [[Konseho ng Herusalem]], si [[Santiago ang Makatarungan]] na ang hatol o pasya ay tinanggap sa '''Kautusang Apostoliko''' ng {{bibleverse|Mga|Gawa|15:13-21}}, c. 50 CE: "...Dahil dito, ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos. Sa halip, sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos-diyosan, sa kasalanang sekswal, sa mga binigti at sa dugo. Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat...."
Ang layunin ng pagpupulong ayon sa Mga Gawa ay lutasin ang isang alitan sa Antioch na may malawak na mga implikasyon kesa sa pagtutuli lamang dahil ang pagtutuli ay isang walang hanggang tanda ng tipang Abrahamiko(Genesis 17:9-14). Ang ilang mga [[fariseo]] ay naging mananampalatayang Kristiyano ay nagpilit na "kinakailangan na sila ay tuliin at utusan silang sundin ang batas ni Moises"({{bibleverse|Mga|Gawa|15:5}}. Ang pangunahing isa na tinugunan ay nauugnay sa pangangailangan ng pagtutuli ngunit ang ibang mga bagay ay umahon rin. Ang alitan sa pagitan ng mga "haligi ng Simbahan" na pinamunuan ni Santiago na naniniwalang na ang simbahan ay dapat sumunod sa [[Torah]] o sumunod sa mga patakarana ng tradisyonal na [[Hudaismo]] at Pablo na naniniwalang walang gayong pangangailangan.
Ayon sa tradisyon ng Simbahan, si [[Pedro]] ang nagtatag ng Simbahan sa Antioch at ang unang obispo nito. Si [[Ignacio ng Antioch]](minartir noong ca. 107 BCE) ang binibilang na ikatlong obispo ng Antioch at isang prominenteng [[amang apostoliko]]. Noong mga ika-4 na siglo CE, ang obispo ng Antoch ang naging pinakanakatatandang obispo sa rehiyong sumasaklaw sa kasalukuyang silanganing Turkey, Lebanon, Israel at Palestina, Syria, Jordan, Iraq, atIranat Iran. Ang kanyang hierarkiya ay nagsilbi sa pinakamalakingbilang mga Kristiyano sa alam na daigdig sa panahong ito.
 
==Mga kasalukuyang Patriarka ng Antioch==
11,766

edits